Mula nang ma-trap sila sa ilalim ng ulan kahapon, may kung anong nagbago sa pagitan nila ni Jack. Hindi niya maipaliwanag, pero ramdam niya. Parang may hangin sa pagitan nila na punong-puno ng hindi mabigkas na salita — mabigat, pero matamis. Ngayon, habang naglalakad siya sa hallway, pakiramdam niya'y may pares ng matang nakasunod sa bawat hakbang niya. Hindi niya kailangang lumingon para malaman kung sino. Sanay na ang katawan niya sa presensya nito — kahit hindi niya aminin, hinahanap-hanap na niya. Pero ngayong araw, may kung anong kirot sa dibdib niya habang pinagmamasdan si Jack na may kausap na ibang babae. Pamilyar ang ngiti ni Jack — ‘yung tipong nakakaloko, pero may lambing na tinatago. Dati, sa kanya lang nakalaan ang ngiting ‘yon. Bakit nga ba parang ang liit-liit ng espasyo

