Matagal nang umalingawngaw sa isipan ni Jack Lee ang sagot ni Bhem—isang simpleng, "Dapat lang." May ngiti sa labi nito noon, ngunit ramdam niyang hindi pa siya lubos na kumbinsido. Sa totoo lang, hindi niya rin naman masisisi si Bhem. Sino ba namang matutuwa sa isang biglaang pagkansela ng date at isang magulong pag-amin sa rooftop? Kung siya man ang nasa posisyon nito, siguradong magdududa rin siya. Pero ayaw na niyang maging torpe. Ayaw na niyang maging duwag sa nararamdaman niya. Sa pagkakataong ito, hindi na niya hahayaang sirain ng kahit ano ang plano niya. Hindi na ito matatapos sa mga salitang biglaang nasabi dahil sa bugso ng damdamin. Ngayon, gusto niyang ipakita sa dalaga na seryoso siya. Na hindi ito biro. Sa tambayan nila, nakaupo si Jack sa harap nina Daphne, Lora, at Andr

