Chapter 10: Araw ng Sagutan

1085 Words
May kung anong sumpa yata ang mga umaga ko. Imbes na tahimik at maaliwalas, lagi na lang akong sumasalubong sa sakit ng ulo — at ang ugat ng lahat ng ‘yon? Walang iba kundi si Jack . Pagpasok ko pa lang sa classroom, ayun na siya, nakasandal sa may pintuan na parang bida sa sarili niyang pelikula. Nakatukod ang isang braso sa pader, at ‘yung paborito niyang ngisi — ‘yung tipong parang may alam siyang hindi ko alam — naka-display na naman sa mukha niya. Ang buhok niya, parang sinadya pang guluhin para magmukhang effortless, at kahit ‘yung uniform niya, laging may pa-luwag effect, akala mo wala siyang pakialam — pero syempre, meron. Lalo na pagdating sa pang-aasar sa’kin. "Excuse me, dadaan si pogi," sabi niya, saktong sakto sa paglapit ko. Hindi ko na siya tinapunan ng tingin. Diretso lang ako, pero siyempre, hindi siya papayag nang hindi ako nasusundot. Sadyang inusog niya ang balikat niya — eksakto sa daanan ko — kaya siyempre, nabangga ako. Halos matapilok pa ako sa lakas. Narinig ko ang mababa niyang tawa — ‘yung tipong alam mong sinadya talaga. "Sorry, sinadya ko lang," sabi niya. Walang pagsisisi, puro pang-aasar lang. Pinili kong manahimik. Hindi dahil sa wala akong sagot — kundi dahil pagod na akong makipagsagutan sa kanya sa unang oras pa lang ng araw. Pero sa loob-loob ko, kumukulo na naman ang dugo ko. Gano’n lagi. Para kaming may tahimik na laban araw-araw — at siya ang laging nauunang umatake. Ang mas nakakainis? Hindi naman siya laging ganito dati. May mga pagkakataon — sobrang saglit lang — na parang totoo ‘yung mga ngiti niya. ‘Yung tipong hindi pang-asar, hindi biro. Pero bago ko pa maintindihan, may bagong kalokohan na naman siya, at balik na naman kami sa umpisa — sa asaran, sa inisan, sa bangayan. Buong araw, parang anino ko siya. Sa classroom, sa hallway, kahit sa canteen. Parang laging sakto ang tiyempo niya. Kung saan ako naroon, nandoon din siya. Minsan, kunwari may ibang agenda, pero sa totoo lang — ako ang pakay. Nakakapagod. Pero ang mas nakakapagod, ‘yung sarili kong reaksyon sa presensya niya. Tanghali na nang tuluyang sumuko ang pasensya ko. Habang bumibili ng snacks sina Lora at Daphne, doon na naman siya sumulpot — may bitbit pang paper bag at softdrinks. “Para sa’yo,” sabi niya, sabay lagay sa harap ko. Empanada at Coke — eksaktong order ko. Tumingin ako sa pagkain, tapos sa kanya. Laging ganito. Lagi niyang nahahanap ang paraan para makalusot sa depensa ko. “Ano ‘to? May lason?” tanong ko, hindi man lang tinago ang hinala sa boses ko. Ngumiti siya, pero hindi ‘yung usual na pilyong ngiti. “Special delivery lang para sa paborito kong kaaway.” At ‘yun na naman. Sandali lang — sobrang saglit — na parang totoo ang sinabi niya. Bago ko pa maintindihan, tumalikod na ako, iniwan siyang nakangiti pa rin. Sa PE class, parang tinadhana ng mundo na kami ang magka-partner. “Relax ka lang,” bulong niya habang sabay kaming nagwa-warm up. “Para kang laging galit.” “Baka kasi may dahilan,” sagot ko, hindi man lang siya nilingon. Iba ang kilos ni Jack. Laging parang walang effort, laging parang hindi seryoso, pero laging may tama. At kahit anong iwas ko, napapansin ko pa rin. Parang ang dali-dali ng lahat sa kanya — at ako? Ako itong laging nakakapit sa natitirang pasensya ko. Isang iglap, nasa baywang ko na ang kamay niya — sapat lang para suportahan ako sa stretching, pero may kakaiba sa hawak niya. Hindi bastos, pero may init. ‘Yung tipong hindi ko kayang dedmahin. Mabilis kong inalis ang kamay niya, sabay palusot na nag-aayos ng sintas ng sapatos. Narinig ko ang pigil niyang tawa — alam niya. Laging alam niya. Natapos ang araw na parang replay ng umaga — at ayun na naman siya, nakaharang sa daraanan ko pauwi. “Alam mo,” sabi niya, mas tahimik ang boses kaysa dati. “Cute ka ‘pag galit.” “Eh di adorable ako araw-araw,” sagot ko, sabay talikod. Hindi siya agad tumabi. Nakatayo lang siya doon, nakatingin sa’kin na parang may iniisip na malalim. “Bakit mo ba ako laging iniiwasan?” tanong niya. Diretso. Walang biro. Napahinto ako, pero saglit lang. “Kasi nakakainis ka.” “Hindi ‘yan ang totoo.” Ayoko sa mga taong sigurado. Lalo na sa mga taong mas kilala ako kaysa sa sarili ko. “Whatever, Jack. Umalis ka na.” At sa unang pagkakataon, sumunod siya. Walang banat, walang hirit. Tahimik lang siyang nakatayo habang papalayo ako. Pero ang mas nakakainis? Hinahanap-hanap ko ‘yung ingay. Nang gabi, nakahilata lang ako sa kama, nakatingin sa kisame. Nag-iingay ang phone ko sa notifications — sina Lora at Daphne, excited sa bagong movie plans. Pero kahit anong pilit kong mag-focus, isa lang ang naiisip ko. Si Jack. ‘Yung tingin niya, ‘yung paraan ng paglapit niya, ‘yung para bang ako lang ang mundo niya sa mga sandaling ‘yon. At ang pinakanakakatakot? Hindi ko sigurado kung gusto ko nga ba siyang tumigil. O gusto ko na lagi niya yong ginagawa Sakin . Nasisiraan na ata ako ng bait , dahil sa mga ginagawa niya at pinaparamdam sakin na lagi kong iniiwasan na maramdaman dahil pag nagkataon ma iinlove ako sa kupal na jack yon. Pero parang buto pa sakanya ang tadhana ehh iniiwasan ko naman kasi pero tadhana parin ang gumagalaw para sa kanya . At kahit sabihin kong hindi ako naaakit sa kanya ehh sarili kolang yata ang niloloko ko , oo naiinis ako sa kanya pero ang hindi kolang maintindihan kong san nanggagaling yong inis nayon . Gusto ko siya itaboy lagi ngunit pag umalis nama siya presensiya naman niya ang hanap hanap ko nagmumukha na tuloy akong sira nito dahil lang sa kumag . Mas kinababaliwan ko ang ugali nitong walang diriksyon minsan seryuso minsan parang gago hayss maluluka na ang bangs ko nito sa kakaisip . Pero aaminin ko rin na naaakit ako sa kanya Ang sarap titigan ng mga labi niya ehh super kissable lips kasi , bumagay din sa katawan niya yong style ng pananamit niya , kaya ang rami rin ng mga bruha ang baliw na baliw sa kapogian niya . Kahit faculty ehh napapahanga rin sa angking itsura niya ,Kasi kahit anong anggulo mo siya titigan Wala paring nagbabago sa mala angelic face niya. To be continued.......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD