Chapter 11: Mashinggun ni Mudrakilss

1064 Words
Pagkarating ko pa lang sa bahay, ramdam ko na agad ang kakaibang aura sa paligid. May kung anong amoy ang sumalubong sa’kin — matapang, maasim, at may halong hindi ko maipaliwanag kung pagkain ba o expired na pabango. Napangiwi ako. Hindi ako mapakali. Lumapit ako sa mesa at doon ko nakita ang isang malaking mangkok, natatakpan ng plastic wrap, at sa ilalim non ay may kung anong nilalang na parang bumubula. Ano na naman ‘to? Lumingon ako sa paligid, nagbabakasakaling may ibang tao sa bahay na puwede kong tanungin. “Manang Jose!” tawag ko, medyo sumisipa na ang inis sa tono ko. Ilang segundo pa at lumitaw si Manang mula sa likod-bahay, may dalang basahan at amoy labandera. “Oh, iha, ano nanaman ‘yan?” Turo ko sa mangkok. “Ano ‘to? At bakit parang amoy pawis na binabad sa suka?” Ngumiti si Manang — yung paborito niyang ngiti kapag alam niyang may kasunod na pagsubok sa buhay ko. “Ah, yan ba? Nilalako ng mommy mo ‘yan. Pinapatubo muna para mas malaki bago iluto. Masarap ‘yan pag naluto, iha.” Masarap daw. Sinong niloloko nila? Ni hindi ko maharap hawakan, paano ko isusubo? “Aasan si mommy?” tanong ko, umaasang may tsansang makatakas ako bago pa ako utusan. “Ewan. Pero sure akong maririnig ka rin no’n.” Tumawa si Manang habang bumalik sa ginagawa niya. Naiwan akong nakatanga sa mesa, kausap ang sarili ko sa isip. Kakauwi ko pa lang. Pagod na pagod pa ako kay Jack . Pwede ba akong magpahinga kahit saglit? Pero sa bahay na ‘to, ang pahinga ay para lang sa mga bisita. Pagpasok ko sa kwarto, bumagsak agad ako sa kama. Saka lang sumipa lahat ng pagod — mula sa mahabang klase, hanggang sa inis ko kay Jack , tapos ngayon, ang bantot na misyon mula sa Mudrakilss ko. Pero hindi ko pa man nararamdaman ang sarap ng unan, narinig ko na ang malakas na sigaw mula sa ibaba. “BHEMMMM!” Nanigas ang katawan ko. May ilang segundo akong nagbakasakaling hindi niya uulitin. “BHEMMMMMMM! Lumabas ka diyan bago kita pasabugin!” Napapikit ako nang mariin. Hindi ko alam kung bakit ngayon pa ako tinatamad lumaban, pero alam kong wala rin akong laban. Sa bahay na ‘to, wala pang nanalo sa laban kay Mudrakilss. Ilang kalabog pa sa pinto at tuluyan na itong bumukas gamit ang susi niya — ang susi ng bawat magulang na ‘di marunong kumatok. “Bangon!” boses na malamig pero punong-puno ng banta. Nakatayo siya sa may pinto, nakapamewang, may bahid ng harina sa pisngi, at amoy mantika. “Mommy, five minutes lang…” lambing ko, sinusubukang humirit. “Walang five minutes! Bumaba ka at tumulong!” Wala akong choice. Alam ko ‘yan. Sa bahay na ‘to, ang batang sumagot ay may kasamang sermon at pamalo. Bumangon ako nang may bagsak ang balikat, parang sundalong talunan. Sa kusina, sinalubong ako ng mas matapang pang amoy. Kung kanina parang asim lang, ngayon parang sumama na ang lahat ng lansa sa mundo. “Hugasan mo ‘yan,” utos ni mommy, sabay turo sa mala-halimaw na babad sa mangkok. “Mommy naman, ano ba ‘to? Ang baho!” reklamo ko, pero isang tingin pa lang niya, natahimik ako. Kahit anong reklamo, walang saysay. Sa bahay na ‘to, ang reklamo ay katumbas ng dagdag-trabaho. Kumuha ako ng gloves — survival instinct ng lahat ng panganay — at sinimulan ang mala-science experiment na paghuhugas. Habang binabanlawan ko ang laman ng mangkok, sumabay ang pagmumuni-muni ko. Bakit lagi na lang ako? Laging ako ang unang tinatawag. Ako ang unang inuutusan. Ako ang unang sinisisi kapag may hindi tama. Kasi panganay. Kasi babae. Kasi dapat marunong sa gawaing bahay. Samantalang ang mga kapatid kong lalaki? Walang pake. Walang hawak na kahit anong sandok. Kung may hawak man sila, cellphone o game controller lang. Unfair. “Hoy! Bagal mo!” sigaw ni mommy, nagpapakita lang na kahit sa simpleng paghuhugas, may time limit sa bahay na ‘to. “Ginagawa ko na po,” sagot ko, pilit nilulunok ang inis. Kaninang umaga lang, si Jack ang nagpapainit ng ulo ko. Ngayon naman, si mommy. Parehong nakakainis at nakakairita ang dahilan ng stress ko. Pero at least si Jack, nakakatuwa pa minsan. Si mommy? Isa siyang walking reminder na ang buhay ng panganay na babae ay isang mahabang training para maging ina — kahit hindi pa ako handa, kahit minsan hindi ko naman ginusto. Matapos ang halos isang oras na pagkakababad sa amoy at utos, natapos ko rin ang misyon ko. Pero hindi ang sermon ni mommy. “Paano ka mag-aasawa niyan? Paano magiging masaya asawa mo kung ni pagluluto di mo kaya? Puro ka tulog, puro ka cellphone!” Alam ko namang mahal ako ni mommy. Pero minsan, masakit din marinig na ang halaga ko ay naka-base sa gaano ako kagaling sa bahay. Parang wala akong ibang pwedeng gawin kundi maging tagapagmana ng lahat ng responsibilidad niya. Pagod na akong magpaliwanag. Pagod na rin akong magpanggap na okay lang lahat. Kaya sa dulo, tumango na lang ako. Gabi na nang makabalik ako sa kwarto. Nanginginig pa rin ang mga braso ko sa dami ng hinugasan. Ang mga binti ko, may marka pa ng kurot at hampas — souvenir mula sa Mashinggun ni Mudrakilss. Humiga ako ulit, pero ngayong nakatingin sa kisame, isang realization ang sumiksik sa utak ko. Walang nakakita sa pagod ko ngayong araw. Hindi si mommy. Hindi ang mga kapatid ko. Hindi si Jack , Hindi ako. Sa dami ng dapat gawin, nalimutan ko nang pansinin yung sarili kong pagod. At bukas, ganun ulit. Kung anong ginawa ko kanina uulitin ulit ,nakakastress na talaga dinadagdagan pa ng kupal ,pero minsan napapatawa niya rin ako kisa kay mommy ako nalang lagi ang nakikita ,ako nalang lagi ang maykasalanan ewan ko . Gusto ko nasana ang magsulo kaso bawal ehh magugulpi nanaman ako nagulpi nanga ako araw araw . Kung pwede lang sana gumamit ng magic para isang wagwag lang ng super wand ehh tapos na lahat ng pinapagawa sakin ni mudra,pero Hanggang imagination nalang ako ehh . Ang sarap sana mag prutista , kaso lahat yata ng gamit sa kusina lilipad papunta sakin , habulin lang nga ako ni mommy ng hanger ehh daig kupa ang kabayo kong TUMAKBO. To be continued.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD