bc

The Assistant Chef's Secret

book_age18+
12
FOLLOW
1K
READ
dark
one-night stand
second chance
heir/heiress
drama
sweet
office/work place
assistant
like
intro-logo
Blurb

She once knew the man beneath his expensive suit. Now, she has to call him Sir.

May talent si Bem Moon na gawing masterpiece ang kahit anong kitchen disaster—pero pagdating sa love life niya, tila palaging sunog ang recipe.

After mahuli ang boyfriend niyang nagtataksil, she makes one reckless decision: kalimutan ang sakit sa piling ng isang misteryosong estranghero na hindi man lang niya tinanong ang pangalan.

It was supposed to be just one unforgettable night. Walang pangalan. Walang pangako. Walang sequel.

Until fate decides to serve her an unexpected second course.

Two years later, nabigyan si Bem ng pagkakataong makapasok sa KANGÉ GROUP, determined to prove na deserve ng talento niya ang puwesto sa mundo ng culinary arts. Handa siyang harapin ang pressure, kompetisyon, at lahat ng pagsubok para maabot ang pangarap niyang maging isang world-renowned chef.

Pero sa unang araw pa lang niya, isang nakakagulat na katotohanan ang sumalubong sa kanya.

Ang bagong boss niya? None other than Ethan Kang—the mysterious stranger she once spent a night with.

Ang lalaking minsan niyang nakasama nang walang alinlangan ay siya na ngayong lalaking may kapangyarihang baguhin ang career niya.

Cold. Ruthless. Infuriatingly handsome.

Ethan Kang is the kind of man who treats every mistake as unforgivable. Yet behind those intimidating eyes, Bem sometimes catches a familiar look—as if he remembers every single detail of that night, too.

Determinado si Bem na hindi hayaang sirain ni Ethan ang mga pangarap niya. Pero habang mas sinusubukan niyang lumayo, mas tila gumagawa ang lalaki ng paraan para manatili siya sa paligid nito.

Is their undeniable chemistry just a dangerous distraction, or is there something between them that neither time nor distance could erase?

Dahil sa mundong puno ng pressure, ambition, at complicated relationships, hindi lang pala sa kusina maaaring masunog si Bem.

And when the past walks into her kitchen wearing a tailored suit, she must choose between the future she's always dreamed of and the man she never expected to meet again.

Will Bem follow the recipe for success—or risk everything for a love that was never supposed to have a second serving?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Taong 2023 noon nang mag-book ng flight si Bem mula sa kanilang probinsya sa Haedam papuntang Myeongdae City, upang sorpresahin ang kanyang boyfriend na si Aaron sa kaarawan nito. Tatlong oras ang biyahe, pero hindi iyon naging hadlang sa kanya. Matagal na rin silang hindi nagkikita nang personal dahil sa kanilang long-distance relationship, kaya sabik na sabik siyang makita ang lalaking minamahal niya. Pagdating sa Myeongdae, dumiretso siya sa workplace ni Aaron dala ang isang box ng cake at basket ng mga bulaklak. Habang naglalakad papunta sa opisina nito, hindi niya mapigilang ngumiti sa tuwing naiisip niya ang magiging reaksyon ng boyfriend niya sa kanyang sorpresa. Pagdating niya sa tapat ng pinto, inayos muna niya ang kanyang buhok at damit bago bahagyang ngumiti sa sarili. “Happy birthday, Aaron,” bulong niya habang tinitingnan ang mga dala. Kakatok na sana siya nang biglang may marinig siyang boses mula sa loob. “Aaron… I don't like her.” Natigilan si Bem. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon. Boses iyon ng ina ni Aaron. Halos mabitawan niya ang mga bulaklak at cake na dala. Hindi agad siya nakagalaw, tila umaasang baka iba ang ibig sabihin ng narinig niya. Ngunit nang marinig niyang muling nagsalita ang boyfriend, unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mukha. “Mom, don't worry. I'll handle this. She deserves a proper explanation before I break up with her.” Parang may kung anong dumurog sa dibdib ni Bem. Break up? Hindi siya makapaniwala sa narinig. Isang hakbang pa lang sana ang layo niya sa lalaking pinuntahan niya, pero ngayon, parang gusto na niyang tumakbo palayo. “Aaron, ang daming babae rito sa Myeongdae. I can help you find someone better,” mungkahi ng ina nito. “Mom, actually, I'm seeing someone right now. I'm sure magugustuhan niyo siya.” Hindi na kinaya ni Bem na makinig pa. Bawat salitang naririnig niya ay parang unti-unting sumasaksak sa kanyang puso. Habang siya, buong pananabik na nagplano ng sorpresa para sa kaarawan ni Aaron, ang lalaki naman ay abala nang magplano kung paano siya hihiwalayan. Hindi niya alam kung alin ang mas masakit—ang malaman na ayaw na sa kanya ni Aaron o ang marinig na may iba na itong babae. Tahimik niyang inilapag sa labas ng opisina ang mga bulaklak at cake. Saglit niya iyong tinitigan bago pilit na ngumiti, kahit nanginginig na ang kanyang mga labi. “Happy birthday, Aaron,” bulong niya. Pagkatapos, mabilis siyang tumalikod at lumabas ng gusali bago tuluyang bumagsak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Gusto lang niyang mapag-isa. Gusto niyang ilabas ang lahat ng sakit, hinanakit, at galit na matagal niyang kinikimkim. Habang naglalakad sa mga kalsada ng Myeongdae, napansin niya ang samu't saring bar sa paligid. Hindi siya pamilyar sa lugar, pero sa pagkakataong iyon, wala na siyang pakialam. Kailangan niyang makalimot kahit sandali. Kaya kahit nag-aalinlangan, nilakasan niya ang loob at pumasok sa isang bar na may pangalang K-DAZZLE BAR. Pagpasok niya, sinalubong siya ng malakas na tugtog at makukulay na ilaw. Maraming taong nagsasayawan at nagkukuwentuhan, tila walang problema sa mundo. Lumapit si Bem sa bar counter, umorder ng alak, at humanap ng bakanteng upuan sa isang sulok. Mag-isa siyang uminom habang pinagmamasdan ang mga taong masayang nagkukuwentuhan. Paminsan-minsan, napapatingin siya sa mga magkasintahang magkahawak-kamay, at sa bawat pagkakataon, lalo lamang sumasakit ang kanyang dibdib. “Kaya pala mas pinili mong iwan ang Haedam…” mapait niyang bulong sa sarili. “Ganito pala ang buhay sa Myeongdae.” Napatawa siya nang mahina, pero agad ding napayuko. Sa kalagitnaan ng kanyang pag-inom, biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ito sa kanyang buksa at nang makita niyang ang kanyang ama ang tumatawag, hindi niya napigilang muling maluha. Huminga muna siya nang malalim at pinilit na pakalmahin ang sarili bago sagutin ang tawag. “Pa…” “Bem? Nasa Myeongdae ka na ba?” “Opo, Pa” Biglang naghiyawan ang mga tao sa loob ng bar nang palitan ng DJ ang kanta. Napakunot-noo ang kanyang ama sa kabilang linya. “Anong ingay iyon?” Agad na tinakpan ni Bem ang mikropono ng cellphone at napatingin sa paligid. “Ah, Pa… kasama ko si Aaron. May party kasi sa bahay nila kaya medyo maingay.” Hindi niya gustong magsinungaling sa kanyang ama, pero hindi rin niya kayang sabihin ang totoo. Hindi pa niya kayang aminin na ang lalaking pinagkatiwalaan niya ay may iba nang minamahal. “Oh, gano'n ba? Sige, balitaan mo ako kung kailan ka uuwi, ha? At Bem, huwag kang iinom. Hindi mo naman kilala ang mga tao riyan. Basta, manatili ka lang sa tabi ni Aaron. Pakikumusta na rin ako sa mama niya, okay?” Napapikit si Bem at marahang napabuntong-hininga. “Yes, Pa” “Take care, anak.” “You too, Dad.” Pagkababa ng tawag, napayuko siya habang mahigpit na hawak ang cellphone. “Pa…” bulong niya habang pinupunasan ang kanyang mga pisngi. “Paano ko kaya ipapaliwanag sa'yo ang lahat ng ito?” Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nanatili sa bar. Ang alam lamang niya, patuloy siyang umiinom habang pilit na kinakalimutan ang sakit na nararamdaman. Pagsapit ng ala-una ng madaling-araw, halos hindi na siya makatayo nang tuwid sa sobrang kalasingan. Namumugto na ang kanyang mga mata sa kakaiyak, ngunit tila hindi pa rin sapat ang mga luhang nailabas niya para maibsan ang bigat ng kanyang nararamdaman. “Aaron… how could you do this to me?” Tuluyan siyang napayuko sa mesa habang patuloy na tumutulo ang mga luha niya. “one year…” Napatawa siya nang mapait habang pinupunasan ang kanyang mga pisngi. “Ang dami kong sinayang sa'yo. Ang dami kong isinakripisyo para sa wala.” Muli niyang kinuha ang baso at ininom ang natitirang alak bago pilit na tumayo. Napahawak siya sa gilid ng mesa nang mawalan siya ng balanse. Sa sobrang kalasingan, halos hindi na niya makita nang maayos ang kanyang dinaraanan. Pasuray-suray siyang naglakad sa pasilyo, nakasandal ang isang kamay sa dingding habang paminsan-minsang kumakapa sa mga pintong nadaraanan niya. Hindi na niya alam kung saan siya pupunta. Gusto lamang niyang makahanap ng lugar kung saan maaari siyang magpahinga. Hanggang sa may isang pintong biglang bumukas sa mismong sandaling napahawak siya sa doorknob. Click! Dahil sa kawalan ng balanse, tuluyan siyang napasubsob papasok sa silid. Napatingin siya sa pintong naiwan niyang bukas bago biglang natawa sa sarili. “Wow… ganito ba sa Myeongdae? Instant teleportation?” Hindi na niya alam kung ano-ano ang mga pinagsasasabi niya. Nang mapansin niya ang malaking kama sa loob ng silid, para bang iyon na ang pinakamagandang bagay na nakita niya sa buong magdamag. “Bed…” Wala na siyang ibang gustong gawin kundi matulog. Kaya pasuray-suray siyang lumapit sa kama at agad na humiga. Ilang sandali pa, may naramdaman siyang marahang halik sa noo niya. Dahan-dahan iyong bumaba hanggang sa kanyang leeg. Bahagya siyang napagalaw at iminulat ang mga mata. Malabo ang kanyang paningin, pero naaninag niya ang isang lalaking may malapad na balikat na nakayuko sa ibabaw niya. “Who are you?” mahinang tanong ng lalaki habang hinahalik halikan ang leeg ni Bem. “Pinadala ka ba ni Dad dito?” dugtong pa niya. Nakatitig lamang si Bem sa lalaki at uling bumalik sa isip ni Bem ang mga salitang narinig niya mula kay Aaron. I'm seeing someone right now. Parang muling nadurog ang puso niya. Napakagat siya sa labi habang pinipigilan ang panibagong pag-iyak. Ngunit hindi niya napigilan ang pagluha. Hinawakan niya ang mukha ng lalaki at napatigil ito sa paghalik sa leeg ni Bem. Nagkatitigan sila. "Do you want me to continue?" mahinang tanong lalaki. Sa matinding kalasingan ni Bem, ang gusto nalang niya ay maibsan ang sakit na kanyang nararamdaman. Tumango siya, at doon napangiti nang bahagya ang lalaki at hinalikang muli si Bem. Sa gabing iyon, sa gitna ng kalasingan at matinding sakit ng kalooban, may isang bagay na ginawa si Bem na hindi niya kailanman inakalang magagawa niya. Hindi na niya inisip kung ano ang mangyayari kinabukasan. Sa sandaling iyon, gusto lamang niyang takasan ang sakit na iniwan sa kanya ni Aaron. Ang tanging inaasahan niya ay pagsikat ng araw, magiging maayos na ang lahat. ---- Kinabukasan, alas-nuwebe ng umaga, dahan-dahang nagising si Bem nang tumama sa mukha niya ang sinag ng araw. Marahan niyang iminulat ang mga mata. Sa kanyang harapan ay ang mga kurtinang bahagyang humahapay kasabay ng malamig na hanging pumapasok mula sa bintana. Sinubukan niyang gumalaw, ngunit napangiwi siya nang makaramdam ng pananakit sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Nangangalay rin ang buo niyang katawan, at tila may mabigat na bagay na pumipiga sa kanyang ulo. Ilang segundo siyang nakatitig sa kisame bago tuluyang napagtantong hindi pamilyar ang silid na kinaroroonan niya. Napakurap siya nang ilang beses. Nasaan ako? Biglang bumalik sa kanyang alaala ang mga nangyari kagabi- ang pagpunta niya sa bar, ang pag-inom, at ang pag-iyak habang binabanggit ang pangalan ni Aaron. At pagkatapos… Mabilis siyang napabangon. Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman ang malamig na hanging dumadampi sa kanyang hubad na balat. No… No way. This can't be happening. Dahan-dahan niyang iniangat ang kumot at napahawak sa bibig nang makitang wala siyang suot na damit. Oh my God, Bem! Napapikit siya nang mariin. Gusto niyang sumigaw, pero agad niyang tinakpan ang bibig gamit ang dalawang kamay. Hindi puwedeng mangyari ito. Dahan-dahan siyang lumingon sa kanyang tabi. At doon niya nakita ang isang lalaking mahimbing na natutulog. Seryoso ang mukha nito kahit natutulog, at kahit wala itong ginagawa ay kapansin-pansin pa rin ang kagwapuhan nito. Napako ang tingin ni Bem sa estranghero. Who are you? bulong ni Bem. Muli niyang iniangat ang kumot, tila umaasang mali ang hinala niya. Ngunit nang mapansing wala ring saplot ang lalaki, agad niyang ibinaba ang kumot at napanganga. Biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso. Nanlamig ang kanyang mga kamay habang unti-unting bumabalik sa kanyang alaala ang mga nangyari kagabi. Bem, what did you do? Kapag nalaman ito ni Dad, siguradong patay ako! Napapikit siya at mariing kinagat ang ibabang labi upang pigilan ang sarili na maiyak. Hindi niya alam kung paano nangyari ang lahat. Maraming bahagi ng nakaraang gabi ang malabo sa kanyang alaala. Mabilis niyang nilibot ng tingin ang silid hanggang sa mapansin ang isang bathrobe na nakasabit malapit sa banyo. Agad niya itong kinuha at isinuot. Pagkatapos, maingat niyang pinulot ang kanyang mga damit at pumasok sa banyo upang magbihis. Ilang minuto pa ang lumipas bago siya tuluyang lumabas. Muli siyang napatingin sa lalaking mahimbing pa ring natutulog sa kama. Sandali siyang natigilan, tila may gustong sabihin, ngunit sa huli ay napailing na lamang siya. “Don't worry…” mahina niyang bulong. “Sisiguraduhin kong hindi na tayo magkikita ulit.” Kinuha niya ang kanyang bag at dahan-dahang naglakad patungo sa pinto. Maingat niya itong binuksan bago lumabas nang walang ingay. Para kay Bem, isa lamang iyong pagkakamaling gusto niyang kalimutan. Hindi niya alam na ang lalaking iniwan niya sa silid ay hindi isang taong basta na lamang mawawala sa kanyang buhay. Mabilis siyang naglakad palabas ng kuwarto, pilit na itinatago ang kanyang mukha sa mga taong nakakasalubong niya. Para bang may tinatakasan siya, at sa totoo lang, iyon mismo ang ginagawa niya. Nang tuluyan siyang makalabas ng bar, agad siyang pumara ng taxi at sumakay patungo sa airport. Habang umaandar ang sasakyan, nakasandal lamang siya sa upuan at nakatingin sa labas ng bintana. Pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na kalimutan ang lahat ng nangyari. Isang gabi lang iyon. Isang estranghero lamang. At hindi na sila magkikita pang muli. Iyon ang paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili habang mahigpit na hawak ang kanyang bag.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yüzbaşının Cerrahı

read
1.9M
bc

The Silver Wolf

read
698.1K
bc

The Billionaire’s Intern

read
1.2M
bc

Chosen, just to be Rejected

read
933.6K
bc

Inferno Demon Riders MC: My Five Obsessed Bullies

read
1.2M
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.3M
bc

Unscentable

read
2.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook