Kabanata 16: Napangiti ako nang makita si Daryl na bumaba sa kaniyang kotse upang pagbuksan ako ng pintuan, sa halos dalawang linggo namin magkasintahan ay nakasanayan ko na iyon. Madilim pa ang pagilid at paalis na kami, mag-aalasingko pa lang ng umaga. I'm so excited, this will be our first date. Ang totoo ay halos tatlong araw namin itong plinano, bukod sa parehas busy ang schedule namin ay hindi naman pwedeng basta iwan na lang namin ang mga anak namin, we made sure that someone will look for them. Iniwan niya kagabi pa ang kambal sa Mama niya at si Isaiah naman ay nasa bahay pa rin alam ko naman hindi siya pababayaan ni Mommy. Pinanuod ko siyang patakbong umikot sa harap ng kotse para maka-punta sa driver seat. Nang maka-pasok siya ay kaagad niya akong hinalikan sa noo na kadalas

