Kabanata 17: "Ugh! Ang tanga naman Nade, bakit mo nakalimutan?" inis na wika ko sa harap ng salamin habang sinisipat ang aking kili-kili. Napabuntong-hininga ako. Masiyado kasing busy nitong mga nakaraan araw. How I forgot to wax the hair on my armpit? Tapos na kaming kumain ni Daryl ng almusal, dapat ay bababa na kami at maliligo sa dagat ang kaso magpapalit dapat ako ng damit nang nakita ko ang magubat kong kili-kili. Okay, that's exaggeration. Hindi naman sexy ang susuotin ko, sando at shorts lang, pangbasa. Alangan naman mag jeans at blouse ako doon? Gusto ko sana mag tshirt na lang pero wala akong baon. Blouse, boho dress at isang longsleeve lang ang dala ko na damit pauwi namin. Hindi naman kasi magtatagal, isang gabi lang kami at bukas ay uuwi na kami. Kinalkal ko ang dala

