Kabanata 6: "You should visit us, we missed our apo. Ni bumisita kahit isang beses sa isang buwan ay hindi niyo na magawa. Aba! Grenade Lionel, balak mo bang patayin ang sarili mo kaka-trabaho? Hindi na kami bata ng ama mo sana naman kahit minsan ay dumalaw ka," mahabang litanya ni Mommy sa kabilang linya. Hinilot ko ang aking sentido, bahagya kong nilingon ang pintuan ni Isaiah nang bumukas at pupungay ang matang lumabas siya roon. Ngumiti ako sa kaniya saka sinenyasan siyang lumapit. "Mom, Isa is awake," pag-iiba ko ng usapan namin. Narinig kong tinawag pa ni Mommy si Daddy sa kabilang linya animong hinihintay talaga nilang makausap ang apo. Nang makalapit si Isa ay hinalikan niya ako sa pisngi. "Good morning, mama," paos na boses na bati niya sa akin bago umupo sa kaniyang upuan.

