Note: For clarification lang sa edad nila, 8 si Daryl noong bata sila at 6 naman si Nade, so noong college sila ay 19 at 17 sila. Noong umuwi si Daryl galing ibang bansa, 26 na siya at 24 na si Nade, and now this timeline(present). 28 at mag 29 na si Nade, means mag 31 na si Daryl. Iyon lang, two years ang agwat po nila. Enjoy Reading! Kabanata 7: "Mama look, ang laki ng ferris wheel!" sigaw ni Isaiah nang makita iyon sa likod ng mall kung nasaan kami. "Sky ranch ang tawag dyan, kilala rin sa Pampanga Eye. Madalas ako noon rito kapag wala kaming pasok dahil dito lang naman ako pinapayagan ni Lola Mami mo," kwento ko sa kaniya habang naglalakad kami papasok sa mall. Pangalawang araw na namin simula ng maka-uwi kami sa Pampanga, kahapon ay nagpahinga lang kami at ngayon ay balak kong ma

