Warning: Matured Content! Read at your own risk! If you're a kid/minor please skip the intimate part. Kabanata 35: Hindi ko na alam kung paano kami nakapunta sa suite ni Daryl. Pagkatapos ng mga sinabi niya ay parang nakalutang na lang ako at ng hilahin niya ako paalis doon ay nagpahila na lang ako. Kaagad kong inilibot ang paningin sa loob ng kwarto niya, may malaking kama sa gitna at maliit na sofa set sa gilid at flat screen higit na mas malaki ito kumpara sa akin. Hinila niya ako papasok, dumeretsyo siya sa banyo habang inililibot ko naman ang paningin sa kaniyang kwarto, nang bumalik siya ay may dala na siyang puting tuwalya na kaagad niyang ibinalot sa katawan ko. "Maligo ka na muna, baka sipunin ka hahanapan kita ng malinis na damit," wika niya habang tinutuyo pa ang pisngi ko

