Kabanata 34: NANG sumapit ang pang-apat na araw ay nakarating kami sa Coron. Sabay kaming naghapunan ni Alice ngunit pagkatapos no'n ay naghiwalay na ulit kami, kadalasan ay nagpipinta siya sa kung saan o kaya tumatambay sa casino buong araw samantalang ako ay sa pool area tumatambay at nagpapalipas ng oras. Tapos na rin kaming magdinner ni Alice at dumeretsyo na siya sa kaniyang suite para magpahinga at tawagan ang kasintahan niyang Pulis. The wind blew, I immediately gripped the edge of my boho dress. I looked up and the sky was black tranquility. Nagbabadya ng umulan paki-wari ko'y ano mang oras ay iiyak na ang kalangitan. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog, dapat ay i-enjoy ko itong isang linggong bakasyon ko pero habang tumatagal ay parang namimiss ko lang ang Pampanga,

