Kabanata 33: Have you ever asked yourself, what's your purpose in life? Why are you breathing? Why are you here in the place that full of sins and problems? Life doesn't always go the way you want it. I used to be warm, but I lost my fire while giving light to others. When the time passed by, I learned how to relight myself. Mahirap pala kapag binabase mo ang kasiyahan mo sa ibang tao, mahirap kapag naka-depende sa isang tao ang saya mo dahil kapag nawala iyon, mawawala rin ang saya mo. Inipon ko ang aking buhok sa kanan kong balikat at hinawakan iyon upang hindi liparin ng malakas na hangin. Bahagya pa akong napapikit nang tumama ang malamig na simoy ng hangin sa aking mukha. Bumaba ang tingin ko at pinanuod ang hampas ng mga alon sa sinasakyan kong cruise ship. Hindi ganon kalakas

