Kabanata 32: Nang magising ako ay si Daryl ang unang bumungad sa akin. Nasa isang kwarto ako sa ospital, naka-upo siya sa gilid ng kama ko habang nakadukmo sa aking mga kamay. Kaagad kong naalala ang sinabi ng nurse bago ako mawalan ng malay. Kahit gustuhin kong umiyak sa sobrang pagkalito sa mga nangyayari ay wala na ata akong luha na natitira pa. Pwede pala iyon, 'yong nasasaktan ka pero ayaw lumabas. Nasa dibdib mo lang ang sakit at kahit anong oras ay sasabog na. Yung parang bawat paghinga mo ay may mabigat sa dibdib mo. Hindi ako kumikibo habang papunta kami sa presinto kung nasaan si Eugene. Naiwan naman sa ospital ang Ina ni Daryl upang bantayan si Rev habang wala pang malay. Kaming apat nila Sascha, Travis at Daryl ay naka-sakay sa iisang kotse, dapat ay maiiwan ang mag-asaw

