Kabanata 31: "Aba e kay gago pala n'yan, tanga ba iyang kasintahan mo Nade? Jusmiyo halos hindi ka na nga umuuwi para maalagaan siya sa ospital imbes magpasalamat e umasta ng ganon, kupal 'yan hiwalayan mo iyan!" nanggagalaiting wika ni Mommy nang matapos kong ikwento sa kaniya ang nangyari kung bakit gabing-gabi na ay pumunta pa kami sa bahay nila. Wala naman kasi akong ibang mapuntahan at ayoko ng magulo ang ibang kaibigan ko. Tumingin ako sa itaas ng bahay, kung saan ko natatanaw ang kwarto kung nasaan si Isaiah, mabuti at nakatulog na siya habang umiiyak. Napabuntong-hininga ako, wala si Daddy para pakalmahin si Mommy dahil nasa Cagayan daw ito't ipinaglalaban sa mga kapatid ang lupa ni Lola. Inismidan ako ni Mommy nang hindi ako umimik sa litanya niya. "Aba e, kaya lang naman ak

