Almost 3 months na nang magsimulang magtrabaho si Alex sa DLT Law Firm at nakalipat na din sila ng pinsan nito sa condo na pagmamay ari ng boss nila.
Tinanggap na din nila ang alok nito dahil malaking bagay iyon para sa kanila 15mins driving lang mula sa building nila ang Beladio sa condo na inuuwian nila.
Si Alex ang nag aayos ng schedule ni Grey at sya na din ang tumatanggap ng mga calls para dito. Si Precious naman ang sa mga paper works na ipinapasa dito ng ibang department na need ng pirma ni Grey.
Nasa office ni Grey si Alex at inaayos ang schedule nya today na araw araw niyang nilalagay sa ibabaw ng desk nito.
Nang bumukas ang main door at iniluwa nito si Grey na naka navy blue suit, naka kunot ang noo nito na para bang hindi sya nito na pansin.
"Good morning Sir, your schedue for today starts at.." hindi na ito na tapos ni Alex.
"Hello Mendez I need you now in my office" galit ang tono ng boses ng boss nya kaya lumabas na lamang sya papunta sa office ng pinsan at nag darecho sa pantry.
"Baks mainit ulo ni Sir" lapit ng pinsan nya sa kanya.
"Napuna ko nga kaya medyo kinabahan ako, alam mo naman na hindi ko pa sya nakikitang magalit." Sagot nya habang nagtitimpla ng black coffee para sa boss nya.
"Don't worry mabait naman yan si Sir, trabaho lang yan ganyan pero kapag okay na balik ulit sa dating mood." naka ngiting saad ng pinsan.
Iniwan na nya ito at nag tungo muli sa opisina ng boss nila at nadatnan doon si Atty. Mendez na nakaupo sa couch nakita naman nyang galing ng library sa loob ng opisina ang boss nya. Ipinatong ni Alex ang kape nito sa table.
"Sir here's your black coffee po" malambing nitong sabi at tumango lang ang boss nya bilang tugon.
Nagtungo sya kay Atty. Mendez at inalok ng maiinom ngunit wala itong gusto kaya nagtungo na sya sa kanyang table malapit sa library.
"What happen to the evidence, Mendez?" Tanong ni Grey
"We already discussed it to the family but suddenly they did not like to include it in the case, and Mr. Romero told us they want to drop the case too." Atty. Mendez explained.
"Just like that, what the heck they doing!!" Grey almost scold.
Nagkibit balikat na lamang ang matandang abogado sa inaasal ni Grey. Kahit may laban sila ay hindi na itinuloy ng kliyente nila ang kaso ng graft and corruption sa isang government official. Malamang na nabayaran na ang mga ito.
Lumabas ng kwarto si Atty. Mendez at tahimik lang ang boss nya na nasa harap ng laptop nito at nag titipa doon.
Lumapit sya dito dahil 30 minutes na lang para sa unang schedule nito.
"Sir, excuse po" pag istorbo nya dito at napatingin sa kanya habang hinihilot ang sintido nito. "Sir sorry pero may meeting po kayo sa isang fashion designer at 9am this morning. Dito na po sila dadarecho sa office po ninyo." Dagdag ni Alex.
Tumango lang ang boss nya at patuloy na nagtipa sa laptop nito.
Bumalik na si Alex sa upuan nya at nagpatuloy din sa pagtanggap ng ilang calls.
"I am not the one who can decide for that Ma'am if you'll excuse me. I will ask directly to Atty. Dela Torre about this matter for a while and I go back to you with his word." Narinig lahat yun ni Grey hanggang sa maibaba ni Alex ang hawak na telepono.
Hindi na nya ito hinayaan pang makatayo at lumapit sa kanya.
"Sino yon Alex?" Tanong agad niya
"Sir si Ms. Sheryl po nagpapaschedule po ng dinner tonight sa inyo sa Acacia Hotel sa Alabang po" sagot naman ng P.A.
"Told her, I have no time for her and please paki sabi sa kanya na wala akong interesado sa kanya." May diin ang bawat salita na sinabi ni Grey
"Copy Sir" sagot naman ni Alex.
Lumipas pa ang ilang minuto dumating na ang fashion designer na kameeting ng boss nya kaya hinayaan muna nya ang mga ito sa opisina ng abogado at nagpunta sya sa kabilang office kay Precious after mahatiran ang mga ito ng juice.
"Mukhang may naipanalong malaking kaso ang firm baks kaya maghanda kana" excited na simula ni Precious
"Bakit mo naman nasabi yan?" Maang na tanong nito sa pinsan.
"Kapag dumadating ang designer na yan ay siguradong magpapagawa ng tuxedo si Sir para sa susuotin nya sa okasyon karaniwan kapag may malalaking kaso na naipanalo na kaso." Pagpapaliwanag nya.
"Naku baks wala naman akong mga gown para dun kung sakali man pwede bang hindi na ako sumama." Nakamangot nyang sagot
"Hindi maaari lahat dito ay kinakailangan nandun mula sa mga utility hanggang sa mga big boss" sagot pa ng pinsan nya
Napa buntong hininga na lamang siya sa mga narinig.
Tumunog ang intercom pinapapasok na daw si Alex sa loob ng opisina. Kaya pumasok na ang dalaga.
Laking gulat nya pa nang nandun pa ang mga designer.
"Alex they need your vital details" narinig nyang sinabi ng boss nya ngunit patuloy lang ito sa pagtipa sa laptop nito.
Lumapit na lamang sya sa mga designer at kinuhanan ito ng sukat. May mga ibang details pa na itinanong sa kanya buti na lang at kahit paano ay may alam sya pagdating sa fashion.
Nang makaalis na ang mga designer ay naghanda na si Grey para sa meeting nya sa Dusit Hotel hindi nya pinasama si Alex dahil kasama naman daw si Atty. Guevarra isa pang abogado sa firm.
Nang palabas na ang boss ay saglit na tumigil sa may pinto kaya napatingin ito dito.
"You will be my date on our victory night this Saturday" sabay sarado ng pinto.
"What?!" Napa sigaw si Precious sa narinig na kwento ng pinsan ng makauwi na sila sa condo.
"You heard it right" napabuntong hininga pa sya.
"And what is that face huh?!" Tanong nito.
Napapasimangot si Alex dahil napapaisip sya kung bakit sya ang napili nitong kadate, ganitong bago palang naman sya sa company nito.
Marami din mga magagandang babaeng nabisita dito sa office nya gaya nila Sheryl na pinagtataguan ng boss nya.
Napasabunot na lamang si Alex sa buhok nya. Naalala nya na pinagawaan nga pala din sya nito ng isusuot para sa victory party na yun.
Sabay pa silang napaiktad ng may nagdoorbell wala naman inaasahang bisita sila sa gabing ito lunes na lunes.
Sinilip muna ni Precious ang tao sa may pinto at laking gulat na nandun ang boss nila. Pabulong nyang sinabi "Si Sir Grey!" Kay Alex sabay turo sa pinto.
Nabigla din naman si Alex buti na lamang at maayos ang damit nilang dalawa ngayon dahil mas sanay silang naka tshirt at walang pang taas na panloob na suot tanging pangbaba lamang at loose t-shirt lang.
Binuksan ni Precious ang pinto at pinatuloy ang bisita.
"Sir kayo pala pasok po, upo po kayo napasyal po kayo" tanong agad ni Precious.
Si Alex ay nasa kusina at mas pinili na maghugas ng pinagkainan nilang magpinsan.
"Si Alexandra sana talaga ang pakay ko Precious" darechong sagot ni Grey
"Sandali Sir at tatawagin ko naglilinis lang po sa kusina." Patakbong tinawag ni Precious ang pinsang si Alex sa loob.
Ayaw pa nitong lumabas sana at nahihiya ngunit napilitan na din ito ng sabihin ng pinsan na papapasukin na lamang dito sa kusina ang boss nila.
Naka white v neck tees at pink na short si Alex, dahan dahan ang hakbang papunta sa may living room. Nakita nyang nakatayo na si Grey naka black t-shirt ito at denim na jeans napaka simple pero ang lakas ng dating.
Iniabot ni Grey ang boquet ng bulaklak para kay Alex.
"For you" sabi pa.
"Thank you, upo po tayo Sir Grey" paanyaya nito sa huli.
"Please drop the Sir, call me Grey" habang paupo muli ito sa sofa.
Ngumiti na lamang si Alex pero deep inside ay kinikilig na ito.
"I hope hindi ako nakaistorbo" banat pa ni Grey
"Hindi naman po at medyo maaga pa naman po" mahinahon na sagot niya.
Para silang mga teenager na bago pa lamang magliligawan. Nagkakahiyaan pa at walang gustong maunang umimik.
"Ano papanisin ninyo laway nyo habang nag ngingitian lang kayong dyan dalawa" si Precious sabay abot ng juice sa boss nila.
"Nanliligaw ka ba Sir" tanong nito na ikinabigla ng dalawa.
Ngunit hindi halata kay Grey ang pagkabigla sa tanong at simple lamang itong tumango at tumingin kay Alex na siyang sobra sa pamumula dahil sa pagkabigla sa tanong ng pinsan.
"Ayun hindi na torpe bata ko sa wakas" at galak na galak na pa ito.
"Okay lang ba sayo, Alex?" Baling naman sa kanya ni Grey. Ngumiti na lamang ang dalaga at ramdam nyang baka pumiyok ang boses nya sa sobrang kaba sa mga nangyayare sa gabing ito.