Love at first sight

1393 Words
Grey's POV Sa lobby palang ay hindi na nakaligtas sa mga mata ko ang babaeng naka kulay blue na dress she's so stunning parang abogada din sya, nakahawak sya sa kamay ng secretary ko. Napatutop ako bibig ko naalala ko nga pala na today ang interview ko sa ipinapasok nito sa akin bilang assistant nya dahil loaded na sya sa trabaho. Dahil sa employees elevator sila nagdaan at ako ay sa VIP kaya mas nauna ako sa office. Nagtataka lang ako at medyo napatagal ata sila usually ay nandito na dapat si Precious at naghahatid na ng mga dapat kong pirmahan sa araw na ito. Nagring ang phone ko si Mrs. Gee ng HR Department nasa office pala nya ang mga ito kaya mas minabuti kong sabihin sa mga ito na kunwari ay wala pa ako. At magtungo muna sa office ni Precious. Ilang minuto ang pinalipas ko bago ko pinapasok ang secretary ko sa office room ko at sinabing papasukin na ang interviewhin ko. Nang marinig ko ang mahihinang katok at pagpasok nya matatapos ko nang basahin ang CV na ipinasa nya sa secretary ko. Napaka soft at lambing ng boses nya nang bumati sa akin. At naamoy ko na din ang kanyang amoy napaka fresh nito sa akin hindi tulad ng ibang babaeng nakikilala ko napakatatapang ng mga pabango. Hindi ko kinaya ang nang makaharap ko sya natigil yata mundo ko. Mala anghel ang kanyang mukha napakaamo nito. Buti na lang at dumating si Aira hulog ka nang langit kaibigan. "Maganda sya hon" ani ni Aira. Yan na ang tawagan naming magkaibigan nasa college palang kami kaya napagkakamalan kaming mag syota. "Spare the lady please" sabi ko pero boom huli na ako ng kaibigan ko for sure hindi nya ako tatantanan. "And what is wrong, duhh Grey are you a gay?!" bulalas nito "She's beautiful and I knew it napansin mo yun kilala kita. This one is different from others." Ani pa nito. She's right, Alexandra is different kaya hindi ko maiwasan na mapatulala sa kanya, bata, maganda, may pinag aralan very different sa mga babaeng lumalapit sa akin. Na kapag nakita na ako ay mga nagpapacute at kung dumikit ay parang akala mo mga pusang lampong. Pinindot ni Aira ang intercon connecting to Precious at pinapasok ito. "Hey hey ano binabalak mo?" Agad kong tanong. "Relax hon, leave it to me baka makawala pa eh." Ani nito. Pagpasok palang ng sekretarya ko ay nag ngitian na agad sila na akala mo alam nang huli ang balak ni Aira. "Hi Precious tell your friend to be ready for lunch out sagot ni Boss mo" sabay kindat pa ni Aira kay Precious. "Okay po Ms. Aira, right away" at lumabas na ng office ko without saying anything to me at dare darecho talaga sya. That's it iba talaga kapag si Aira ang kumana wala akong lulusutan. Dinala ko sila sa isang fine dining restaurant dito sa Bonifacio Global City. I wanted to make this lunch memorable to her kahit hindi ito date. While we're enjoying our food sinikap kong hindi masyadong formal sa kanya ramdam ko na hindi sya kumportable. "Ms. Mesias you can start tomorrow as my personal assistant. You have your own table in my office, I let you Precious teach her about the job." Ngiti ko pa sa kanila. "Thank you Sir for accepting me as your P.A." habang naka tingin sya sa akin. "Your welcome, by the way what would you prefer that I will call you? Masyadong pormal ang Ms. Mesias at mahab ang Alexandra" change topic ko. Para akong teenager na feeling ko namumula ako sa pagkakatitig nya sa akin. "Alex, Sir is fine" maikling sagot nya. "Let's enjoy the food girls." Tanging nasagot ko na lang. Natapos ang lunch at bumalik na kami sa office dahil kay Precious pala sasabay si Alex kaya naturuan na ito ng isa sa mga dapat nyang gawain. Nakikita ko sa CCTV sa laptop ko ang bawat kilos nya sa room kung nasaan sila ni Precious. This is the first time I act weird, never ako nagcheck sa secretary ko dahil I already trusted her for almost 2 years na kasama ko na sya dito sa company. 4pm almost ng makita kong aligaga si Precious kita ko na lumabas si Alex from another CCTV nakita kong may kinakausap sya. Kaya lihim akong lumabas para masaksihan ito mismo. "Ma'am is there anyway may I help you aside of having an emergency meeting today to our boss, Atty. Gabriel Elijah Dela Torre because I doubt if he can due of his tight schedule today." Explain nito sa kausap. Hindi ko masilayan kung sino ang kausap nya ng marinig ko na lamang ang boses ng magsalita na ito. "Nah, I really need to talk to Atty. Grey right now. Look Miss I have no time and it's very important matter." Si Sheryl ang babaeng nakilala ko sa isang club nang minsan kaming lumabas nila Aira. "But Ma'am as I was told you a while ago his schedule was really hectic, actually as of now he is with the other lawyer in the middle of the meeting. He doesn't like to be disturbed and nor I doesn't want to disturb him. He hates being distracted whenever he is in important meeting." she said to Sheryl. "If it's really an emergency Ma'am we can help you as well so after the meeting we can tell to Atty. Grey about it well that is if you trust me or his secretary." Dagdag pa nito. "Big no no, argh just tell him to call me okay" sagot ni Sheryl "That's all Ma'am" naka ngiting tanong ni pa ni Alex. "Yes. Thank you!" At sabay alis na din nito. "Okay ma'am your welcome!" Habol na tudyo pa ni Alex. No wonder sa way ng pakikipag usap dito ng P.A. ko surely ay nasabi na dito ng secretary ko kung sino si Sheryl "thank you Precious for this" saloob loob ko. Palihim akong pumasok sa office ko ng maka pasok na din si Alex sa room ni Precious. Nakakahiya sya pa talaga humarap sa babaeng yun, hindi ko na din naman masisisi ang sekretarya ko dahil napaka kulit ng babae na yun. Nagtatawanan ang dalawa ng makita ko sa CCTV. At naghahanda na din sila sa pag uwi, nakita ko na si Precious na papasok sa office ko. Mahihinang katok ang narinig ko. "Pasok" bumungad si Precious. "Sir mauna na po kami at matatraffic na naman po kami. "Sure go a head, bakit kasi hindi ka pa sa inaalok kong condo umuwi para hindi ka nahihirapan" invite ko muli sa kanya, halos isang buwan na din ng bumalik ang babaeng ito sa Laguna mula nung umalis sa apartment nila ng dating boyfriend nya. "I think need ko na syang tanggapin ngayon Sir lalo at kasama ko na ang pinsan ko." Saad nito na ikinabigla ko. "Woahh and she's your cousin, I thought magkakilala lang kayo" hindi ko napigilan na masabi. "Yes Sir pinsan ko si Alex actually first cousin ko po sya, magkapatid ang mga mother namin." Sagot niya. Nagpaalam na din si Precious at inayos ko lang din ang mga gamit ko at umuwi na din ako. Naabutan ko pa silang nasa parking area. "Akala ko nagmamadali kayo at baka maabutan kayo ng traffic" tanong ko agad sa kanila pagkalapit ko. Medyo nagulat ko pa ata sila. "Naku Sir kayo pala po, oo nga po kaya lang yung gulong sa likod hindi ko alam paano naflat ng ganyan." Turo ni Precious sa likurang gulong. Napatingin ako kay Alex na may kausap sa cellphone nya. Mukhang mother nya ito at nag eexplain dito. "Do you have a spare one palitan na natin ng nakakauwi na kayo" sagot ko agad nakita kong nabuhayan si Precious. Binuksan nya agad ang likod ng sasakyan at itinuro sa akin ang gulong. Mabilis kong hinubad ang polo ko at nagpalit ng t-shirt, kinuha ko na din agad ang mga tools na gagamitin ko. Halos trenta minuto din ang tinagal nang mapalitan ko ang gulong at maisaayos ito. 6:30pm na at alam kong gagabihin na sila ng uwi din dahil sa Laguna pa sila uuwing dalawa. Niyaya ko muna sila magdinner ngunit umayaw sila at siguradong mag aalala daw ang mga magulang ni Alex. Kaya sa huli ay hinayaan ko na lang sila makauwi na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD