CHAPTER 1 FIRST DAY
CHAPTER 1 (FIRST DAY)
Zsa POV
(Alarm sound) "Wahhhhh late na akooo! shitt." Dali dali akong nagbihis, hindi na naligo hindi na man ako mabaho. Pagbaba ko ay nakita ko agad si mama na nag aayos ng hapagkainan. "Oh bilisan mo na at mala-late kana. Batang to tanda tanda mo na kilos pagong ka parin." -mama
"Ma naman.. anak mo ba talaga ako?" Asar ko sabay kuha ng tatlong sandwich. Sa daan nalang ako kakain. Nagpaalam na ako kay mama saka umalis.
Hindi naman gaanong kalayuan ang Company na pinasukan ko kaya maglalakad nalang ako total mahal din naman yung pamasahe sa taxi. Sayang din.
Author's POV
Nag aantay si Zsa sa stoplight para tumawid. Nung pagtawid nya biglang nahulog yung isang sandwich sa daan kaya umupo sya para pulutin yun. Nakaupo parin sya run habang pinapagpagan yung tinapay nya. Kaya hindi nya namalayan yung kotse na nasa harapan lang nya. Sa tagal nya magpagpag bumosena yung kotse.
"Ay palaka!" Gulat nya sabay napahawak sa dib-dib. "Apurado ka naman kuya! Abah! Wala kang puso, pano kung hinayaan ko lang yung sandwich ko dito edi sasagasaan mo? Ang sama mo!".
"Who the hell is that crazy woman??" Tanong ng nasa passenger seat ng sasakayan. "Sir, indi kopo alam. Kawawa daw yung tinapay kung sasagasaan ko? Ayoko po makulonh" sagot ng driver. Napatampal nalang sa sintido ang binata.
[FAST FORWARD]
ZSA POV
Ahhh finally nakaabot din muntikan pa ma late. Papasok na sana ako sa elevator ng may biglang nagsalita si likod ko.
"Ms. Ocampo you're late? Unang araw mo pa man din". Patay na, si ma'am Gomez pala to. " Pero ma'am may 1 min and 34 sec pa po ako kaya...... See ya!" Sigaw ko sabay pasok sa elevator sinara ko agad ito para lang makaalis sa lugar na yun.
Jusqo ang sungit pa naman ni Mrs. Gomez.
Oo nga pala Art Director pala na min si Mrs. Gomez. Samantalang Junior Graphic Designer naman ako.
Hindi ako nakapagtapos sa isang sikat na university kaya parang blessing in disguise talaga na naka pasok ako sa company na to. Maraminh gusto mag apply dito pero mahirap makapasok kasi sobrang taas ng standards nila. Siguro nagulat lang sila kasi sobrang ganda ko.
FAST FORWARD
Alas! Nakaupo na rin, sobrang sakit ng mga binti ko makapag unat nga muna. " Oyy Zsa! Late ka na naman." Gulat ni Joanne sa likod ko. "Jusqo ko naman beh sana nag apply ka nalang sa horror booth lagi ka nanggugulat eh. Tsaka anong late I still have more than 30 seconds kaya." Depensa ko naman
"Ay ewan ko sayo." Sagot na lang niya. "Ano kayang ulam sa canteen mamaya?" Tanong ko out of nowhere. "Puro ka nalang pagkain bhe magiging baboy ka talaga niyan." Hirit nya. Tinarayan ko nalang siya. Ang ganda naman nang baboy nato? Isa pa kung magiging baboy ako hindi nila ako kakatayin kasi sayang daw ang aking kagandahan.
Author's POV
Nasa canteen sila Zsa ngayon for break time. "Bhe balita ko may bisita daw yung company natin ngayon." "Ang bilis mo naman ata makasagap ng balita? Oh eh ano naman ngayon kung may bisita? Gwapo ba?" Tanong ko malamang alangan namang tanong mo. "Yan tayo eh mukha kang gwapo-" hindi na natapos ni Joanne yung sasabihin niya kasi may lumapit sa table nila.
SZA POV
"Hello ladies, can we join you?" Paalam ng lalaki. Parang huminto yung mundo ko emee, shackss! Sobrang gwapo niya type kona ata to. Lumingon ako kay Joanne, isa patong babaeng to obvious na obvious ka bhe naglalaway amph.
"Aherm... Sorry pero luma na kasi yang linyahan na yan kung gusto niyo hingin yung number namin pwes pass!" Taas noo kong sagot. He didn't reply agad pero i heard him chuckled. " Please don't get us wrong, wala na kasing ibang table na available, every table is occupied na so since your table is for a four person and dalawa lang naman kayo we thought we can ask to join the seats." Lumingon ako sa buong paligid. Tang inuh! Puno na nga talaga, jusqooo nakakahiya!
NAKAKAHIYA KA ZSAAAA! LUPAAAA KAININ MOKO PLEASE!
Nabalik ako sa ulirat ng narinig kong bumahikhik si Joanne "bhe dinig kita" taray ko sa kanya pero tumawa parin sya. "Sure you join us." Ngiting wika ni Joanne. Tsk, plastic! Pag sakin ang suplada mo, nakakita ka lang ng gwapo para ka nang si momo kung ngumingiti.
"Pag pasensyahan niyo na itong kaibigan ko medyo sabog pa kasi yan dahil hindi na naman ata kumain bago umalis sa kanila HAHAHAHHA" Explain ni Joanne pero bat parang iba dating? Ang oa naman sa sabog? mukha na ba akong nag dru-drugs? Maka tingin nga sa salamin mamaya. "Thank you." Ngiting pasasalamat ng lalaki. Yan tama yan magalang na bata. "Welcome, marami kasing nanliligaw sa babaeng ito kaya akala niya manghihingi kayo ng number niya Hahaha." Paliwanag ni Joanne, tumango naman na yung lalaki.
"By the way, if you don't mind, what's your name?" He asked. Sabi na ehhh! "Akala ko ba hindi ka-" he put his finger to hushed my mouth. Tang inahhh daliri palang ambango na. " Kanina yun, but now I'm interested " he smiled. " Sir, its time na po. " Putol naman ng kasama niya. " Oh, what a wrong timing." Lumingon ulit siya sakin. " Well I guess, see you next time? " Tinarayan ko lang siya. " By the way, this meal is on me, put it on my tab. " Dagdag pa niya tsaka tumalikod paalis. " Anong on your tab?! Mukha mo tab! Sagot ng kumpanya tong pagkain kaya wala kang babayaran. " Sigaw ko sa kanya ewan ko lang kung narinig niya since nakalabas na sila ng canteen.
Yabang nito, akala mo owner ng company. " Bhee dinig ko kalabog ng dib-dib mo" pang aasar ni Joanne. " Oh isa kapa, kala mo nakakatuwa ka humph!. " At ayun tumawa na naman siya. Dati siguro tong baliw?