CHAPTER 7

2212 Words
NAKAHANDA na rin lahat ng mga kandidata. Inaayusan na sila ng kanilang mga make-up artist at designer. Kasama rin ang design ni Traia na suot lang naman ng babaeng sumagot-sagot kay Frena noong training. Nasa isang room silang lahat at naghahanda. Napasulyap naman si Frena sa babaeng nakausap niya noong nagfafacial treatment sila. She found out her name. She is Lalia Monde at kapatid niya ay si Larah Monde. Both are stunning and beautiful. Lalo na ang kapatid niya. Nagring ang phone ni Frena. Lumabas siya para sagutin ang tawag. Naghanap siya ng walang kataong lugar para walang makarinig sa kanya. It was the man who she asked to help Chesee. "Ma'am, maayos ko na po silang napadala sa probinsya." "Good. Have you gave them the money?" Mahinang tanong niya sa phone. "Yes, ma'am and also the medication." Napatango-tango siya at pinatay na ang tawag. Napatingin-tingin siya sa paligid saka nagpunta sa gitna ng studio. Kung saan gaganapin ang event. Nakahanda na ang stage at saka ang mga upuan. Nagsiratingan na rin ang mga foreign customers na binati ni Winston at ng ibang mga kasama niya. Napaisip siya bigla kung ano bang gagawin niya para matulungan si Lalia. Saka kulang ang oras niya para makapag-isip ng plano. Naghanda na ang mga tao sa loob ng studio. Iyong iba ay foreign customers iyong iba ay locals lang. Hindi lahat ng dumalo sa auction ay alam ang patakaran dito kaya natitiyak na gagawa ng paraan ang mga nakabook na to higher their price. "Have a sit sir!" Nakangiting tugon ni Winston. Para itong napakabait na taong makipag-usap sa ibang tao e ang totoo naman napakademonyo niya. Naupo na rin si Frena sa harap kasama ang fiancé at sila Traia. "Nandito na ba ang mga nakareserve na mga customers?" Tanong ni Traia kay Ynux. Tumango ito. "They are all complete. 25 in total," ani ni Ynux. Nakatuon lang ang pansin ni Frena sa stage. Ilang minuto lang ay mag-uumpisa na ang event. Nakita na niyang naghahanda na sa likod ang mga models. Suot-suot na ang mga kasuotang dinisenyo ng mga magagaling na designers. Marami-rami ang tao dito sa studio at hindi kilala ni Frena lahat ang dumalo dito. Nag-umpisa na ring tumugtog ang musika at nasa stage na si Greece para maging emcee. Kung nagtataka kayo bakit palaging wala dito si Fraud, dahil tinatago nito ang kanyang identity sa mga tao. Nasa malayo lang siya nagmamasid at palaging binabantayan ang mga kilos ng mga miyembro. Isang malaking galaw lang ay maaari ka ng malagay sa bingit ng kamatayan. Nag-umpisa nang magsalita si Greece. Inilatag sa screen ng board ang malaking imahe ng mga iba't-ibang desinyo. Naririto rin ang mga taong nagdesign mismo nito. "Here are the preview of all the desings that you will see tonight! The higher the deals, the more chances you'll have it! So count your luck. So let's start for the very first model." Lumabas na mula sa likod ng stage ang isang magandang dilag na suot-suot ang nakapagarang dress. "Model is 5'6 tall." "Who supposed to take this one?" Tanong ni Traia kay Ynux. "Mr. Fellie, that man on the right." Turo ni Ynux gamit ang mata niya sa isang may katandaang amerikanong nakaupo sa likuran. Nag-umpisa nang magtaas ng deals ang mga tao. "1M! Unang-una lang may milyon na agad!" Napatingin sila kay Fellie at nagtaas din ito. Gulat na gulat ang maraming tao sa laki ng perang ibibigay nito. "5M! No more deals? 3, 2, 1? Okay sir! This is all yours!" Napasandal lang si Frena sa likuran dahil sa nabobored na ito. Iilang models pa ang tinawag nila at lahat ng ito ay nakuha nga ng mga buyers nila. Wala man lang nagtaas pa sa mga malalaking perang dineal nila. Kaya mahirap lamangan pa. Dito na naintrega si Frena dahil si Lalia na ang susunod. Manghang-mangha ang marami dahil sa ganda niya sa suot niyang silver gown na kakaiba ang desinyong parang paru-paru. "Lalia Monde. Model is 5'5 height. Dress designed by Celestine Feru. This gown is cost 2M to create and who's here who can higher the deal 3 times?" Hinintay nilang may magtaas ng plaka. Naging tahimik sila sa isang minuto bago nagtaas ang isang binatang foreigner sa harap. "10M!" Napaawang ang labi ng lahat sa laki nitong pera. Hindi lang 3 times, 5 times pa. "Who's here to higher the deal? No more? 3, 2, 1–" Muling umingay ang studio dahil sa pagtaas pa ng isang binata sa likod. Nakaupo ito at nakacross ang legs. Sa kanyang hitsura ay hindi ito foreigner at hindi kasama sa bibili ng mga models. Tumayo siya. "50M!" Napatingin sila Traia sa mismong lalaki. Si Frena rin ay naintrega. Hindi niya kilala ang lalaki pero ramdam niyang maaari itong mapagkatiwalaan ni Lalia. Kung hindi tatapatan ni Mr. Spein ang deal. Muling nagtaas ng plaka si Spein at nag-ingay na naman ang mga tao dahil sa lako nito. "70M! This is insane! Malalamangan pa ba?" "Lalaban pa ba yan dahil sa desinyo? I guess not." Kumpyansa ni Traia. "You're wrong and if Mr. Spein cannot higher that deal we're done." Giit ni Winston habang nakatingin sa palaka ng lalaki kanina. Mas umingay oa ang studio dahil sa laki ng pera. Kahit na si Greece hindi agad nakareak. Nakatingin lang siya sa itaas na bahagi ng studio kung saan andoon ang kanilang amo. Kung hindi iyan matatapatan ni Spein. They are really doomed. "100M! W-who can higher the deal?" Hindi ito nakapagsalita ng maayos ngunit hindi iyon ipinahalata. Hinintay pa nilang magtaas ng plaka si Mr. Spein pero sumuko na ito at nagwalk-out. "Sh*t..." Mahinang mura ni Winston. "Sino ba ang tao na yan? Is he part of the buyers we have? Ynux, check it!" Iritadong utos ni Traia kay Ynux para tignan kung kasali ba siya sa profiles ng bibili. "No, ma'am. It should be Mr. Spein for this one." Nakagat lang nila ang kanilang ibabang labi at malas na malas ang pagmumukha. Pinakatitigan lang ni Frena si Lalia. Hindi niya mabasa ang mukha nito pagkat seryoso lamang itong nakipagtitigan sa lalaking naglakad palapit sa kanya sa stage. "Okay! Deal is closed. This is all yours sir!" Nilapitan siya ng lalaki at inabot sa kanyan ang kanyang palad na para bang prince charming at si Lalia ang prinsesa. But would this be a fairytale fate for her? Kung hindi man. Napaghandaan na niya ang maaaring mangyari. Napasulyap siya kay Frena at bahagyang ngumiti. Dumako naman sila sa huling model. This time mas umingay ang mga tao sa studio dahil parang goddess ang babae sa kanyang suot. Ang desinyo ay parang pinagbasehan sa isang malinaw na falls na may mga bato at dahon. She looks so fantastic and and fairy woman. "Model is 5'5 height. This one is design by Mr. Rejanes Mildred." Itinuro pa niya ang baklang halos maubos na ang buhok sa tapat nila Traia. Nakipagtitigan ito kay Traia at tuwang-tuwang nakangiti dahil sa alam nitong mas maganda pa ang gawa niya kesa kay Traia. "Engrata." Usal ni Traia at inirapan lang ito. "She is Talani Guverra." Natigil si Frena sa pagsimsim ng wine nang banggitin ni Greece ang pangalan nito. Naghugis lobo ang mata niya sa gulat at inisip na baka kapangalan lang niya ang babaeng bukang-bibig ni Diamond. Is this her? Tanong niya sa kanyang sarili at napapakurap. Tumingin-tingin siya sa paligid kung naririto ba ngayon si Diamond pero wala siyang nakikitang estatwa nito. "The gown is very cool." Papuri ni Ynux. Inirapan lang siya ni Traia. "And who's supposed to take this one?" Iritang tanong ni Traia. "Mr. Plaster." They all look at them man very far from them. Binata ito at mukhang may ibang lahi. "Who's here can higher the deal?" Nag-umpisa nang magtaasan ang iilan. May 1, 2, 5 M pero tumaas rin si Mr. Plaster. 100M. Nagbabaan ang kamay ang iilan at hinintay na may tumapat sa deal. "We're closing the deal–" may nag-interrupt na naman. "200M." Nainis na naman ang mukha ni Winston dahil sa mga sumisingit sa linya. Napatingin si Frena sa bandang likod. Natatakpan ng tao ang lalaki at pilit niya itong gusto makita. Thar voice is really familiar to her. "250M." Pagtaas pa ni Mr. Plaster. "300M." Saka naging malinaw kay Frena na si diamond nga ito. Nakatuon lang ang tingin niya sa babaeng matagal na niyang hinahanap at dito lang pala niya makikita. He can't lose this chance. And he have only 1B to raise the money. Naghintay sila na tapatan pa ni Mr. Plaster ang deal pero umasim lang ang mukha nito sa inis. "400M." Pag-alsa ni Mr. Plaster. This is going crazy and everyone is watching how the two young men fighting for only for a dress. If only they knew, it's not the dress alone. "500M." Pagtaas ni Diamond. Umingay ang lahat dahil sa hindi makapaniwala. Gaya kanina ay halos di makapagsalita si Greece dahil sa di makapaniwala. They can't lose this one again. Two will really put them to danger. "So we are closing for this one. 500M, no more want to higher the deal?" Hinintay nila ang dalawang minuto para may tumapat pa. Di naman mapigilan ang tuwa ni Diamond. He will have her back. Masasagot na rin ang marami niyang tanong. "1B!" Gulat na gulat ang lahat sa pagtaas ng isang Winston Alvaro sa deal. Kahit na si Frena ay di makapaniwala. Napatingin si Diamond sa direksyon nila at wala ng ikakatapat pa. He cannot higher the deal and fvck lose the girl again. "1B! Now closed!" Natapos na rin ang event at nagpaalam na ang mga bisita. Mabilis na naglakad si Diamond mula sa likod ng stage para habulin si Talani. He can't lose her. Nakipagsiksikan siya sa dami ng tao at hinanap ito sa may hallway. Nang makita niya ang likuran nito na papaalis ay tumakbo siya nang pagkabilis-bilis. "Talani!" Tawag niya dito pero hindi siya nito binalingan. "Talani, wait!" Naabot nga niya ang kamay ng babae at huminto ito sa paglalakad. Nakatalikod lang siya. Dahan-dahang nagtungo si Diamond sa harapan niya. Tinignan siya nito sa kanyang mga matang nag-iiwas ang tingin. Matagal na niyang gustong masilayan ang mga mata niya. Ang mahawakan siya. Ang mayakap at maghagkan. He missed her so much, but do they feel the same? "Come with me." Direktang saad niya. Itinakwil ni Tala ang kamay ng binatang nakahawak. Mukhang hindi ito masayang nakita ang kanyang naging kasintahan. "I don't know you, sir." Pagkakaila niya at lalagpasan na sana siya pero hinawakan siyang muli nito sa braso. "Napilitan ka lang diba? Anong pambablock mail ang ginawa nila sayo? Tell me, I can help." Marahas na tinakwil ni Talani ang kamay niya at inis na tinitigan si Diamond. Her eyes tells everything that she didn't chose him. Pero binabalewala ito ni Diamond at nagbabakasakaling may ibang rason. "No, I choose this. I choose to do this. Ito ang pangarap ko, masaya ako dito, malaya ako." Pagpapaliwanag niya sa totoong nararamdaman niya. Natahimik si Diamond. "Malaya ako sa kamay mo, dahil sakal na sakal na ako sayo. Hindi ko kayang magawa ang gusto ko. Pero ngayon? Dahil sa kanila, I was able to continue my dream na walang humahadlang." Sumasaksak sa damdamin ni Diamond ang mga salita niyang mapanakit. Nagawa niyang wag siyang itulak sa modelling dahil alam niya ang dilim dito. Lalo na sa napili niyang gusto pasukan. He told her that it is too dangerous. Wala namang reklamo si Tala noon. Pero akala niya lang wala. Akala niya nakinig siya sa kanya. "I told you, this is dangerous Tala. You can do whatever you like not modelling. Not this agency. You know how evil those people who you are working. Are you really blind to see that?" Umiling siya. "No, you are wrong. They gave me all the benefits. I was able to treat my mom's cancer and gave them the best life I can offer." Ngayon lumilinaw na kay Diamond na mas pinili nga ni Tala ang career niya kesa sa kanya. "You can ask me for help? Bakit di ka lumapit?" Umiling si Tala na kanina pa pinipigilan ang pag-iyak. "Sayo na naman ako aasa? Pinaghirapan ko 'yon, pawis ko 'yon." may pagdiin ang boses niya. "So hindi kana babalik?" Nagkatitigan sila sa huling pagkakataon. Dahan-dahang tumango si Tala sa kanya. "This is my future, Diamond. Soon, magiging sikat akong model. I'm going to have plenty of money. So please, stop hoping." Iyon na ang huling sinabi sa kanya ng dalaga at iniwan siyang tulala. Napangiti siya ng mapakla. Ngayon lang niya nalaman ang katangahan niya pero gusto pa rin niyang habulin ito. Tinignan niya sa malayo ang likuran ni Tala na unti-unting nawawala sa paningin niya. Muli niya itong hinabol. Ayaw niyang paniwalaan si Tala at gusto niya itong iligtas. "Wait, sandali lang Tala." Pagpigil niya dito uli. Kinuha niya ang calling card sa kanyang bulsa at inilagay ito sa palad ng dalaga. "Just in case. Puwede mo itong itapon anytime but, for now, keep it." Agad naman siyang tinalikuran ni Tala matapos maiabot ang calling card. Walang tiwala si Diamond kay Winston kaya maaaring may gawin ito sa kanya. At kung may mangyari man sa kanya, hindi niya mapapatawad ang sarili at ang mga taong nasa likod nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD