CHAPTER 8

2203 Words
SHE saw how Diamond was rejected by her ex. Ngayon malinaw na na ex na nga niya ito. Hiniling niya na h'wag na sanang habulin pa ang babae pero hindi iyon ang nangyari. Hinabol niya pa rin ito at umaasa. Mapaklang napangiti si Frena at tumalikod na. "So what are we going to do now?" Nandito siya ngayon sa isang room kasama ang mga Dyers at problemado sa kanilang susunod na gagawin. Kung papaano mababawi ang isang model nila. Napatingin silang lahat sa lalaking pumasok sa room. Halatang inis ito dahil hindi umayon sa plano ang nangyari. "Now tell me why is this happening? I supposed to have that woman. If you cannot give me the girl then I will cancel my partnership to your company! Deal is deal!" Hinarap siya ni Winston para pakalmahin ito. Kanina pa salubong ang kilay ng binata. May katangkaran siya kay Winston at may kalakihan ang katawan. Samantalang matangkad rin naman si Winston pero hanggang ilong lang siya nito. "We will solve this problem, Mr. Spein. Don't worry, we have plenty of substitutes. You can check their profiles." Umiling ito at mukhang hindi sang-ayon. Attitude pala itong kanong 'to. Umandar ang inis ni Frena habang pinapanood ang kano. Kung hindi lang ito matangkad sa kanya ay baka napuruhan na niya ito. "No! I want that girl. I choose her! Now steal her!" Nagkatitigan lang ang tatlo sa likod. Si Greece, Ynux at Traia. Tumabi si Frena kay Winston at tiningala si Mr. Spein. Kanina pa siya nagtitimpi sa ugali ng kanong ito. "Mr. Spein, wasn't it also our deal that you have to maximize your deal once someone raises their money?" Taas kilay niyang tanong dito na ikinatahimik ng kano. "This will never be our fault because you failed to raise your deal. We cannot do anything for you, Alvaro gave you other options, but you refuse. Cutting partnership with this company means cutting your neck by your own hands. So it's all your choice at the end. But we cannot give you back the woman you lose because of your incompetence!" direktang saad niya habang hindi pinuputol ang tingin sa kano. Matapang itong nakatayo sa harap ng lalaki na parang walang kinakatakutan. Kita naman ang pagkamangha sa unang pagkakataon ang mga kasama niya ngayon. Hindi niya kasi ito ginagawa. Meddling with their business that was never her job to do. But things changed right now. And no one in the room knew why. Napabuga ng hangin si Mr. Spein at umalis na ng room. Seryoso lang ang mukha ni Frena. Mabuti naman at umalis na at baka mainis pa lalo si Frena. "You're cool, Frena. May pakinabang ka rin pala sa mga ganitong bagay." Nakangiting papuri ni Winston. Hindi niya ito inimikan. "Kumusta si Mr. Plaster?" tanong ni Winston kay Ynux. "He is waiting for your approval, Alvaro." Napatango siya. Alvaro saved the last girl. Kapag hindi iyon nangyari magkakaproblema talaga. Lalo na at isang problema si Mr. Plaster. Kahit kalmado minsan ay may pagkademonyo rin ito. Plano nilang h'wag ibigay kay Plaster ang babae not until he can higher the deal of Alvaro. Hindi puwedeng makuha niya sa kamay niya ang babae dahil magtataka ang marami. Kaya naman bibigyan nila ng trabaho si Tala. Bibigyan nila ito ng chance sa modelling. Pero dapat itong sumunod sa mga terms niya. "We'll see, things might change," aniya. "Isinugal mo ang 2B para lang doon? Why not give other people their chance?" tanong ni Frena kahit na sa likod ng utak niya ay nagpapasalamat siyang hindi ito nakuha ni Diamond. "Not a tip. Where's the girl?" "Waiting sa office mo, sir. We'll have a contract signing later." Tumango siya. Nag-umpisa na silang maglakad patungo sa office. Kasama si Frena. She has to be there. Gusto niyang makita muli ang babaeng lumamang lang naman sa kanya. Nandoon na nga ito sa office at nakabihis na ng maayos. Nakaupo siya sa upuan, hinihintay si Alvaro. Tumayo siya sa pagdating nila. "Good evening, Mr. Alvaro." Pagbati niya. Sinenyasan lang siya ni Alvaro na maupo. Umupo naman si Frena sa may sofa at tinitigan ang babae mula ulo hanggang paa. Well, maganda nga siya. Lalo na ang katawan niya. Mas maputi kesa kay Frena na hindi gaano dahil may halong pagkamorena ang balat niya. But for her, maganda pa rin siya at mas lamang. "You have to sign a contract, Ms. Guevarra." Nakangiting tinanggap iyon ng dalaga. Binasa niya muna ang contract. Nakalagay roon na magtatrabaho siya kay Alvaro. Susunod siya sa mga utos nito. Bayad na rin naman siya. Sasamahan siya ni Alvaro sa mga pictorials niya. She is not allowed to talk to other people. And lastly she has to live with the same roof. Kumunot ang noo niya sa huling term. "Do I really need to live with you?" Tumango si Alvaro. "It will become an issue for you Mr. Alvaro? You have a fiancé." Sumingit si Frena. Pareho siyang tiningnan ng dalawa. Hindi siya nagseselos siya, ang problema lang ay baka masali pa siya kung magkaproblema si Winston. "Don't worry. For now, you also have to live with me. Starting tonight." Napasinghal si Frena. "Are you crazy? Do you think kakayaning kong matulog kasama ang model mo? No way!" Giit niya at inis lang na tinapunan ng tingin si Tala. Living with that girl is not good. Kumukulo kasi ang dugo niya sa babaeng ito. Isipin mo nagawa niyang ireject ang lalaking pinapangarap niya? Na walang ginawa kundi ang hanapin siya. Ang sumugal para makuha siya uli. But she chooses her dreams over Diamond. "Sssh, Frena. You are still my fiancé." Napairap lang siya. Hinarap ni Winston si Tala. "That's temporary until we find a lot to build your own house." Ngumiti si Tala at sumang-ayon rin. Pinirmahan na niya ang kontrata. Hindi na nagtagal si Frena sa office ng fiancé at tumayo na para umalis. Dahil hindi niya masikmura na makasama ang lalaki sa opisinang ito. "Saan ka pupunta?" "Enjoying my last freedom?" Iritadong tanong niya at nilisan ang office. LASING na lasing na si Diamond. Kanina pa kasi ito nag-iinom at nakaubos na ng limang bote ng wine. Wala namang nagawa si Grey para awatin ito dahil nagmamatigas. "Mas pinili pa niya ang career niya kesa sa akin! Nagawa ko naman 'ata lahat ah!" Usal niya habang umiinom ng wine sa bote. Basang-basa na rin siya at amoy alak na ang buong katawan. Awat naman ng awat si Grey pero wala pa ring nangyayari. "D, this is the time to let go. Hayaan mo na siya." Tinignan siya ng masama ni Diamond. "Alam kong napilitan lang siya. Ililigtas ko siya." Napailing na lang si Grey. Ano paba ang magagawa niya kung masyadong mahal ni Diamond si Tala. "Tigas ng ulo." Napatingin si Grey sa babaeng nakatingin sa likuran ni Diamond. Nilapitan niya agad ito. "Buti dumating ka. Ikaw na bahala diyan, may aasikasuhin pa ako." Seryosong nakatingin si Frena kay Diamond. Ganito niya kamahal ang naging kasintahang mas pinili siyang iwan. Na kahit nandyan naman si Frena ay hindi siya kaya nitong harapin. Iniwan na rin sila ni Grey. Dumiretso ang lakad ni Frena sa tabi ni Diamond. Nakahiga na ito sa bartender area at ang baho-baho na ng alak. "She's not coming back. Please wake up!" Bumangon si Diamond at tinitigan siya nito. Kalmado lang ang mukha ni Frena at handa na sa anumang sasabihin nito. "She will. She loves me." Tumango si Frena at tumayo. "Let's go, ihahatid na kita." Inalalayan niyang makatayo si Diamond na sumunod naman. Mabigat ito pero nagagawa pa naman niyang maglakad. Pagkadating sa labas ay bigla itong nakaramdam ng kakaibang hangin sa tiyan. Hindi na nakalayo si Frena dahil sa pagsuka ni Diamond sa kanyang damit. Natigilan siya at nagpigil nang hininga. This is fvcking two-hundred thousand dress! Iyan ang nasa isip niya. Isang sikat na designer pa sa brazil ang nagdesign nito para sa kaniya tapos si Diamond lang ang susuka nito? Gusto man niyang suntukin sa sikmura ang binata sa inis ay nagpigil siya. Sino ba kasing nagsabing magsuot siya ng ganitong damit? Pinasakay na niya ito sa likod ng kanyang sasakyan at nagtaas ng kamay para hindi mahawakan ang nakakasukang suka ni Diamond. Tinanggal niya agad ang shoulder bag niya which is worth 300k. Latest model pa naman ito. Napapikit na lang siya sa inis at minumura si Diamond. "Fvck you! Hindi dahil sa gusto kita papalampasin ko 'to? Fvck! This is my favorite dress and bag!" Nakakailang irap na ito sa inis. Gamit ang dalawang daliri ay kinuha niya sa loob ng bag ang phone niya para tawagan ang kanyang katulong. "Please prepare my night suit. And the best laundry for my dress. Go prepare everything!" Giit niya at tinanggal ang polo ni Diamond. "You must pay this!" galit niyang saad at kinuha ang polo para punasan ang mabahong amoy ng suka. Umasim ang mukha niya at parang siya rin ay masusuka. Using the tip of her finger slowly she take half the dirt on her dress. Nang umaayos-ayos ng kaonti ang damit ay itinapon niya sa basurahan ang polo ni Diamond. Sumakay na siya sasakyan at nagmaneho. Maingat ang galaw nito. Dumiretso na siya sa bahay nila. Nagpatawag din siya ng mga lalaking tutulong sa pagliligo kay Diamond. She won't take responsibility for that. Pagkarating sa mansion ay hinubad niya na ang dress niya at inabot sa katulong niya. "Make sure to wash it ten times. 'Wag mong gusutin ng sobra ang dress ko! Mahal 'yan! And my bag is inside the car. Also, wait for the two men I called to take that man inside the car para paliguan. And also, clean the car thoroughly. Gusto ko mabango na 'yan bukas!" Tumango ito. "Nasa kama niyo na po ang damit na pinahanda niya." Padabog itong naglakad patungo sa second floor. Dumiretso siya sa shower room at paulit-ulit na nagsasabon para mawala ang baho ng suka sa katawan niya. Nagbabad din siya sa bath thub na namomola ng perfume soap. Binabad niya ang sarili doon ng matagal. Bukas lilipat na siya sa bahay ni Winston. Kaya naman ay dumodoble ang inis niya. Hindi niya kayang makisama sa lalaking iyon. Tapos kasama pa ang ex ni Diamond. Nagbihis na rin siya pagkatapos maligo. Bumaba na ito para kumustahin si Diamond. Natapos na itong paliguan ng dalawang lalaki at nakapagbihis na rin. Inabutan na niya ito ng cash bago umalis. Nakahiga ito sa guest room at mahimbing na nakatulog. "Ma'am, tinawagan po ako ni sir Winston na mag-impake." Tumabi sa kanya si Manang Lilit. Na matagal na niyang katulong. "Sinunod mo naman?" Umiling ito. "Hindi po. Gusto ko muna kayong tanungin." "Just take only the cheap outfits." Tumango ito. Napatingin si Lilit sa lalaking natutulog at biglang nacurious. "Ma'am, sino po ba itong lalaki?" Napabuga ng hangin si Frena. "Someone I want. Kapag nagising siya later o bukas pakainin mo." Umalis na si Frena para makatulog. Dahil maaga pa itong aalis para maglipat ng damit. Para hindi na niya maabutan pa si Winston. Alas kwatro pa lang ng umaga ay nagising na si Frena. Dumiretso siya sa kusina para magpatimpla ng kape. Naihanda na rin ni Lilit ang maleta ni Frena. Inilagay na niya ito sa isa niyang sasakyan dahil basa pa ang sasakyang palagi niyang ginagamit. Mahimbing pa rin ang tulog ni Diamond sa kwarto. "Manang, ikaw na bahala sa kanya. Pakainin mo bago umalis." Tumango ito. Sumakay na si Frena sa sasakyan niya. Hindi naman kalayuan ang bahay ni Winston. Pagkadating doon ay may nagbukas na sa kanya. Sinalubong siya ng isang maid. Madilim pa sa bahay at mukhang tulog pa ang mga tao. "Good morning, Mrs. Alvaro." Napakunot-noo si Frena. "Ms. Herald, correction." Pagtataray niya at ibinigay na sa kanya ang maleta. "Pakilagay na yan sa room ko, aalis na ako." "Ah, Ms. Herald, naghihintay po si sir sa kusina." Gising na siya sa mga oras na ito? Sinadya pa naman talaga niyang hindi sila magkita. "Ok." Tipid niyang sagot. Wala itong choice kundi ang magtungo sa kusina. Naroon na nga si Winston umiinom ng kape at nakasuot ng pajamas. Nakacross-arm itong hinarap si Winston. Nag-angat ito ng tingin sa kanya at binaba ang iniinom na kape. "Welcome home, my future wife. Have a sit. Do you want a coffee?" Nanliit ang mata niya. Ang aga-aga para mabwisit. "Nakapagkape na ako. And I have to go, dahil marami pa akong aasikasuhin na trabaho." Tumayo si Alvaro at nagpunta sa likuran niya. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. Lumapit ang mukha niya sa tenga nito. "I already told Ghana that you will come at the office every 10 a.m. Iba na ang patakaran kapag nasa bahay ko." Napairap si Frena. "Matulog ka muna at gigisingin ka na lang mamaya ni Manang para sa breakfast." Agad itong umalis at iniwan si Winston sa kusina. Sinamahan na siya ng isang katulong papunta sa magiging kwarto niya. Since hindi pa sila kasado ay magkaiba sila ng kwarto ni Winston na ikinapasalamat niya. Nakaayos na rin ang mga gamit niya sa cabinet. Padabog itong naupo sa kama. Kainis! Dahil nasa bahay na siya ni Winston mahihirapan na siyang gumalaw-galaw. Hinihiling na lang niya na wala siyang magiging bantay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD