NAKANGITI ang puso ni Frena habang kasama sa date si Chin. Nasa restaurant sila na pagmamay-ari ni Chin. Sinimsim ni Frena ang kaniyang lemon juice at di mabura-bura ang ngiti sa labi.
Nakuha niya lang naman ang masarap na halik ng lalaking gusto niya. Sa unang tingin pa lang niya sa kaniya noong nasa rooftop sila ay 'di na mapigilan ang nagbabadyang sigaw ng damdamin.
"Kanina ka pa good mood. So ano pupunta ka sa opening mamayang gabi?" Ngumiti si Frena at ibinaba ang baso sa lamesa.
Tumango siya. Kahit na ayaw niyang pumunta ay pupunta na lang siya dahil nasa maayos ang kanyang puso. 'Wag lang sanang masira ng dahil sa Winston na iyon.
"Do you really think of staying to this people forever?"
She is referring to the people behind the modeling. The recruitment of the women to join the modelling to wear fashionable outfits. When besides, it is not only the outfit that was sold to customers. Also the one who is wearing. Reason why undeserving designers won an award.
Behind that, nakakatanggap pa rin ng award ang mismong magaling magdesinyo. Frena is thinking of staying out of Winston's business but her parents keep on pushing her to be polite, at least.
Walang kaalam-alam ang pamilya niya at ang ibang tao tungkol sa hidden agenda ng business ni Alvaro and the other members. Tanging mga nasa likod lang ng pakikinegosyo ang may alam. And Chin was a former worker of this so called private business, Red Dyes.
Banal ang dalawang salitang iyan at kapag binanggit mo maaari kang mapatay. Kaya sarado ang bibig nila sa organization na ito.
"I'm still working on it. I'm looking for the best timing. You know, Alvaro. He has the best side at lugi ako. Wala akong laban." Sumang-ayon si Chin.
Kapag isa kang fiancé o asawa ng kasali sa Red Dyes. Mahihirapan ka ditong makibukod. Dahil nakatali kana sa kanila. They can kill you or worst those people closest to you. Kaya naman maingat si Frena sa mga galaw niya.
"And if he knew what you are doing. I guess that's the end of it." Napasandal sa Frena sa upuan.
"We had a contract signed. He cannot meddle on my emotions. And he's out of my affairs," aniya.
Pero alam niyang kahit nasa kontrata man iyon. Gagawa pa rin nang paraan si Alvaro na masira ang relasyong binubuo ni Frena kasama si Diamond. Kahit na wala lang naman kay Diamond ang nangyari sa kanila.
Umaasa pa rin siyang darating ang araw na makukuha niya ang puso ng binata.
"Easy for you to say. But, I hope you'll get your plan done to cut ties with that jerk." Sumimsim ng maiinom si Frena.
Mahirap maghanap ng kaalyas. Mahirap lumaban mag-isa. Lalo na't malakas ang kakalabanin niya. Wala rin siyang laban kay Winston na malinis ang imahe sa social media. And one wrong move, pwedeng siya ang mabaliktad.
Nakaharap si Frena sa kaniyang malaking salamin. Tinitingnan ang kaniyang suot na black evening gown. Na kitang-kita ang kaniyang cleavage. Napangiti siya sa sariling repleksyon. Tiningnan niya ang bawat gilid ng kanyang postura.
"Perfect!" papuri niya sa sarili.
Lumabas na siya ng bahay niya. She is planning to use her car pero isang kotse ang nakaharang sa dinaraanan niya. 'Di na siya nagulat sa lalaking lumabas mula roon. He's planning to catch the eye of the audience with his fiancé.
Walang naging choice si Frena kung hindi ang pumasok sa loob ng sasakyan nang pagbuksan siya nito. Katabi niya ito sa likod samantalang ang driver niya ang nagmamaneho.
"You're getting hotter and hotter." Napangiwi siya.
"I know right."
Wala silang imikang dalawa sa loob. Pagkarating sa lugar ay pinagbuksan sila ng sasakyan ng driver. Nagkalat naman ang mga camera man sa paligid. Lakas loob ng ngumiti si Frena sa camera.
Tumabi sa kaniya si Winston. Kahit na ayaw niyang kumapit sa braso nito ay wala siyang ibang choice kung hindi ang makisabay. Naglakad na sila sa carpet papasok sa malaking mansion.
Invited ang nagraramihang kaasusyo ng negosyo ng Sylvia. Everyone knew that this opening is for Sylvia Agency. Pero lingid sa kaalaman ng marami na isa ito sa pakulo ng Red Dye. Kailangan lang nilang humanap ng ibang kumpanya para hindi sila maipasok sa media.
Nandoon na ang mga mayayamang businessman sa loob ng mansion. Nakaupo sa kaniya-kaniyang galanteng upuan. Ang gara nilang tingnang lahat dahil sa iba't-ibang desinyo ng kanilang damit.
Pero umaapaw ang kagandahan ni Frena sa kaniyang suot na eleganteng itim na gown. Bumulong si Winston sa kanya.
"Behave yourself here, Frena." Ngumiti lang siya ng malapad.
Nagtungo na sila sa harapan kung nasaan ang kanilang table. Nandoon si Traia ang isa sa mga sikat na designer. Katable din niya si Arex Jonex. Na half british at Filipino. He is stunning sa suot niyang itim na tuxedo.
Kompleto lahat ng taong malalaki ang rank sa Red Dye. At kapag minamalas nga naman si Frena ay katable niya pa ang lahat. Emcee naman ngayon si Greece na nagiging nerd sa suot niyang malaking eyeglasses.
"Introducing our very own Sylvia Fuentes. The never aging woman I knew on Earth." Nagpalapakan ang nagraramihang bisita nang tumungtong sa stage si Sylvia.
Nasa 30s na siya pero batang-bata pa ang hitsura at sexy'ng-sexy pa. Iba talaga pag model at maraming pera.
Gumagalaw na sa pagkabored ang mga paa ni Frena. Sa pwesto niya hirap siyang makagalaw dahil mabilis maagaw ang pansin nila sa mga bisita. Lalo na't nasa harap sila.
"Thank You, Greece."
Nasa likod na ang mga kandidatang bagong recruit ni Greece. Mga babaeng walang magawa kundi ang makisama sa laro nila. Iyong iba nagpapanggap na maayos ang lagay kahit hindi naman.
"Let me also introduce our very own, Traia Seb Alejandro. Stunning and beautiful." Nagpalakakan naman ang mga tao.
Tumayo si Traia at kumaway sa mga bisita at malapad ang ngiting sanay makipagplastikan. Pinakilala din niya ang iba pang miyembro.
"And also, the couple of this event. Soon to be Mrs. and Mr. Alvaro. Let's clap our hands." Nagpalakpakan ang mga tao.
Tumayo ang dalawa habang nakahawak sa beywang ni Frena si Winston. Ngumiti lang si Frena at sanay na rin sa ganitong palabas. Naupo na rin sila.
"Oh, before we forgot our very own. Mr. and Mrs. Luvic," turo ni Greece sa magkasintahang nasa harap.
Rumampa sa gitna ang dalawang couple na kararating lang. Kahit na may katandaan na pareho ang dalawa ay ang ganda at guwapo pa rin nila. Mukhang hindi napapawi ang pagmamahalan ng dalawa dahil sa mga titig nila sa isa't-isa.
NAUNA na sa loob ang kasabay ni Diamond sina Mr and Mrs Luvic. Dumaan siya sa gilid at nakatayo lang sa likod. Hinihintay ang pagrampa ng mga kandidata.
Dumako ang tingin niya sa pamilyar na tao sa may unang table. Hindi siya maaaring magkamali sila lang naman ang mga miyembro ng Red Dye. Saka lang napagtanto ni Diamond na isa sa kasama ng grupo ang Sylvia Agency.
Ngayon mas lumiliwanag na sa kanya ang lahat. Maaaring napilitan nga lang na umalis si Talani dahil sa tinakot siya ng mga ito. Mas lalong kumulo ang dugo niya dahil sa pag-iisip.
"Now, are stunning and beautiful models. They are now ready to serve all of you. Please, ladies."
Tumayo sa gilid si Sylvia para bigyan ng espasyo ang mga binibini. Nagsilabasan sila sa likod at rumampa sa harap. Nasa mahigit bente silang lahat.
Inisa-isa ni Diamond ang mga pagmumukha nila pero kahit ilang ulit niya pa itong titigan wala pa rin sa kanila ang hinahanap niya. She must be near here.
Naglakad siya sa likod para hanapin sa loob ng mansion ang mga secret rooms. Maaari kasing naririto lang si Talani sa paligid.
NAGPAALAM si Frena kay Winston para umihi ito na pumayag naman agad. Akala niya mahihirapan pa siyang lumusot. Nagtungo siya sa likod na stage at hinanap ang cr. Magreretouch lang siya.
Napapansin niya ang mga pintuan sa mga gilid-gilid. D'yan siguro nagpapahinga ang mga kandidata. Nahanap naman niya ang banyo at inayos ang sariling make-up. Habang nakatuon ang pansin niya sa salamin. Napansin niya ang paglabas ng isang Binibini sa banyo.
Nakasuot rin ito ng isa sa mga uniforms ng models ng Sylvia. Uniporme ng mga naunang modelo.
"Model's puppet?" Diretsong tanong ni Frena habang naglalagay ng lipstick.
Nasa gilid niya lang ang magandang babae at naghuhugas ng kamay. "I'll make it clear. It's model."
Inilagay na ni Frena ang kanyang lipstick sa kanyang clutch at tiningnan ang repleksyon ng babae sa salamin.
"What stage are you?" tanong niyang muli.
"Why are you even asking?" naiiritang tanong ng babae.
"If you are not really a puppet, I'll predict your destiny." Seryoso lang niyang tinignan ang kaharap.
"Six. On my way sa final evaluation." Napatango si Frena.
"Well, you'll see what you got after that evaluation."
Iniwan niya na ito sa loob at lumabas ng banyo. Evalution stage is where they are to wear different designs of many designers. Once chosen they are sold out. Ang mismong customer na ang bahala kung anong gagawin nila sa kanila.
And I guess. Frena will attend that evaluation for her. To show her what she's talking about.
Nang makalabas si Frena ay napahinto siya dahil sa lalaking papunta sa direksyon niya. Hindi siya maaaring magkamali. Napahinto rin ang binata at nagkatinginan ang dalawa.
Sa dami ng puwedeng pagtagpuan ng dalawa dito pa talaga. Mukhang itinadhana na talaga sila. Humakbang si Frena palapit sa kanya.
"So you are also in partnership with Sylvia?"
Dahil kung, oo. Hindi pala siya naiiba kay Winston. Biggest turn off pa naman niya iyon.
"I'm not even invited here. And I don't need to join hands with modelling agency." direktang saad niya at napatango naman si Frena.
"Great. Kasi di ko gustong makisama ka sa kanila. You're too perfect for me para ikaturn off ko lang."
Napatingin-tingin si Diamond sa paligid. Kanina pa siya naglilibot pero wala.
"Looking for someone?"
Hindi siya binalingan ng pansin ni Diamond ngunit batid na niya kung sino ang hinahanap nito. Nilagpasan siya ni Diamond at tiningnan niya lang ang likuran nitong papaalis.
"Why are you still searching for your ghost past?" Napahinto si Diamond sa biglaang tinanong ng dalaga at hinarap siya.
"Do you think you can still find her? Anywhere here?"
Hindi man niya alam ang pinagdadaanan ng binata pero ayaw niyang makulong pa rin ito sa nakaraan niya. Nandito na naman siya? Ano pa bang hinahanap niya? Ano bang meron sa Talani na iyon na hindi niya mahanap sa kaniya? Maganda naman siya at halos na sa kaniya na ang lahat. Pero itong lalaking ito napakasarado ang puso at ang hirap kuhanin ang tingin.
"If she's long gone. Hindi ba ibig sabihin, hindi na siya babalik?"
Parang tinik ang mga salitang binibitawan ni Frena. Pero baliwala lang iyon kay Diamond. Mas lalo lang siyang kinaiinisan ng binata.
Humakbang ng kaunti si Diamond palapit sa kanya. "If he's not into you, hindi ba ibig sabihin na dapat kang lumayo?"
Napaawang ang labi ni Frena sa sinagot ng binata. Hindi ito tinik, kutsilyo 'ata ang sumaksak sa kaniya. Natawa si Frena dahil sa unang pagkakataon may tao ring nanakit sa damdamin niya.
Never did she experienced being rejected second time tapos pinapamukha pa talaga sa kaniya. Si Diamond lang ang lalaking ang hirap sungkitin.
"I'm slapped," natatawang aniya.
Tumalikod na si Diamond at nag-umpisang maglakad. Tiningnan lang ni Frena ang likuran niya hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin niya.
"What took you so long?" Napairap siya at hinarap ang lalaking kakarating.
"The models are on their way to the villa. You have to be there to check on them." Tamad niya lang ito tiningnan at nauna nang naglakad.
Natigilan si Frena ng mariin siyang hinawakan sa braso ni Winston. Napatingin siya sa kuko nitong bumabaon sa balat niya. Napangiwi siya.
"Ayos-ayusin mo iyang ugali mo, Frena." Inilayo niya ang kamay niya sa kaniyang pagkahawak at masamang tiningnan lang ito.
"You can't change me, Winston," aniya at tinalikuran na ang binata.
Seryosong-seryoso ang mukha nitong naglalakad papunta sa labas kung saan nandoon na ang sasakyan nila. Natapos na ang opening at inanyayahan ang mga vip's na i-observe ang mga models. Kung sino ang marami pang aayusin at kung sino ang ipa-priority sa susunod na event.
Frena is sick of this. Sick of this human games. And as a woman para siyang inaapakan ng mga ito. Ginagamit na manika at binibenta. She knows her worth but seeing those ladies made her feel powerless.
She wanted to help them but most of the models voluntarily joined the agency. Unaware of the real agenda. And some are forced to join the modelling and has no other choice but to follow strict procedures.
Ang nakakasakit lang sa ulo niya ay kailangang saksi pa siya sa mga gagawin ng mga dalaga. She needs to find a way as soon as possible. Dahil kung hindi makakasaksi na naman siya ng hindi kaaya-ayang pangyayari.