KAHIT saang lupalok pa hanapin ni Diamond si Talani. Wala pa rin siyang nahahanap. Naglakad na siya pabalik dahil wala rin naman siyang mapapala dito.
Napatingin siya sa dalawang taong nag-uusap. Pamilyar sa kaniya ang lalaking kausap ni Frena. Nang paalis si Frena ay marahas siyang hinawakan ng lalaki sa braso niya. Kung hindi siya nagkakamali ay si Winston Alvaro ang kasama niya at si Frena Herald lang naman ang babaeng naka-one-night niya.
He is unaware of it but now it makes sense. But it looks like both are not in good terms. Mapapansin kasi ang galit sa mga titig ni Frena kay Winston.
He has to tail this two. Dahil maaaring sila ang sagot kung saan niya mahahanap si Talani. Maaaring maging biktima rin ng karahasan si Talani.
Kinuha ni Diamond ang kaniyang selpon at tinawagan si Chase. Si Chase lang ang malalapitan niya para lungkatin pa ang mga detalye tungkol kay Winston.
"It's a miracle at tinawagan mo ako, master. Anything you want to say?"
"Send me all the details about Winston Alvaro and the girl– his fiancé. All important information. I need it right away. Send it to my email," utos niya rito at agad nang pinatay ang tawag.
Dumiretso si Diamond sa kaniyang mansion at tumambay sa kaniyang library. Binuksan niya ang laptop niya at sakto ang pagdating ng email ni Chase.
Binuksan niya agad ito at dinownload ang files na sinend niya. Unang file na nabuksan niya ay ang malaking larawan ni Chase na may heart sign. Kumulo sa inis ang dugo niya. Hindi na talaga titino ang lalaking ito.
Tiningnan niya na ang isang file at nandoon na ang mga detalye tungkol kay Winston. Pinrint na niya ito lahat. Lumabas mula sa printer ang mga papeles tungkol lahat kay Winston.
Kinuha niya ang isang papel at tiningnan. Naroon ang pagmumukha ni Winston at mga background information niya.
Napakalinis nito sa media. He even donated billions on a charity. Di lang 'yan marami itong natulungang mahihirap. May mga nagkanegosyo na sa tinulungan niya.
Nabasa rin niya tungkol sa force marriage nila ni Frena. It was all Winston's idea to marry her. It looks like he is really obsess with the girl, which is really true.
"Frena Herald," basa niya sa detalye ni Frena.
Mayaman din ito at mayroong villa. Ngunit dahil kay Winston ay naitali siya sa mga Alvaro. Lahat ng negosyo niya ay konektado lahat kay Winston. Ibig sabihin lifetime na ang partnership nila. Lifetime hell.
Binasa pa niya ang ibang detalye ang mga natulungan ni Winston. Napahinto siya sa binabasa ng mabasa ang isang pangalan. Talani Guevera.
Nakasulat doon na minsan ring natulungan niya si Talani. Natulungan niyang magkaroon ng kabuhayan ang pamilya niya sa negosyo. Ang alam noon ni Diamond ay dahil ito sa naipong pera ni Talani. Wala naman siyang sinabing may tumulong sa kanya.
Inalokan din siya ni Winston na sumali sa isang modelling. 2015 pa ang nakasulat dito. Nakasulat din dito noong January 8, 2016 nang tanggapin ni Talani ang alok na trabaho.
Nalukot ni Diamond ang papel na hawak niya dahil sa nabasa. Nagdududa at nagbabakasakaling mali ang nabasa niya. Binitawan niya ang papel at nahampas ang lamesa sa inis.
"Did you really choose to leave me, Tala?"
Parang may luminyang kirot sa dibdib niya. Way back 5 years para siyang tangang hanap-hanap sa taong hindi niya alam kung sadya bang hindi siya siputin?
He can still remember how crazy he was. Looking for someone who's far possible to find.
Nawala siya sarili na parang batang iniwan ng kaniyang ina. Gulong-gulo ang isip niya ng mga araw na 'yon. But something happened.
Masaya pa siyang katawag kanina ang kasintahan niya. Dahil on the way na daw siya sa hotel. Nakahanda na ang bulaklak at pagkain sa lamesa. Nakahanda na rin ang mga petals na nakadesinyo sa kwarto.
Sabik na sabik na siyang makasama ang kasintahan at mayakap ito. Miss na miss niya ito dahil ilang araw din silang hindi nagkita dahil busy sila sa school projects. Naghintay pa siya ng ilang oras hawak-hawak ang bulaklak pero umabot na lang ang limang oras. Walang Talani ang dumating.
He tried to call her again and again pero hindi na ito ma-reach. He was frustrated and messed up. Sa inis ay tinapon niya ang bulaklak sa basurahan at nagtungo sa rooftop.
Doon siya nagpalipas ng gabi. Sinindihan niya ang kaniyang yosi at pinanood ang mga tala. Kinuha niya ang selpon niya at tinawagan si Grey.
"Bakit ka napatawag? May nangyari ba?"
"Find out where is Talani. Hindi siya sumipot." Kalmado ang boses niyang nasasaktan.
"Hindi ba? Let me trace her phone..."
Naghintay siya ng ilang minuto bago nagsalita si Grey. "Phone is broken? May nangyari kaya sa kanya?"
Doon na simulang nabahala si Diamond. Napabuga siya ng hangin at tinawagan ang mga miyembro para tulungan siya sa paghahanap. Nagpunta na rin sila sa police pero wala paring nakita.
Nagpost sila ng poster at sa social media. Pero walang ni isa ang nakaalam kung nasaan na siya. O kung ano mang nangyari sa kaniya. Tinanong niya rin sa mga magulang niya na nasa probinsya pero wala naman daw ito roon. Hindi niya sinabi rito ang tungkol sa pagkawala niya at baka ano pang mangyari.
Simula no'n ay hindi na siya nakatulog sa paghahanap sa nawawalang kasintahan. Gumraduate siyang hindi nasisilayang muli si Talani.
Nagpunta siya sa tuktok ng bundok para magmountain climbing. Kung saan-saan na siya nakarating. Pero wala pa rin siyang nahahanap. But he didn't stop looking for her.
NAKATITIG si Frena sa mga babaeng nakatayo sa harapan niya at nakahubad. Kasama niya rin si Traia at si Mrs. Sylvia.
Tamad niya lang tinitigan ang mga ito at walang gustong piliin. Ayaw niyang ilagay sa palad niya ang kinabukasan nila.
"Wala pa rin bang napipili?" tanong ni Traia na nakaupo sa beach bed.
Sila lamang tatlo sa may pool. Habang inoobserbahan at tinitingnan ang kanilang mga katawan at mukha. Tiningnan niya ito sa mga mata ang iba sa kanila ay nakikitaan niya ng pagkabahala.
Itinuro niya ang isang babaeng ramdam niya ay may tapang. "I choose her."
Tanging isa lamang ang pinili niya at hindi na nagdadag pa. The rest ay itetrain pa bago isabak.
Napabuga lang ng hangin si Frena. Nagbihis na ang mga ito. Naupo siya sa beach bed at pagod na pagod.
"You will have to attend to their training. Meaning you'll be going to Dyer's place," paalala ni Traia.
She knew so clear about that. Kaya nga ngayon pa lang sumasama na ang sikmura niya. She can't stand these people. Para siyang kinulong sa impyerno tuwing kasama niya ang mga ito. Utang din kasi ng Alvaro ang buhay nila. Dahil kay Winston napagamot sa cancer ang kaniyang ama.
She leaves no other choice but to protect the people behind her. Ngayon nasa ibang bansa ang pamilya niya for good. Mabuti na roon at malayo sila sa mga demonyo. At siya naman ang pinarusahan.
Walang naging choice si Frena kung hindi ang magpunta sa tagong area ng Dyers. Kung saan tumitira ang mga models under different levels. This is a big place for all of them.
Pagkapasok pa niya sa malaking espasyo ay biglang sumama ang pakiramdam niya. Lumunok siya ng laway at matapang na naglakad habang nasa likuran niya ang bodygurad ni Winston. Sinalubong siya ni Ynux.
Ngayon she have to visit the level six para ipaghanda sila sa susunod na event.
"They are all waiting for you."
Seryoso siyang naglakad ng diresto sa kabilang pasilyo kung nasaan ang isang malaking silid na pagrarampahan ng mga models. Nandoon na rin si Traia na sinalubong siya ng pagbati.
20+ models are here. And she has to observe them and train them how to pose and walk. Napatingin sa kaniya ang isang babaeng nakausap niya kahapon sa event.
Iniwan na siyang mag-isa kasama ang mga models. Napakailaw ng lugar kung saan sila nakatayo ngayon. Ang ganda ng silid at talaga namang inaaruga sila ng maayos sa training. Sa bagay, sa una lang talaga masarap ang buhay.
Hinarap niya ang mga nakatayong Binibini. Nakataas noo. Naupo na siya sa nag-iisang upuan.
"Is this really your dream?" seryosong tanong ni Frena sa kanila.
"After level six, you'll have to face the outside world. But, it will be different the way you see them before and the way you think."
Halatang walang kaalam-alam ang iba sa mga pinagsasabi niya. Siguro nasa isipan nila ang tungkol sa bagong career. But no, it's versus luck or danger.
"So," huminga siya ng malalim habang hawak ang mga profiles nila.
"You stay at the corner and walk in front one by one as I give you a sign."
Sumunod naman agad sila and they all walk at the corner. Nakalinya pa silang lahat at natrain talaga ng maayos kung papaano magiging responsable sa paglalakad.
"I wont teach you more aura on walking since you are in the level six. Expected na na mayroon na kayong diskarte," aniya at tamad na sumandal sa backrest ng upuan.
"You are selling the suit so you should confidently walk on the aisle, nailing it. You got it?" mataray niyang tanong sa kanila.
Tumango naman sila at mukhang nakuha agad ang ibig niyang sabihin. Mabuti na iyon at nang hindi na niya kailangan pang maghirap kakaexplain.
"Starting from this girl and to the end. I want you walk fiercely in front."
Sumunod naman sila agad. Rumampa ito sa harap at inobserbahan niya bawat galaw ng mga models. Iyong iba hindi gaanong confident, iyong iba naman nasobraan. Saka wala ng pakealam si Frena. Ayaw niyang iasa sa sarili niya ang mangyayari sa buhay nila. So they should do anything for their future.
"Great! I had no more comments."
Napaawang ang labi ng ibang models. Para kasi sa kanila mayroong kulang sa ibang models.
"Are you sure? I guess some didn't slay?" Tumayo na si Frena at hinarap ang babaeng matangkad pa sa kanya.
Perfect na perfect ang pagmumukha nito at magaling din ang performance kanina. She is sure benta agad siya. Poor her. Wala siyang kaalam-alam sa trabahong pinasok niya.
"Do you think so?" mataray niyang tanong.
"Yes? It's obviously in front of you. I thought you are a good model instructor? But it turns out you are just playing around." Napangisi si Frena.
What a shame for this girl who has zero knowledge of everything. Siguro kapag ipapamukha niya sa kanya ang totoo baka hindi na niya ito masabi pa.
"I thought so. Woman, let them find their own figure at the end of the day. If you're already good, keep it. Be silent." Humakbang siya palapit sa babae.
"Your name?" tiningnan niya ang profile ng babae at nakita ang pangalan nito.
"Yttara Ponce. Such a beautiful name. Don't worry, you'll get what you worked for." Tinalikuran na niya ito.
Napasulyap pa siya sa babaeng nakausap niya sa event kagabi. She seems not distracted about what she said last night. Good to her. Napansin din niya ang isa pang model na mukhang kanina pa wala sa sarili.
Kahit na confident itong rumampa kanina. She can clearly see it on her eyes that she is bothered about something. Maybe she knew already? The danger is on her.
Nagsibalikan na rin sa kaniya-kaniyang kwarto ang mga models. Habang paalis na si Frena pinigilan siya ng isang babae. Hinatak siya nito papunta sa may hardin. Saka niya lang napagtanto kung sino ang humila sa kanya. Ang babaeng takot na takot kanina ang mga mata.
"You're not one of them right?" pagkukumpirma niya.
Napamulsa si Frena at hinarap siya. How brave she is to ask her about that. What if she is really one of them? Akala ba niya makakaligtas siya?
"I bet you're wrong," pagkakaila niya.
Napabuga ng hangin ang babae. Tinitigan niya lang ito at kung anong maging reaksyon.
"I know you are not. Matutulungan mo ako 'di ba? I risked my life for this just to get out of this hell. Ayokong matulad sa kapatid ko." Kahit kita niya ang takot sa mata niya alam niyang matapang din ito.
Kung alam na niya, siguro ininda niya lang lahat para makapunta sa level six. At kapag nakalabas siya maaaring masuwerte siya o hindi.
"Mali ka ng nilapitan, miss. I cannot help you. Count your luck at the event." Tinalikuran na niya ang babae.
Kahit medyo nababagabag siya ay sana maging masuwerte na lang ang susunod na mangyari sa buhay niya.
"Where did you go? Kanina ka pa hinahanap nila Traia." Napairap lang siya at nauna nang maglakad.
"Puwede ba. I'm not a kid para bantayan mo." Nakisabay sa kaniya sa paglalakad si Winston.
"Who knows what you will do next? Kilala kita, Frena." Huminto siya para harapin si Winston.
"And so? Bawal na akong gumalaw-galaw? Bawal na akong gawin ang gusto ko?"
Hinawakan ni Winston ang pisngi ni Frena, pumalag siya pero hinawakan lang siyang muli nito. Bumaba ang hintuturo niya sa labi nitong tinititigan ni Winston.
"Of course, not everything. I own you, so lahat ng gagawin mo ay dapat alam ko. You know how I hate secrets, Frena," malamig ang boses nitong nakakatakot at sumasakal.
Sinunggaban siya ng halik ni Winston. Pumalag siya pero kinagat ni Winston ang labi niya. Hindi nagtagal ang halikan ng dalawa at pinakawalan din siya nito.
"Behave, Frena. You know what I can do."