INIS na nagbabad sa kaniyang bath thub si Frena. Kanina pa 'di mapakali ang kalooban niya sa galit dahil sa letseng Winston na 'yon.
"At kailan pa niya ako naging pag-aari?" Kainis!" Umahon na siya sa thub at inabot ang tuwalyang nakasabit.
Tinakpan na niya ang sarili ng tuwalya at lumabas. Isinuot niya ang kaniyang lingerie dress na pantulog at nagtungo sa balcony para uminom ng wine.
Madilim na ang paligid at gusto niyang magrelax. Ayaw pa naman niyang maistress pero dahil sa Winston na iyon mas lalo siyang nagiging stress.
Bukas na naman ay panibagong sakit sa ulo. Lalo na't malapit na ang event for modelling. Wearing outfits from the best designers and she has to be there. Hindi na niya puwedeng iasa kay Ghana ang lahat.
Maaga pa lang ay nagpunta siya sa bar ni Diamond. Hinanap niya ito roon. Tumambay muna sa bartender area at nag-order ng light na drink. Ayaw niyang magpakasaling ngayon dahil may trabaho pa siyang aasikasuhin. Wala pang gaanong katao sa bar pero may mga umiinom naman.
Matapos ang usapan nila sa event ng Slyvia ay mas lalo lang nangingibaw ang interes niya kay Diamond. He has something she cannot reject. Iyong tipong hindi niya kayang pigilan ang nararamdaman niya kapag kaharap na niya ito.
Pero totoo, nasaktan din siya sa sinabi niya ng gabing iyon. Tagus na tagus sa puso niya. Napakacold niya talaga sa kaniya at wala man lang ang alindog niya sa binata.
"Maaga ka 'ata ngayon?"
Habang umiinom ay tumabi sa kaniya si Grey na nalaman niyang pinsan pala ni Diamond. May naisip tuloy siyang ideya. Hinarap niya si Grey at ngumiti.
"Can you do me a favor?"
She will do everything just to catch the fish. Kung ayaw, pipilitin. Kung matigas, papatigasin.
"Anything your lady." Napangisi si Frena.
Matapos ang pag-uusap nila ay masaya itong nagpunta sa bahay ng mga models. Kasama siya sa unang level ng kanilang training. Sila ang mga bagong alsa, iyong mga napili niya ay hindi na kailangang itraining pa diretso na agad.
Nasa likuran ngayon sila ng mansion ng Dyers kung nasaan andoon ang malaking pool. May garden din sa gilid at mga uupuan. Tirik na tirik pa ang araw at nakaswim suit ngayon silang lahat.
"Did you make sure na naka-sunblock sila?" tanong ni Winston kay Traia.
"Of course, ako pa ba? Hindi naman mahirap ang training today Alvaro. After this they will proceed to the treatment."
Nasa gilid lang si Frena observing the models. Hindi niya alam kung bakit nandito pa siya ngayon e hindi naman siya talaga kailangan pa rito. Traia can do all of this. Sabagay hindi lang sila ang aasikasuhin niya.
Nandito rin ang ibang tumutulong sa kanila para asikasuhin ang mga kandidata. Nandito ang mga assistants nila.
Sa ngayon ay titingnan mo nila ang poise nila. Kung paano ba sila lumakad na ganito lang ang suot. O kung gaano sila ka-confident. Frena is here to train them about that. And doing this under the sun might be a little damage to their skin. Since they are using the emerald sunblock, Frena is sure that this won't affect their skin so bad.
Mahalaga ba naman kasi sa kanila ang kanilang balat. Isa ito sa pamantayan sa susunod pa na level.
"So let's start before we get toasted," ani Traia.
Nag-umpisang nang rumampa ang mga kababihan habang may mga papel na tsi-ni-check si Frena at Traia. Iba ang mood ngayon ni Frena at nagpaparticipate talaga ito nang maayos. Pinapahinto pa niya sa paglalakad ang iba para ayusin ang kanila pagtayo.
Minsan tumatayo siya para siya ang umayos sa kanila. Pati na si Traia ay nanliliit ang mata dahil sa mga nakikitang maling galaw ng iba. Kaya nasisigawan niya ito at pinaulit-ulit sa pagpose.
"Put a little poise, Miss," medyo iritang utos ni Traia na mukhang kanina pa naiinis sa babae dahil pansin niyang wala ito sa mood gumalaw.
Makikita sa kaniya na nahihirapan ito at mukhang masama ang pakiramdam. Frena stand up to check on her. Kahit subukan niyang magchest out ay bumabalik dito ito sa pagkabaluktot.
"Anong nararamdaman mo?" tanong ni Frena sa kaniya.
"Miss, nahihilo kasi ako. Puwede bang magpahinga saglit?" aniya at nahihirapan sa paghinga.
Babagsak na sana ang katawan niya mabuti na lang at nasalo siya ni Frena. Mas lalong uminit ang ulo ni Traia dahil sa eksina. At kailangan tuloy niyang ihinto ang training.
Dinala nila sa clinic ang babae na nangangalang Chesee. May hika raw ito at hindi sanay sa pagiging pagod. Napangiti nang patago si Frena. This is disqualified. She thought Arex have already checked the medical history of all the participants. Pero pumalya ang isa?
"How could that be? Maayos ba talagang nagtatrabaho ang Arex na 'yon?" Kanina pa naiirita si Traia dahil sa nangyayari.
Tinawagan niya na rin si Arex para kausapin. Nasa rules na nila na hindi magpapasok nang mahihina ang kalusugan. This could affect their work. But, this careless Arex putted some fire over Traia's head.
Kinausap na rin ng doctor si Frena na kailangan na lang daw niyang magpahinga. Napatingin siya kay Che na nakahiga sa kama at nakatulog. She's too beautiful para maranasan pa ang ibang hirap. This is her luck and she wish na sana hindi na siya makaharap ng kagayang tao ng mga nandito.
"We have to disqualify her and move for the treatment," ani Traia sa mga assistant nito.
Nang may nagsabing dumating na si Arex ay agad siyang umalis sa clinic para harapin si Arex. Hinarap ni Frena si Che na ngayo'y gising na. Napangiti siya.
"Salamat," ani Che.
Tumayo na ito para makaalis na. Hindi na rin naman siya susubok pa sa training.
"Are you all good now?" Tumango lang siya.
"Yes, salamat talaga sayo." Ngumiti lang nang bahagya si Frena.
Niyakap niya si Che at pasimpleng inilagay sa kaniyang bulsa ang ang isang ticket. Napangiti siya sa doctor na tumango lang sa kaniya at umalis.
So this was all planned by Frena?
Matapos ang pagpili sa models kanina sa villa ay may lumapit sa kaniyang babae. Nagulat siya dahil sa paghawak nito sa kanya.
"Who are you?"
Napapatingin siya sa paligid at mukhang may tinatakbuhan, " Miss, save me from this. I cannot do this job, kailangan kong bumalik sa pamilya ko parang-awa mo na."
Para na itong maiiyak at napakapit sa kaniya ng mahigpit. Napatingin sa paligid si Frena at napapansin niyang papunta na sina Alvaro sa gawi nila.
"Please," pagmamakaawa nito.
Nataranta naman si Frena dahil papunta na sa gawi nila si Alvaro, "Mahimatay ka sa training, I'll do the rest. Just follow."
Tumango lang ito at umayos na nang tayo. Nakarating na sa harapan nila si Alvaro at si Traia. Nauna na rin kasi si Mrs. Slyvia sa kanila.
"What are you doing here?" takang tanong ni Traia at napatingin pa silang dalawa ni Winston kay Frena.
"She's just asking a chance na puwedeng mapili agad siya para rumampa. But I can see so many flaws on her, she can't compete," pagsisinungaling nito at napatingin kay Che na nakayuko lang.
"Just wait for your turn, Chesee. Go back now!" Tumango ito at dumiretso na sa van.
This is the least that she can do for them. Nalaman rin kasi niya pagkatapos na may sakit na ang lolo niya dahil sa pagkawala niya. She was threatened. Maaari ring na-itrace na ng mga ito ang pamilya niya. Kaya si Frena na ang gumawa ng ibang paraan para hindi sila nito mahanap.
She gave them a land sa isang malayong probinsya. Doon sila lang. She is hoping na maging maayos na ang lagay nila. May pangkabuhayan naman sila doon. And also, her friend helped her a lot.
Isa sa mga kakampi niya rito si Dr. Perrie Villarama. Matagal na rin siyang nagtatrabaho dito bilang personal and trusted doctor. Kaya mahirap siyang pagduduhan. Gaya niya ay gusto niya ring matulungan ang ibang babaeng makatakas sa impyernong ito.
Wala ring nagawa sina Traia kung hindi ang paalisin si Chesee. Dahil na kumpirma talaga nitong may hika siya. Totoo naman kasi talagang may hika siya pero hindi ganoon kalala kanina.
"I'm really sorry, Winston. Nalimutan kong tignan. Sa dami kasi ng papers di ko napansin," Nakaluhod siya sa harapan ni Winston.
Nandito sila ngayon sa malaking living room ng mansion. Lahat sila at nag-angat ng tingin sa lalaking kakababa lang ng hagdan. Mas lalong nanindig ang balahibo ni Arex sa takot. Mabilis na tumayo silang lahat at binati ang kararating na binata.
"Another lampa, Jones?"
Siya ang nagpapatakbo ng Dyer. Si Fraud Akahante ang kinakatakutan nilang lahat. Hindi siya gaanong kadalas magpunta sa mansion dahil marami itong inaasikaso. Nagagawa niya lang bumisita kapag may special siyang kailangang gawin dito.
"I've seen so much work of Alvaro and I am grateful for that. I just can't believe there's one who will ruin a very simple work." Nanatili silang nakatayo at hindi ginawang titigan ang mga mata nito dahil sa oras na manggari iyon aapoy ka sa takot.
"Fvck!" mura nito nang malakas na ikinagulat ng lahat.
Muli itong kumalma at naupo sa isang sofa at nakacross-legs. Saka naupo ang mga tao sa paligid. Lumuhod si Arex sa harapan ng amo.
"Sorry, Boss. 'Di na talaga mauulit."
Sinenyasan ni Fraud ang isang body guard para kuhanin ang latigo niya. Ibinigay naman ito ng lalaking nakatayo sa likod niya.
Nakagat ni Arex ang ibabang labi sa takot at napapikit. Malakas na hinampas ni Fraud ang likuran ni Arex dahilan para magmarka ang sakit sa likuran niya.
Nag-iwas lang ng tingin si Frena at nasaksihan na naman niya ang ganitong pangyayari. She's not part of this pero nandito siya ngayon. Limang beses na hinampas ni Fraud ng latigo ang likuran ni Arex.
Ininda niya ang sakit at kagat-labing nakayuko sa sahig. One little failure, you'll hang to death.
"So what's the update? Have you found any woman to replace?" tanong niya dito.
Naupo nang maayos si Arex kahit na puno na ito ng sugat sa kaniyang likod.
"Not yet, my lord. We can still proceed to the next level since the models are enough," pagsagot ni Traia at hindi man lang nagpakita ng katakot-takot sa mata. She got used to it. The fear.
Napahawak si Fraud sa kaniyang baba habang nakasandal ang likod sa upuan. Thinking so deep na hindi nila kayang basahin.
"Enough? I see." Tumayo na siya.
"Let me see what you got after this. Take care of the dirt and give me an update earlier tomorrow," aniya.
Dumako naman ang tingin ni Fraud kay Winston. "Alvaro, work with Corpuz about the delivery. It should be successful."
Tumango si Winston at iniwan na silang lahat sa living room. Saka lang sila nakahinga ng maluwag. Tumayo na agad si Frena dahil baka 'di na niya kayanin at magwala pa siya dito.
Nakakakilabot ba naman kasi ang mga titig ni Fraud na kapag makatitigan mo lang manlulumo ka. She wanted to get used of these evil people pero kapag sa mga kagaya ni Fraud. Hindi kaya. Parang kaharap niya lang ang isang mabangis na tigre.
"Where do you think you're going?" pagpigil ni Winston kay Frena.
"Going home? Do you want me to stay long to this hell?" sarkastik na tanong ni Frena at umalis na agad.
Magpapahangin lang siya at magbubunot ng tinik. Habang nagmamaneho ay napangiti siya ng maalala si Diamond.
"Can you do me a favor?"
"Anything your lady." Napangiti si Frena. And idea just popped up on her mind.
"Can you ask Diamond to go at this place. Please?" inabot niya ang isang address.
"You can do it right?" Nagtatakang tinanggap ni Grey ang card na may lamang address.
"So you're interested to Diamond?"
"Obviously? So can you do it? Tonight?" Tiningnan lang siya ni Grey.
"Don't worry, I'll give you a reward. Name your prize." Napangiti si Grey dahil iyon talaga ang hinihintay niya.
"Ok! Basta I just want to have a pleasurable life." Napangiti si Frena.
"Of course! I have plenty of people."
Boys will always be boys. Napatingin si Frena sa kaniyang phone nang magring ito. A call from someone. It might be Grey. She picked it up.
"Yes?"
"He is there. Ikaw na bahala at salamat sa palibre."
Natawa lang si Frena. Binigyan niya kasi ito ng special night sa isang hotel kasama ang mga babaeng gusto niyang makasama sa gabi. Siya na ang naglibre sa lahat ng gastusin. Well, she has a lot of money for that.
Dumiretso na siya sa kaniyang bahay. Kung ano man ang sinabi ni Grey para mapapayag siya ay talagang si Grey lang ang malakas. Malaki ang mansion niya at siya lamang mag-isang tumitira roon.
Gusto ni Winston na magkasama sila sa isang bahay but one of her rules is na wag muna not until they got married. Gusto niya lang magkaroon ng freedom for the meantime. Dahil kung ikasal man sila at least nakaranas siyang maging malaya. Pero kung ikakasal sila. Dahil gagawa nang paraan si Frena na hindi iyon matuloy.
Ipinark na niya ang sasakyan at naglakad patungo sa likod ng mansion niya. She is excited to see him. Napangiti siya. Sinalubong naman siya ng kasambahay niya.
"Nandito na po siya maam." Napangiti siya.
"Have you already prepared the meal?" Tumango ito.
"Yes, ma'am. Nasa labas na po. Mainit-init pa."
"Great! Now bring there my special wine. And the wine glasses that I usually used." Tumango ito at umalis na agad.
Tonight. She will make sure, he will never scream the name of that girl. But, hers.