Zeph Pov
Hindi lamang ako ang nagulat kundi maging ang lahat ng mga bisita ni Hillary na naroon sa kanyang party. Nakita ko rin ang pagkagulat sa mukha ni Alpha Hunter ngunit saglit lamang dahil naging blangko na ulit ang expression ng kanyang mukha.
Natuwa ang mga bisita ni Hillary nang makita ang bagay na iyon na lumabas sa kanyang noo. Hindi ko alam kung bakit sila natuwa lalong-lalo na si Hillary na hindi maitago ang sobrang galak sa kanyang mukha. Hindi ko tuloy mapigilang itanong sa aking isip kung ano ang mayroon sa drawing na iyon na biglang lumitaw sa noo ni Hillary?
"Si Hillary ang tinutukoy sa propesiya na babaeng nakatakda na magiging Luna ng ating alpha!" masayang bulalas ni Duffy na napalapit kay Hillary at niyakap ng mahigpit.
Babaeng tinutukoy sa propesiya na magiging Luna ni Alpha Hunter? Ano ang ibig sabihin ni Duffy? hindi napigilang tanong ko sa aking isip. Hindi ko alam na may propesiya palang ganoon para sa magiging asawa ni Alpha Hunter. I thought he will be the one to choose his mate. Ngunit hindi pala. Dahil may nakatakda talaga para maging asawa niya.
"Hindi ako makapaniwala na si Hillary ang tinutukoy sa propesiya," mahina ang boses na kausap sa akin ni Darla.
"Puwede bang ipaliwanag mo sa akin ang ibig mong sabihin? Ano ba iyang tungkol sa propesiya?" naguguluhang tanong ko kay Darla.
Hindi makapaniwalang pinagtaasan niya ako ng kilay. "Hindi mo alam ang propesiya tungkol sa magiging Luna ng ating alpha?"
"Hindi nga. Kaya nga ako nagtatanong sa'yo para malaman ko," mahina ngunit mariin ang boses na sabi ko sa kanya.
Bahagyang inilapit ni Darla ang kanyang bibig sa aking tainga bago magsalita sa mahinang boses. "Ayon kasi sa propesiya na nakasulat sa matandang aklat na ang babaeng nagtataglay ng moon-tattoo sa katawan ang siyang nakatakda na maging Luna ng alpha nang Golden Wolf Pack. Ang babaeng iyon ay magiging dahilan kung bakit magkakaisa ang lahat ng mga taong-lobo sa kasaysayan. Ag ang babaeng iyon na tinutukoy ay walang iba kundi si Hillary pala. Dahil sa katawan niya nakita ang palatandaan na tinutukoy sa propesiya," pagbibida sa akin ni Darla.
Hindi ko maintindihan kung bakit biglang bumigat ang aking pakiramdam na si Hillary ang magiging Luna ni Alpha Hunter. Wala naman akong pakialam kahit sino pa man ang kanyang maging Luna. Pero siguro dahil sa tingin ko ay hindi nararapat si Hillary na maging Luna ng aming alpha. Ngayon pa lang kasi ay arogante at masama na ang kanyang ugali, ano pa kaya kapag naging asawa na siya ni Alpha Hunter? Natitiyak ko na mas lalong magiging impiyerno ang buhay ko kapag mangyari iyon.
Nabaling ang atensiyon ng lahat ng mga bisita nang biglang magsalita ng malakas si Sir Keiver at nakangiting lumapit kay Alpha Hunter.
"Congratulations, Alpha Hunter! Sa wakas ay nalaman na natin kung sino ang iyong magiging Luna. Ngunit hindi ko inaasahan na ang ang-iisa kong anak pala ang siyang tinutukoy sa matandang aklat na babaeng nagtataglay ng moon-tattoo sa kanyang katawan. At labis kong ikinatutuwa na magiging isang pamilya na tayo in the future," hindi maitago ang tuwa sa mukha ni Sir Keiver. Kung labis na tuwa ang makikita sa mukha nina Sir Keiver at Hillary ay hindi si Alpha Hunter na obvious na nakalarawan sa mukha ang pagkadisgusto sa sinabi ng kanyang Beta. "Hindi ka ba natutuwa na nalaman na natin kung sino ang babaeng iyon na tinutukoy sa matandang aklat, Alpha Hunter?" usisa nito kay Alpha Hunter.
Bahagya gumuhit ang isang ngiti sa mga labi ni Alpha Hunter ngunit hindi iyong klase ng ngiti na natutuwa. "Natutuwa ako na nalaman ko kung sino ang babaeng tinutukoy sa propesiya, aking Beta. Ngunit noon pa man ay sinabi ko na sa'yo na hindi ako naniniwala sa propesiyang nakasulat. Tao lamang ang sumulat ng aklat na iyon at ano ang malay ko kung sinadya talagang isulat iyon para sa araw na ito?"
Biglang tumahimik at tila nagkaroon ng tensiyon sa paligid dahil sa sinabi ni Alpha Hunter. Mabilis namang naglago ang matamis na ngiti sa mga labi ni Sir Keiver dahil sa narinig. Biglang dumilim ang mukha nito at tumalim ang mga mata sa pagkakatingin kay Alpha Hunter.
"Ano ang ibig mong palabasin, Alpha Hunter? Na gawa-gawa ko lamang ang propesiya para mapilitan kang magpakasal sa anak ko sakaling lumabas na sa kanya ang moon tattoo na tinutukoy ng matandang aklat?" galit na tanong ni Sir Keiver kay Alpha Hunter.
Ngunit tila naman hindi nakaramdam ng pag-aalala o takot ang batang alpha sa harapan ni Sir Keiver. Wala rin itong pakialam kahit nakikita nito ang paglarawan ng magkahalong sakit at pagkapahiya sa mukha ni Hillary. Tila pa nga nais nitong umiiyak ngunit pinigilan lamang nito ang sarili na mapaiyak dahil mas lalo lamang itong magiging kahiya-hiya sa harapan ng mga bisita nito.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Beta Keiver. Ngunit una pa man ay alam mo na hindi ako naniniwala sa propesiya. Dahil walang iba na magtatakda kung sino ang aking magiging Luna kundi ako lamang at sa pamamagitan ng aking wolf blood," mariing sagot ni Alpha Hunter sa kalmadong tono. Akmang lalapitan ni Sir Keiver si Alpha Hunter ngunit mabilis na hinarangan ito ng tatlong mga loyal friends ni nang huli. "At dahil ako ang magpapasya kung sino ang aking magiging Luna ay napagdesisyunan ko na buksan ang paghahanap ng aking magiging luna. Lahat ng mga babaeng may edad ng 18 to 20 years old ay maaaring sumali. Kahit sino ay puwedeng lumahok sa paghahanap ko ng aking future wife," pagbabalita ni Alpha Hunter.
"Hindi ako papayag na bully-hin mo ang anak ko, Alpha Hunter," nakakuyom ang mga kamao na wika ni Sir Keiver.
"Hindi ko binubully si Hillary, Beta Keiver. Dahil kahit siya ay maaaring lumahok din. At ano ang malay mo, ma-in love ako sa anak mo while I'm in the process of choosing my wife," sagot ni Alpha Hunter. "Inuulit ko. Lahat ng babae ay puwedeng lumahok!"
Hindi ko alam kung sinadya ba niyang tumingin sa akin o napatingin lamang siya nang hindi sinasadya? Bigla tuloy akong napalunok ng laway na tila ba nag-dry ang aking lalamunan. Bakit ba siya nakatingin sa akin? Gusto ba niyang sumali ako sa gagawin niyang paghahanap ng kanyang Luna? No way;