Alpha Hunter Pov
Naging usap-usapan ang nangyari sa birthday ni Hillary nang mga sumunod na araw. Lahat ay naniniwala na si Hillary ang babaeng nakatakda para maging aking Luna. Kung lahat sila ay naniniwala na si Hillary nga ang babaeng tinutukoy sa propesiya dahil sa paglitaw ng moon-shaped tattoo sa kanyanh noo ay hindi ako. Sa pagkakaalam ko ay mabait at mapagmahal ang aming moon goddess na siyang nagtataglay ng moon tattoo na iyon. Mahal niya hindi lamang ang mga taong-lobo kundi maging ang mga mortal. Natitiyak ko na pipili siya ng mabait at matinong babae para sa mission na iniatang niya sa mga balikat ng kung sino mang babaeng iyon. Si Hillary naman ay arogante, mapagmataas, at kayang gumawa ng hindi maganda laban sa kanyang kapwa. Kaya paano pipiliin ng aming moon goddess ang isang tulad niHillary na masama ang ugali para pagkaisahin ang lahat ng pack?
Hindi magagawa ni Hillary ang nakasulat sa propesiya. Baka nga mas lalo lamang magkagulo ang lahat ng pack kapag siya ang aking naging Luna. Nakakatawa. Kung iniisip ni Keiver na mapapaniwala niya ako sa ganoong klaseng trick ay nagkakamali siya. Natitiyak ko na may kinalaman si Urusula sa biglaang paglitaw ng moon-shaped tattoo sa noo ni Hillary. Walang may kakayahang gumawa niyon kundi ang babaeng witch lamang. Ngunit sino naman kaya ang totoong may-ari ng moon-shaped tattoo? Hindi ko naman maaaring tanungin si Keiver dahil natitiyak kong hindi siya magsasabi ng totoo. At kapag pinuntahan ko naman si Urusula sa bahay niya na nasa gitna ng gubat ay natitiyak ko rin na hindi ko na siya makikita roon. Dahil magtatago siya pagkatapos nilang ilipat sa katawan ng tunay na babaeng tinutukoy sa propesiya papunta naman sa katawan ni Hillary.
"Ano ang binabalak mo ngayon, Hunter? Natitiyak natin na hindi papayag si Beta Keiver na hindi mo pakasalan ang kanyang anak," basag ni Sami sa malalim kong pag-iisip. Katulad ng nakagawian naming gawin ay nasa mini bar kaming apat. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi kami umiinom ng alak. Pinag-uusapan lamang namin ang nagyari sa birthday ni Hillary.
"Itutuloy ko pa rin ang binabalak kong pagpili ng aking magiging Luna. Gusto kong ipakita kay Keiver na sa aming dalawa ay ako ang masusunod dahil ako ang alpha at isa ko lamang siyang Beta. At kahit ang propesiya na iyan ay hindi makakapigil sa binabalak kong gawin," buo ang loob na sagot ko sa kaibigan ko.
"Pero paano kung totoo talaga na si Hillary ang babaeng tinutukoy sa propesiya? Ano ang gagawin mo, Hunter?" tanong naman ni Asher.
"Ibig sabihin ay nagkamali ang ating moon goddess sa babaeng pinili niya na gawing instrumento para magkaisa ang lahat ng pack. At kahit siya talaga ang babaeng tinutukoy sa propesiya ay hindi pa rin magbabago ang aking isip. Itutuloy ko pa rin ang aking plano. I will defy the prophecy and prove that it was wrong," sagot ko kay Asher na biglang napatango-tango bilang pagsang-ayon sa aking mga sinabi. "Kaya ang mabuti pa ay umpisahan niyo na ang pagpapakalat ng balita tungkol sa pagpili ko ng aking magiging Luna."
"We will do it as soon as possible," sagot naman ni Ruyi na sinang-ayunan ng tatlo ko pang mga kaibigan. I felt lucky that have my real friends. Palagi silang nakasuporta sa akin at sa lahat ng aking mga nagiging desisyon. They always believed on me no matter what I said.
Zeph Pov
Ini-impake ko ang ilang mga damit ni Hillary dahil pansamantalang sa bahay ni Alpha Hunter siya titira habang nagsisimula ang paligsahan para sa magiging Luna ni Alpha Hunter. Lahat ng mga gustong sumali sa contest at nagnanais na maging Lupa ng aming alpha ay required na sa malaking bahay ni Alpha Hunter tumira habang ginagawa ang pagpipili. Pagkatapos ko namang mag-impake ng mga damit niya ay sarili kong damit naman ang iimpakihin ko dahil sa ayaw at sa gusto ko ay kasama rin niya akong titira sa bahay ni Hunter.
Sa umpisa ay ayaw pumayag ni Sir Keiver na sumali sa pagpili ni Alpha Hunter ng mapapangasawa. Masyado raw nakakainsulto at nakakawalang respeto sa kanya ang gagawing pagpili ni Hunter sa magiging Luna nito. Ngunit sa bandang huli ay napapayag din ni Hillary ang kanyang ama na sumali siya sa contest para sa pagpili ng magiging Luna ni Alpha Hunter. Naniniwala kasi si Hillary na siya pa ang mapipiling Luna dahil siya ang babaeng tinutukoy sa propesiya. Malaki naman ang tiwala ni Sir Keiver na mapapaibig ni Hillary ang mailap na naming alpha kaya pumayag na rin siya sa gusto ng kanyang anak.
"Ano? Matagal pa ba iyan, Zeph?" naiiritang tanong sa kanya sa akin ni Hillary.
"Huwag kang mag-alala at malapit na akong matapos," sagot ko sa kanya habang pigil ang aking inis. Nagmamadali pala siya ay bakit hindi siya tumulong sa pag-iimpake ng mga damit niya? Tutal siya lang naman ang excited na lumipat at tumira sa bahay ni Alpha Hunter.
"Kapag naroon na tayo sa bahay ni Hunter ay huwag kang kukupad-kupad sa pagkilos. At subukan mong akitin siya dahil talagang mapapatay kita," banta sa akin ni Hillary, Hindi ko na lamang pinansin ang huling sinabi niya dahil alam ko na hahaba pa ang usapan namin kapag binigyan ko ng pansin ang hindi magandang sinabi niyang iyon.
"Bakit kasi kailangan ko pang sumama sa'yo sa pagtira sa bahay ni Alpha Hunter? Marami naman siyang alipin sa bahay niya para magsilbi sa'yo?" inis na tanong ko kay Hillary.
"Puwede ba, Zeph? Huwag ka nang mag-inarte pa diyan. Pasalamat ka nga na isasama kita sa bahay ni Alpha Hunter. Isa ka lang alipin na omega kaya wala kang karapatang umapak sa bahay niya. Ngunit dahil lahat ng mga kasali sa pagpili ng magiging Luna ni Hunter ay may kanya-kanyang alipin na dala kaya natural lamang na isama kita," nakaangat ang kilay sabi niya sa akin. "At saka gusto ko rin ipamulat sa'yo kung anong status mo sa lipunan para hindi ka na mag-isip pang akitin si Hunter. Dahil ang isang katulad mo ay hindi nararapat sa kanya."
As if namang gusto kong manatili sa bahay ni Alpha Hunter na kasama ka. At saka, wala rin akong balak na maging Luna niya dahil hindi ako nababaliw sa kanya na tulad ninyo, sagot ko sa kanya ngunit sa isip ko lamang. Tiyak na kakalbuhin niya ako kapag marinig niya ang mga sinabi kong iyon sa aking isip
"Alam ba ng ama mo na isasama mo ako sa pagtira sa bahay ni Alpha Hunter?"
"Siyempre naman. Bilisan mo na nga para makaalis na tayo," inis na utos niya pagkatapos ay naglakad palabas sa kuwarto niya ngunit bigla siyang huminto nang tila may napansin. "Anong gamot ang ginamit mo para mabilis na gumaling ang mga sugat mo, Zeph? Last week ko pa ito gustong itanong sa'yo kaso nakakalimutan ko. Gumamit ka ba ng magic para mabilis na mawala ang mga kalmot namin sa'yo?"
Bahagya akong natigilan ngunit hindi ako nagpahata. "Wala nga akong kakayahan tumakbo ng mabilis ang magic pa kaya?" mabilis kong sagot sa kanya.
"Well, tama ka. Nakalimutan kong isa ka nga palang taong-lobo na walang silbi," nang-iinsulto ang boses na sabi niya sa akin. Pagkatapos niya akong bigyan ng nakakainsultong ngisi ay tinalikuran na niya ako para lumabas sa kanyang silid.
Napailing na lamang ako habang nakatingin sa pintuan na kanyang nilabasan. Ano kaya ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niya na mayroon na akong kakayahang manggamot na wala sa kanilang kakayahan? Tiyak na mas lalo lamang siyang magagalit sa akin dahil siya ang numero unong inggitera sa mga lahat ng mga taong-lobo na kilala ko.