Zeph Pov
Unang araw ng pagtira ni Hillary sa bahay ni Alpha Hunter at siyempre ako rin. Marami ang nagpalista para sumali sa contest ngunit sampu lamang ang ang nakapasa. At kasama na roon sina Hillary at Duffy na biglang nag-iba ang turingan sa isa't isa magmula nang malaman nang una na interesado ang kaibigan niya na maging Luna ni Alpha Hunter sa halip na suportahan na lamang siya at i-cheer. Hindi man gusto ni Hillary na pati ang kaibigan niya ay karibal niya kay Alpha Hunter ay wala siyang magagawa kundi tanggapin na magkalaban sila ngayon sa iisang lalaki.
Mula sa iba't ibang werewolf pack ang sumali ngunit hindi rin pinalad na mapasama sa top ten. Tanging si Alpha Hunter lamang ang nakakaalam kung paano ang gagawin niyang pagpili sa sampung kandidata at kung may ipagagawa ba ito sa kanila.
Para sa akin ay nagsasayang lamang ng oras at panahon ang parehong panig. Ano ba ang makukuha kapag naging Luna na ni Alpha Hunter ang isang babae? Magkakaroon ba siya ng malakas na kapangyarihan at magiging kapantay ni Alpha Hunter?
"Bakit nakatulala ang alipin ng babaeng siyang tinutukoy nga sa propesiya ngunit hindi naman tanggap ng kanilang alpha para maging asawa niya," narinig ko na kausap sa akin ng isang babae. Paglingon ko sa aking likuram ay nakita ko ang tatlong mga babaeng alipin ng mga babaeng kasali naman sa contest na nakatayo sa aking likuran habang may nakakainsultong ngiti sa kanilang mga labi. Iniisip yata nila na maaapektuhan ako kapag pinagsalitaan nila ng hindi maganda si Hillary. Hindi nila alam na wala akong pakialam kung mapili man o hindi si Hillary para para maging Luna ni Alpha Hunter.
Sa halip na pansinin ang tatlong alipin ay nagpasya akong iwan na lamang sila. Ngunit pagtapat ko sa kanila ay pinigilan ang aking magkabilang braso ng dalawang alipin habang ang isa naman ay nakangising humarap sa akin.
"Bakit ka aalis? Nasasaktan ka bang marinig na loser ang iyong kandidata?" nakangising tanong sa akin ng alipin na pumipigil sa aking kaliwang braso.
"Akala kasi ng kandidata mo na porke't lumabas sa kanyang noo ang moon-shaped tattoo na tinutukoy sa propesiya ay magiging Luna na siya ni Alpha Hunter. Ambisyosa kasi siya. Akala niya dahil anak siya ni Beta Keiver ay malugod siyang tatanggaping ni Alpha para magingbasawa niya. Poor Hillary," sabi naman sa akin ng isa pang alipin na nakahawak naman sa aking kanang braso.
Bahagya akong napaismid sa mga sinabi nila. "Para kayong mga palaka. Kokak ng kokak. Inutusan ba kayo ng mga kandidata ninyo para mam-bully at mang-intimidate ng mga alipin ng ibang kandidata? Para ano? Para umatras ang mabu-bully ninyong kandidata? Mga baliw ba kayo? Sa tingin ninyo ay aatras ang kandidata kapag nambully kayo ng isang hamak na alipin nila? At sa tingin niyo ba ay may pakialam ako kung mapili man o hindi si Hillary bilang Luna ni Alpha Hunter?"
"Ang dami mong satsat!" inis na sabi sa akin ng alipin na nasa harapan ko. "Hindi kami inutusan ng mga kandidata namin na mambully ng kapwa namin alipin. Gusto lang namin bully-hin ka? Balita kasi namin ay isa ka ngang taong-lobo pero para ka namang normal na tao. At tama nga ang narinig namin tungkol sa'yo. Para ka lamang normal na tao dahil hindi mo man lang kayang ipagtanggol aang sarili mo laban sa amin," nakangising sabi pa niya sa akin.
"At saka nakakainis kang kumilos. Isa ka lang alipin na katulad namin at wala ka pang taglay na kapangyarihan at lalong-lalo nang isang kang omega pero kung umasta ka ay parang hindi alipin," dugtong naman ng aliping nasa aking kanan.
"Napakababaw at unreasonable ng dahilan ninyo para manakit ng kauri ninyo," mariing wika ko sa kanila. Hindi ko maintindihan kung bakit may mga ganitong klaseng tao mag-isip. "Pakawalan niyo ako," pinilit kong makakawala ngunit mahigpit ang pagkakahawak nila sa aking mga braso kaya kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi ako makakawala sa kanila.
"What are you doing?!" mariin at galit na wika ng isang lalaki. Sabay-sabay kaming napatingin sa lalaking nagsalita. Ganoon na lamang ang pamumutla ng tatlong alipin nang makita nila ang naniningkit na mata ni Alpha Hunter na siya palang nagsalita. "Sino ang nagsabi sa inyo na maaari ninyong bully-hin ang kahit alipin ng aking pack?"
"A-Alpha H-Hunter, hindi namin siya b-binu-bully. I-Ipinagtatanggol lamang namin ang aming mga sarili laban sa kanya," kahit nauutal sa takot ay nagawa pang magsinungaling ng alipin na nasa harapan ko matapos senyasan ang dalawang kasamahang alipin na bitiwan ako.
"T-Tama po si Solaji, A-Alpha H-Hunter. Pinagsalitaan kami ng hindi maganda ng omegang ito kaya hindi kami nakapagpigil at ninais namin siyang saktan," pagsisinungaling naman ng isa.
"Alam ninyo na wala akong kakayahan katulad ng normal na taong-lobo kaya sa tingin ninyo ay magagawa ko pang mambully ng iba? Kung gagawa lamang kayo ng kasinungalingan ay iyong makatotohanan naman," pagtatanggol ko sa aking sarili. Kung sila ay natatakot nang makita si Alpha Hunter kabaliktaran naman ako. Hindi ko alam kung bakit ngunit hindi ako nakakaramdam ng takot sa kanya. Pakiramdam ko ay hindi naman niya ako sasaktan. Hindi naman kasi siya unreasonable katulad ng iba kalahi namin.
"Huwag ninyo akong gawing tanga. Sa ngayon ay patatawarin ko kayo ngunit kapag inulit niyo pa ang magtangkang manakit sa kahit na sinong miyembro ng aking pack ay hindi niyo magugustuhan ang aking gagawin," maring banta ni Alpha Hunter sa tatlong alipin na biglang napaluhod sa takot.
"Hindi na po mauulit, Alpha Hunter," hintakot na sabi ng tatlong alipin.
"Ano pa ang hinihintay ninyo? Umalis na kayo sa harapan ko kung ayaw ninyong parusahan ko kayo!"
Kilala ng tatlo kung paano magalit at magparusa si Alpha Hunter kaya dali-dali silang tumayo at nagmamadaling tumakbo palayo sa amin.
Nang wala na ang tatlong alipin ay nakangiwing tiningnan ko ang aking mga brasong namumula dahil sa higpit ng pagkakahawak ng dalawang alipin kanina. Hindi ko alam kung bakit sila naiinis sa akin gayong wala naman akong ginagawang masama sa kanila.
"Maraming salamat sa pagdating mo, Alpha Hunter. Kung hindi ka dumating ay baka kung ano na ang ginawa ng tatlong iyon sa akin," seryoso ang mukha na pasasalamat ko sa kanya.
"Hindi ako dumating para tulungan ang isang mababang uri ng alipin na katulad mo. Napadaan lamang ako rito at eksaktong nakita ko ang ginagawa nila sa'yo," seryoso rin ang mukha na sagot sa akin ni Alpha Hunter.
Hindi ko napigilan ang mapasimangot nang marinig ko ang sinabi niya. Akala ko ay hindi siya katulad ng ibang taong-lobo na nangde-descriminate ng mga katulad ko ngunit nagkamali pala ako. Dahil wala pala siyang ipinagkaiba sa kanila.
"Hindi rin naman ako nagpapasalamat dahil tinulungan mo ako kundi nagpapasalamat lamang ako dahil dumating ka. Kahit na hindi mo sinasadya at wala kang intensiyon na tulungan ako ay natulungan mo pa rin ako laban sa tatlong iyon, Alpha Hunter," hindi ko napigilan na lagyan ng inis ang aking boses nang muli akong magsalita. Kailan kaya ako makakahanap ng taong hindi tumitingin sa aking pinagmulan? Na parang kapantay lamang nila ang tingin niya sa akin.
"Alam ko na kung bakit sila naiinis sa'yo kahit wala ka namang ginagawang masama sa kanila. Dahil sa pagiging matalas ng dila mo. Hindi ka natatakot kahit sino pa ang kaharap mo. Hindi ka rin ba natatakot na posibleng parusahan kita dahil sa pagsagot-sagot mo sa akin?"
"Parusahan mo ako kung gusto mo, Alpha Hunter. Wala naman akong magagawa kpag pinarusahan mo ako dahil wala naman kakayahan para ipagtanggol ang aking sarili," matapang ang loob na sagot ko sa kanya. Hindi siya kumibo sa halip ay nanatiling nakatingin lamang siya sa akin. Nang hindi pa rin siya nagsasalita ay muli akong nagsalita. "Kung hindi mo ako parurusahan ay aalis na ako at baka hinahanap na ako ni Hillary," hindi ko na hinintay ang kanyang kasugatan at mabilis ko na siyang tinalikuran.
"I'm still talking to you, Zeph!" narinig kong galit na kausap sa akin ni Alpha Hunter ngunit hindi ko siya pinansin. Deretso lamang akong naglakad palayo sa kanya. Kapag ginusto niya akong parusahan ay mahahabol niya ako. Ngunit nakalayo na ako sa kanya ay hindi naman niya ako hinabol.
"Baliw ka talaga, Zeph. Paano kung pinarusahan ka nga ni Alpha Hunter? Ang lakas ng loob mong sagot-sagutin siya," sermon ko sa aking sarili. Siguro nga ay nakakainis ako para sa ibang tao. At ngayon ay mas nadagdagan pa ang mga taong-lobo na naiinis sa akin. At kasama sa nadagdag si Alpha Hunter.
Hunter Pov
Hindi ako makapaniwala habang sinusundan ko ng tingin ang papalayong omega. Sa lahat ng mga taong-lobo maliban kay Beta Keiver ay tanging siya lamang ang tila hindi natatakot sa akin. Soya pa na isang alipin lamang at isang omega? Sa halip na galit ay pagka-amazed ang naramdaman ko. Bihira lamang ako makatagpo ng isang katulad niya na hindi natatakot sa akin kahit pa alam niya na isa akong alpha.
"Whoa! I admired that woman, Alpha Hunter. She's weak but brave. Minsan kang ako makakita ng taong hindi natatakot na kausap ka," hindi napigilang komento ni Ruyi nang lapitan niya ako kasama sina Sami at Asher. Lahat sila ay nakangiti at pagkaaliw ang nakalarawan sa mukha.
"I agree with you, Ruyi," mabilis na sang-ayon ni Asher. "Iyong tatlong alipin kanina na nambubully sa kanya ay halos manginig ang katawan sa takot habang kausap si Hunter ngunit si Zeph ay hindi ko man lang kinakitaan ng takot sa ating alpha."
"I don't know why but there's something in her that makes those ladies annoyed. Authority? Something like that," wika naman ni Sami.
Hindi ako nakakibo sa kanilang mga sinabi. Lahat sila ay tama. At hindi lamang pala ako ang nakaramdam na tila may kakaiba kay Zeph na hindi ko rin maipaliwanag. At iyon ang humihila sa akinsa akin para pagtuunanan ko siya ng pansin kahit na isa lamang siyang hamak na alipin.