Chapter 18

1230 Words
Zeph Pov Nag-umpisa na first round sa contest para sa pagpili ng magiging Luna ni Alpha Hunter. Ipinag-utos niya na kung sino man ang unang anim na makakakuha ng prutas na Amanpulo at makakapagdala sa kanya ay siyang pasok sa second round. Mahirap ang pinapagawa ni Alpha Hunter dahil sa pagkakaalam ko ay nasa gitna ng gubat ang iilan lamang na puno ng Amanpulo. Saka delikado sa gitna ng gubat dahil maraming mababangis na hayop. Oo nga't may dugong hayop din kami dahil mga taong-lobo kami ngunit nasa katawan kami ng tao kaya sakaling may makasagupa kaming mabangis na hayop ay tiyak na manganganib ang buhay namin. Ang mga taong-lobo na kagaya namin ay kaya lamang magpalit ng anyo kapag sumasapit ang fullmoon. Nakalimutan ko. Hindi nga pala ako kasali sa mga taong-lobo na kayang magpalit ng anyo at maging lobo dahil kahit kailan ay hindi pa ako nakakapag-shift ang anyo. Kaya hanggang ngayon ay pinagtatawanan nila ako at minamaliit. "Bilisan mo nga ang paglalakad, Zeph! Bakit ba ang kupad mong maglakad? Kapag nahuli ako at hindi makakuha ng bunga ng Amanpulo ay mananagot ka sa akin. Papatayin kita sa paglatigo. Tandaan mo iyan," galit na banta sa akin ni Hillary. Hindi naman kasi kailangan kasama kaming mga alipin dahil hindi naman kami ang nakikipaglaban para maging Luna pero isinama pa nila kaming mga alipin. Siguro kaya nila kami isinama para may maipakain sila sa mga mababangis na hayop sakaling may umatake sa amin. "Ilang beses na nga akong muntikang madapa dahil sa pagmamadali kaya ano pa bang klaseng pagmamadali ang hinahanap mo, Hillary?" sagot ko sa kanya na may kalakip na inis sa aking tono. Masakit sa balat ang matatalas na damo na humihiwa ng maliliit sa aking balat ngunit pilit ko itong iniignora. Kapag pinansin ko pa iyon ay tiyak na mas lalo lamang akong magiging mabagal sa paglalakad. "Bilisan mo ang paglalakad para mauna tayong makahanap ng Amanpulo. Ayokong maunahan pa ako ng mga ambisyosang babaeng iyon. Kung iniisip nila na isa sa kanila ang magiging Luna ni Alpha Hunter ay nagkakamali sila. Dahil hindi ako papayag na matalo nila," mariin ang boses na sabi sa akin ni Hillary. Napailing na lamang ako sa pagiging obssessed niya na maging Luna ni Alpha Hunter. Para sa akin ay wala na siyang dapat pang ipag-alala dahil siya ang magiging asawa ng aming alpha. Siya ang babaeng tinutukoy sa propesiya kaya kahit anong gawin ni Alpha Hunter ay mangyayari pa rin kung ano ang dapat na mangyari. Gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana para si Hillary ang maging Luna ni Alpha Hunter para matupad ang nakasulat sa propesiya. Sa pagkakaalam ko ay wala pang nakasulat sa aklat ng propesiya na hindi pa natutupad. Kaya magiging Luna ni Alpha Hunter si Hillary sa ayaw at gusto nito. Ilang oras din ang nilakad namin bago kami nakarating sa gitna ng kagubatan. Kakaiba kasi ang kagubatang ito. Parang may kung anong hiwaga na bumabalot sa kapaligiran dahil kahit sinong makapangyarihan nilalang ay tila nagiging normal na tao kapag nasa loob ng gubat na ito. Kaya gustuhin man ng mga kandidata na gamitin ang kanya-kanyang abilities ay hindi nila magagawa iyon sa loob ng gubat na ito. Ngunit biglang naisip ko kung pati ba ang kakayahan kong manggamot ay wala ring bisa sa loob ng gubat na ito? "Tingnan mo ang prutas na iyon, Hillary! Kakaiba ang kulay nito. Parang gintong kumikinang. Iyan ba ang prutas na amanpulo?" tanong ko kay Hillary nang makita ko ang prutas na kasin-laki ng mansanas at tila nababalutan ng gintong kumikinang. Medyo may kataasan ang puno at nakakatakot akyatin. Mabuti na lamang at hindi ako ang aakyat dahil ang sabi ni Alpha Hunter na kailangan ang kandidata ang pipitas mismo ng bunga sa puno. "Oo. Iyan na nga!" natutuwang bulalas ni Hillary nang makita ang itinuro ko sa kanyang prutas. "Ano pa ang hinihintay mo diyan, Zeph? Umakyat ka na sa puno at pitasin mo ang bunga. Bilisan mo dahil baka maabutan pa tayo ng iba ay maunahan pa tayong makuha ang amanpulo," utos sa akin ni Hillary. Nagpalingon-lingon pa ito sa paligid para makasigurado na walang makakakita sakaling akyatin ko ang puno. "Hindi ba mahigpit na iniutos ni Alpha Hunter na ang kandidata ang dapat na pumitas ng bunga at hindi ang kanyang alipin? Tiyak na magagalit siya kapag nalaman niyang hindi natin sinunod ang ipinag-uutos niya," tutol ko sa utos naman ni Hillary sa akin. Inis sa akin ngayon si Alpha Hunter at ayokong madagdagan pa ang inis niya kapag nalaman niyang sinuway namin siya. And beside, takot akong umakyat sa matataas na puno. At si Hillary ang gusto na maging Luna ni Alpha Hunter kaya bakit ako ang magpapakahirap na pitasin ang prutas na iyon? "Tanga ka ba, Zeph?! Walang ibang narito kundi tayong dalawa lamang kaya paano nila malalaman na ikaw ang pumitas ng prutas at hindi ako? Bakit? May balak ka bang isumbong ako kay Alpha Hunter?" nandidilat ang mga matang wika niya sa akin. "Ito ang ipinag-utos ni Alpha Hunter na gawin ninyong mga kandidata kaya natitiyak ko na may mga matang lihim na nagmamasud sa atin mula sa malayo. Natitiyak kong may mga tauhan si Alpha Hunter na nandito sa loob ng gubat at nagtatago lamang para alamin kung ginawa niyo ba ang ipinag-uutos niya. Gusto mo bang makarating sa kanya na ang alipin mo ang kumuha ng prutas para sa'yo? Tiyak na mababawasan ang points mo kapag mangyari iyon," pananakot ko kay Hillary. Kaso hindi tumalab sa kanya ang pananakot ko. Tiningnan nitong mabuti ang paligid at pinakiramdaman kung may ibang tao ba sa paligid maliban sa amin? At nang makasigurong wala ay muli niya akong inutusan. "Walang ibang tao rito kundi tayo lamang, Zeph. At natitiyak ko na hindi mo ako isusumbong dahil hindi mo gugustuhin parusahan ulit ng aking ama," matalim ang mga matang sabi niya sa akin. Napahugot na lamang ako ng buntong-hininga. Wala akong magagawa kundi ang sundin ang kanyang kagustuhan dahil alipin lamang niya ako. Naglakad ako palapit sa puno ng amanpulo at pilit kong sinubukang umakyat. Dahil hindi ako marunong umakyat ng puno kaya nakailang ulit akong sumubok na umayat bago ako nagtagumpay na makaakyat. Nanginginig ang tuhod ko sa takot. Hindi rin ako sumusulyap aa ibaba dahil natatakot akong mahilo kapag nakita ko kung gaano kataas ang kimalalagyan ko. Napangiti ako nang sa wakas ay nagawa kong pitasin ang amanpulo. Nasa kamay ko na ang prutas nang biglang nanlaki ang mga mata ko dahil may isang mahabang ahas na halos kasin-laki lamang ng aking thumb ang nakita kong nakatunghay sa akin habang nakalabas ang dila. Kasabay ng pagtuklaw niya sa aking kanang kamay ay ang malakas kong sigaw at pagbitiw sa hinahawakan kong sanga. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata nang bigla ajong mahulog. Ngunit ang inaasahan kong matigas na lupa na sasalo sa aking malambot na katawan ay hindi nangyari. Dahil sa halip na sa matigas na lupa ako bumagsak ay sa matitipunong mga braso ni Alpha Hunter ako bumagsak. "A-Alpha Hunter? Ano ng ginagawa mo rito?" nagtataka kong tanong sa kanya habang nakakapit sa kanyang leeg ang dalawa kong mga braso. Nakita kong bumuka ang bibig niya at nagsalita siya ngunit hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko marinig ang kanyang sinasabi. Pagkatapos ay biglang nagdilim ang aking paningin at nawalan ako ng malay sa kanyang mga bisig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD