Chapter 19

1104 Words
Hunter Pov Maingat na inilapag ko sa ibabaw ng kama ang walang malay na si Zeph. Nawalan siya ng malay hindi dahil sa takot sa kanyang pagkakahulog mula sa mataas na puno kundi dahil sa tuklaw ng ahas na Venomous. Ang ahas na iyon ang bantay sa prutas ng amanpulo. Naiiba ang ahas na ito dahil masyadong mahaba at mabilis itong kumilos. Nakita ni Zeph ang mahabang dila ng ahas ngunit natitiyak ko na hindi niya nakita at naramdaman na tinuklaw siya nito. Isa pa iyon sa katangian ng ahas na Venomous. Sa sobrang bilis ng galaw nito ay hindi nararamdaman ng tao na nakagat na pala ito ng ahas. Masyadong makamandag ang ahas na ito. Ngunit mabuti na lamang na ang juice ng prutas na amanpulo ay antidote sa kagat ng Venomous. Sa mga puno ng amanpulo lamang nakatira ang mga Venomous at naglalabas ang kanilang katawan ng kamandang na sinisipsip naman ng puno na napupunta naman sa bunga. Kaya mapanganib din ang prutas na ito at nakamamatay sa kapag nakain ng kahit na sino. Ngunit nagsisilbi naman itong antidote sa taong nakagat ng Venomous. "I-extract mo ang juice ng amanpulo at pakuluan mo ng halos isang minuto pagkatapos ay agad mong dalhin dito," utos ko sa manggagamot na ipinatawag ko kay Sami. "Masusunod, Alpha Hunter," sagot ng babaeng manggagamot pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng silid ni Zeph sa aking bahay at dala sa kamay ang dalawang bunga ng amanpulo. "Bakit ka ba tila alalang-alala sa babaeng iyan, Alpha Hunter? Isa lamang naman siyang alipin ko at walang halaga ang kanyang buhay. Kaya mamatay man siya ay hindi kawalan sa buhay natin. Sinasayang mo lamang ang oras mo sa babaeng iyan," hindi maitago ang inis sa boses ni Hillary nang magsalita siya. Tinitigan ko siya ng masama. Bago sila umalis ay mahigpit kong ipinagbawal sa kanila na ang tanging ang kandidata lamang ang maaring pumitas ng prutas at hindi ang kanilang mga alipin. Ngunit ito ay sinuway ni Hillary. Kaya may rason na ako ngayon na alisin siya sa mga pinagpipilian kong kandidata para maging aking luna. Ang purpose ko kung bakit ko inutusan ang mga kandita na pitasin ang pritas ng amanpulo kahit na sobrang delikado ito ay para malaman ko kung sino sa kanila ang matapang ang loob na susunod sa ipinag-uutos ko sa kanila. Dahil ang aking magiging luna ay dapat na matapang. At gusto ko rin malaman kung sino sa kanila ang may pagpapahalaga sa buhay ng kanilang mga alipin. Gusto ko kasi na may pagpapahalaga sa buhay ng kahit na sino, maging ordinaryong tao man sila o taong-lobo ang aking magiging luna. At lahat ng nais kong makita sa aking magiging luna ay hindi ko nahanap kay Hillary. Alam ko na lahat ng mga kandidata ay alam kung gaano kamapanganib ang pagkuha ng prutas ng amanpulo dahil imposibleng hindi sila naabisuhan ng kanilang mga magulang. At sa tingin ko ay mukhang tanging si Zeph lang yata ang walang alam sa panganib na kanyang kakaharapin habang sinusubukan niyang pitasin ang prutas. Dahil kung alam nito kung gaano kamapanganib ang pag-akyat sa puno at papitas ng amanpulo ay natitiyak ko na hindi niya basta na lamang pinitas ang prutas nang hindi sinisiguradong ligtas siya. "Hindi ba mahigpit kong ipinag-utos sa inyo na kayo ang dapat na pumitas ng bunga at hindi ang inyong mga alipin? Isang simpleng instruction lamang iyan ngunit hindi mo pa nagawang sundin, Hillary. Paano pa kaya kapag naging luna na kita? Baka sa halip na ako ng alpha ay ikaw ang mag-astang alpha ng ating pack," madilim ang mukha na sagot ko kay Hillary. "It's not a big deal, Alpha Hunter. Alam ko na mapanganib ang pagpitas ng prutas ng amanpulo kaya nga ang aking alipin ang inutusan kong pumitas ng prutas para sa akin. Mamatay man siya ay walang malulungkot at magagalit dahil isa lamang siyang omega at alipin pa. Hindi katulad ko. Kapag ako ang nakagat ng Venomous ay magkakaroon ka pa ng problema. Dahil kailangan mo pang ipaliwanag sa aking ama kung bakit ako nakagat ng ahas," nakataas ang noo na sagot sa akin ni Hillary. Dahil sa kanyang sinabi ay lalo ko lamang napatunayan na hindi siya karapat-dapat na maging luna ko. Hindi ko alam kung paano nangyari at sa katawan niya lumabas ang moon-shaped tattoo na tinutukoy sa prophecy. Ngunit isa lamang ang natitiyak ko sa mga sandaling ito. Hindi siya ang tunay na nagmamay-ari ng moon-shaped tattoo na iyon kundi ibang tao. Dahan-dahan akong lumapit kay Hillary pagkatapos ay pabiglang hinawakan ko siya ng mahigpit sa leeg. Nagkakawag ito at pilit na inaalis ang aking kamay na mahigpit na nakasakal sa kanyang leeg. "At bakit ko naman kailangang magpaliwanag sa iyong ama? Mukhang alpha ang tingin mo sa'yong ama at hindi isang Beta? At para sabihin ko sa'yo, hindi ako natatakot sa amo mo," madiin ang boses na sabi ko sa kanya. Pagkatapos ay saka ko pala lamang binitiwan ang kanyang leeg na biglang namula dahil sa mahigpit kong pagkakahawak. "Umalis ka na, Hillary. Bumagsak ka sa ipinagagawa ko sa'yo kaya wala ka ng chance para maging luna ko," malamig ang boses na pagtataboy ko sa kanya. "Tinanggal mo ako sa contest dahil sa isang alipin? Hindi ko iyan matatanggap!" galit na sigaw ni Hillary habang hinihimas-himas ng kamay ang kanyang leeg. "Narinig mo ba ang sinabi ko kung bakit tanggal ka na sa contest, Hillar? Hindi mo sinunod ang aking utos. Iyan ang dahilan kung bakit wala ka nang pagkakataon na maging aking luna at hindi dahil sa nangyari sa alipin mo," matalas ang tingin na sabi ko sa kanya. Kapag inamin ko na tama ang kanyang sinabi ay tiyak na lalo lamang nilang pahihirapan si Zeph. At ewan kung bakit nagkaroon akong bigla ng pagnanais na protektahan ang wala pa ring malay na dalaga. "Ako ang nakatakdang maging luna mo, Alpha Hunter. Ako ang pinili ng moon goddess para maging asawa mo at wala kang magagawa. Kaya alisan mo man ako ngayon ng pagkakataon na maging luna ay natitiyak ko na gagawa ng paraan ang tadhana para ako ang iyong maging luna," confident sa sarili na sagot ni Hillary. Kahit na talunan ito ay ayaw pa rin nitong aminin at ipakita sa lahat na sa unang round pa lamang ng contest ay tanggal na agad ito. "Really? Well, let's just wait kung anong klaseng paraan ang gagawin ng tadhana para muli tayong magtagpo," naghahamon ang boses na sabi ko kay Hillary. Hindi na nagsalita pa siya sa halip ay tinapunan nito ng masama ang nakahigang si Zeph bago walang paalam na tumalikod at lumabas sa kuwarto ni Zeph.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD