Chapter 20

1139 Words
Beta Keiver Pov Kasalukuyan akong naghahapunan nang biglang dumating ang anak ko na umiiyak. Agad akong napatayo sa aking kinauupuan at nilapitan si Hillary para alamin kung ano ang dahilan ng kanyang pag-iyak at kung bakit umuwi siya sa bahay gayong hindi pa naman tapos ang contest sa pagpili ng magiging luna ni Alpha Hunter. "Ano ang nangyari, Hillary? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Sa halip na sumagot ay bigla siyang yumakap sa akin at umiyak sa aking dibdib. Hinayaan ko munang palipasin ang bigat ng kanyang dibdib. Sasabihin din naman niya sa akin ang dahilan kung bakit siya umiyak kapag kalmado na siya. Nang humupa na ang nararamdaman ni Hillary ay kusa siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin. "Tinanggal ako ni Alpha Hunter sa mga candidate, Dad. Hindi raw kasi ako nakapasa sa kanyang pagsubok," pagsusumbong niya sa akin. "Buwisit kasi ang Zeph na iyon! Dahil sa kanya ay hindi tuloy ako nakapasa." galit na sumbong pa niya sa akin. Nakaramdam ako ng galit nang marinig ko ang sinabi ng anak ko. Mahigpit ko siyang hinawakan sa kanyang braso at inalog ng malakas. "Ano ang ginawa mo at tinanggal ka ni Alpha Hunter sa selection? Hindi mo ba alam kung gaano kahalaga sa akin ang selection na ito?" nanlilisik ang mga matang tanong ko kay Hillary sa Ang maging asawa ni Alpha Hunter si Hillary ang pangalawang steps ko para makamit ko ang aking minimithi. Kaya hindi ako papayag na hindi ang anak ko ang kanyang mapangasawa. "You're hurting me, Dad," reklamo ni Hillary habang nakangiwi. Nasa mukha nito na nabigla ito sa aking ginawa. Ito pa lang kasi ang unang beses na nasaktan ko siya. "I'm sorry," sabi ko sa kanya nang tila mahimasmasan ako. "Ano ba kasi ang nangyari at inalis ka ni Alpha Hunter sa selection?" Hinimas muna ni Hillary ang nasaktang braso bago ako sinagot. "Si Zeph kasi ang pinaakyat ko sa puno ng amanpulo para pumitas ng bunga kaso ang tanga-tanga niya. Hindi niya nakita ang Venomous sa harapan niya kaya natuklaw siya. Nakita ni Alpha Hunter ang nangyari kaya nagalit siya sa akin. Iyon ang dahilan kung bakit niya ako inalis bilang kandidata sa pagiging luna niya," pagsasalaysay ni Hillary sa nangyari. Napakuyom ang aking mga kamao. Gusto ko mang sisihin ang anak ko sa nangyari ay walang mangyayari. Kaya sa halip na sisihin ko siya ay mas mabuting mag-isip na lamang ako ng paraan kung paano siya maibabalik sa contest. "Kailangang makausap natin si Zeph. Kailangang aminin niya na kusa siyang nagboluntaryo na umakyat sa puno at hindi mo siya inutusan. Kapag inamin niya kay Alpha Hunter ang bagay na iyon ay no choice siya kundi ang ibalik ka sa contest," sabi ko kay Hillary. Biglang nagliwanag ang mukha ng anak ko nang marinig niya ang aking sinabi. Muling nagkaroon ng pag-asa ang mukha niya. "Pero wala pa siyang malay hanggang ngayon, Dad. At saka paano kung sabihin niya na inutusan ko talaga siyang umakyat sa puno?" may pag-aala sa boses na tanong ni Hillary. "Kapag inamin niya ang totoo ay hindi na siya aabutan pa ng kinabukasan," naniningkit ang mga matang sagot sa kanya. "At kapag nakabalik ka na sa contest ay mag-iingat ka na sa susunod. Kahit ikaw ang itinakdang maging Luna ni Alpha Hunter ay hindi natin alam kung ano ang binabalak niyang gawin para kontrahin ang nakasulat sa propesiya." "Yes, Dad. Mag-iingat na ako sa susunod. Hindi ko na hahayaang makahanap pa ng dahilan si Alpha Hunter para muli akong alisin sa contest," pangako ni Hillary sa akin. Zeph Pov Pabigla ang ginawa kong pagmulat ng aking mga mata nang pagbalikan na ako ng malay. Agad kong napansin na nasa loob na ako ng inookupa kong silid sa bahay ni Alpha Hunter. Siguradong siya ang nagdala sa akin pabalik sa bahay niya. Bigla kong naisip si Hillary. Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Hindi sinunod ni Hillary ang ipinag-uutos ng aming alpha kaya natitiyak ko na parurusahan siya nito. Ngunit kaya bang parusahan ni Alpha Hunter ang anak ng kanyang Beta? Bumangon ako sa kama at nagtungo muna sa banyo para magmumog ng tubig. Para kasing ang pait ng aking panlasa na tila ba umiinom ako ng mapait na inumin. Pagkatapos kong magmumog at maghilamos ay lumabas ako ng aking silid para hanapin si Hillary. Natitiyak ko na galit na galit siya sa akin ngayon. Ang tahimik ang bahay ni Alpha Hunter. Siguro hindi pa nagsipagdatingan ang mga kandidata mula sa gubat. Ang mga alipin naman niya ay busy sa kani-kanilang gawain kaya hindi ko na lamang inabala pa. Lumabas na lamang ako ng bahay dahil baka naroon sa labas si Alpha Hunter. Eksaktong paglabas ko ay bigla na lamang may tumangay sa akin na malakas na hangin. Mahilo-hilo ako nang tumigil ang hangin at ibinaba ako sa damuhan medyo malayo sa bahay ni Alpha Hunter. "Sino ka? Bakit mo ako dinala rito? Ano ang kailangan mo sa akin?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. Isang lalaking taong-lobo pala ang tumangay sa akin. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin. Ngunit nang humarap siya sa akin ay nanlaki ang mga mata ko nang makilala kong si Sir Keiver pala siya. "Sir Keiver, bakit mo ako dinala rito? Ano ang kailangan mo sa akin?" kinakabahan kong tanong sa kanya. Natitiyak ko na may kinalaman kay Hillary ang dahilan kung bakit niya ako tinangay at inilayo sa bahay ni Alpha Hunter. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa sa aking sadya, Zeph. Gusto kong aminin mo kay Alpha Hunter na nagboluntaryo kang umakyat sa puno para kunin ang prutas ng amanpulo at hindi ka inutusan ni Hillary. Kapag narinig niya mula sa'yo ang mga salitang iyan ay natitiyak ko na ibabalik niya si Hillary sa selection ng kanyang magiging luna," mariing utos sa akin ni Sir Keiver. "Ano ang ibig mong sabihin, Sir Keiver? Inalis ni Alpha Hunter si Hillary sa contest?" naguguluhan kong tanong sa kanya. "Oo. At dahil iyan sa'yo. Kaya kung gusto mo pang magtagal ang buhay mo ay sundin mo na lamang ang ipinag-uutos ko at wala nang marami pang tanong. Maliwanag?" "Opo, Sir Keiver. Gagawin ko ang ipinag-uutos mo," mabilis kong sagot. Natitiyak ko kasi na papatayin niya ako sakaling hindi ko sundin ang ipinag-uutos niya. Kaya labag man sa kalooban ko ang gustong ipagawa sa akin ni Sir Keiver ay wala akong magagawa kundi ang sundin siya. Hindi ko naman kasi akalain na ang parusang ibibigay ni Alpha Hunter sa kandidata na lalabag sa kanyang ipinag-uutos ay ang pag-aalis mismo sa pangalan ng kandidata sa selection ng magiging luna niya. At malas si Hillary dahil nilabag niya ang ipinag-uutos ni Alpha Hunter kaya nararapat lamang na parusahan siya. Ngunit may ama si Hillary na gagawin ang lahat masunod lamang ang kagustuhan niya kaya wala itong dapat na ipag-alala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD