Chapter 7

1140 Words
Zeph Pov Masakit man ang aking katawan dahil sa mga latay ng latigo ni Sir Keiver ay wala akong choice kundi ang sundin ang kanyang ipinag-uutos. Inutusan niya akong dalhin sa kaibigan nitong si Amy ang isang bote ng pabango. Nakakatakot pa naman ang daan papunta sa bahay nina Amy dahil nasa loob ng masukal na kagubatan ang kanilang malaking bahay. May isa pang daan papunta sa bahay nina Amy na hindi dadaan sa masukal na kagubatan ngunit malayo naman iyon sa bahay nina Sir Keiver. Masyado na akong aabutan ng dilim kung iyon ang pipiliin ko. Kaya kahit na nakakatakot ang daanan na masukal ay iyon ang aking pinili dahil mas malapit iyon. Kung lumabas na sana ang aking kakayahan bilang taong-lobo ay mabilis sana akong makakarating sa bahay nina Amy. Kaso para lamang normal na tao ang aking lakas at ewan kung may kakayahan nga ba ako ng isang taong-lobo at hindi pa lamang lumalabas o sadyang wala talaga akong abilities katulad nila. Gusto ko sanang tanggihan si Hillary at sabihin sa kanya na bukas na lamang niya ibigay ang pabango dahil magkikita naman sila sa school ngunit sinarili ko na lamang iyon. Magmula kasi nang magpunta kanina sa bahay nila si Alpha Hunter ay hindi na naalis ang matalim niyang tingin sa akin kaya nag-aalala ako na baka kapag tinanggihan ko siya ay saktan na naman niya ako. Para hindi ako gaanong abutan ng dilim ay mas binilisan ko pa ang paglalakad. Wala na kasing mga tricycle na pumapayag bumiyahe papunta sa lugar nina Amy kapag ganitong oras dahil tiyak na aabutan na ng dilim pabalik. At natatakot ang mga tao sa masukal na daanan kaya no choice ako kundi ang maglakad na lamang. Naninirahan ang mga taong-lobo kasama ang mga normal na tao sa makabagong mundong ito. Ngunit kapag nalaman ng isang tao na taong-lobo ang kanyang kausap o makakasalubong sa daan ay bigla silang umiiwas dahil sa takot at pangamba. Ngunit hindi ko sila masisisi kung bakit sila natatakot sa aming mga taong-lobo. Dahil may mga taong-lobo na nananakit ng mga normal na tao lalo na kung ito ay kanilang napagtripan. Pero hindi katulad sa kanila ang aming pack. Dahil mahigpit na ipinagbawal ni Alpha Hunter ang pag-atake at pananakit sa mga tao ng lahat ng miyembro ng Golden Wolf pack. At kung sino man ang susuway ay mabigat at nakakatakot ang parusa na ibinibigay ni Alpha Hunter. May mangilan-ngilan ang hindi sumunod at lahat sila ay kaanib ng mga taga-north council. Ngunit kahit saan pang council sila kapanalig ay hindi pa rin sila nakakaligtas sa malupit na parusa ni Alpha Hunter. Ngunit kapag ang mga tao naman ang nanakit sa aming mga taong-lobo ay hindi rin hinahayaan ng aming alpha na hindi managot ang taong iyon. Kaya hindi lamang siya kinatatakutan ng mga katulad kong taong-lobo kundi maging ng mga tao rin dahil isa siyang malupit na alpha. Ngunit para sa akin ay tama lamang ang ginagawa niya dahil para ito sa ikakatahimik ng lahat. Nakaramdam ako ng takot nang lumaganap na ang dilim ngunit nasa kalagitnaan pa lamang ako ng masukal na daan papunta sa bahay nina Amy. Walang street lights sa dinaraanan ko at tanging ang liwanag na nagmumula sa bilog na buwan ang tumatanglaw sa nilalakaran ko. Ngunit minsan ay dumidilim kapag natatakpan ng maitim na ulap ang buwan kaya mas lalo lamang akong nakakaramdam ng takot. "Relax, Zeph. Huwag kang mag-alala. Makakarating ka sa bahay nina Amy nang ligtas," kausap ko sa aking sarili habang naglalakad ng mabilis sa masukal na daan. Nang biglang pumailanoang sa ere ang malakas na alulong ng isang taong-lobo ay lalo akong nakaramdam ng takot. "Huwag kang matakot, Zeph. Taong-lobo lamang iyon na nagkakasiyahan. At saka bakit ka matatakot? Hindi ba't isa ka rin namang taong-lobo na gaya nila?" pagbibigay ko ng lakas ng loob sa aking sarili. Ngunit kahit anong sabihin ko sa aking sarili para hindi ako matakot ay wala pa rin kuwenta dahil pinagpapawisan na ako ng malamig sa takot. May mga taong-lobo kasi na umaatake sa mga kapwa nila taong-lobo. Sila ang mga taong-lobo na mula sa masasamang pack tulad ng Dust Wolf Pack. Kasiyahan nila ang makapanakit ng mga kapwa-taong lobo. Dahil para sa kanila ay lalo silang lumalakas kapag nakakapanakit sila ng mga kauri nila. Dahil sa takot ay napatakbo na ako para mas mabilis akong makarating sa bahay nina Amy. Makikiusap na lamang ako sa kanilang mga alipin na kung puwede ay samahan nila ako pabalik sa bahay nina Sir Keiver dahil natatakot ako sa daan. Ngunit bigla na lamang akong nadapa at napasigaw ng malakas nang biglang lumitaw sa harapan ko ang isang taong-lobo na mala-demonyo ang pagkakangisi habang nakatingin sa akin. "Nag-iisa ka lang yata, napakagandang binibini? Hindi ka ba natatakot sa madilim na dinadaanan mo?" tanong sa akin ng lalaki. "H-Hindi ako n-natatakot. Hindi ako maglalakad ng mag-isa sa daan kung natatakot ako. Kaya kung may binabalak kang masama laban sa akin ay huwag mo nang ituloy dahil hindi kita uurungan," kunwari ay matapang na sagot ko sa kanya. Obvious sa aking boses na natatakot ako kaya biglang natawa ng malakas ang lalaking nasa harapan ko. "Bilib din naman ako sa'yo, Zeph. Kahit halatadong nagagalit ka ay nagawa mo pang magtapang-tapangan. Ngunit hindi uubra sa akin ang tapang mo, Zeph. Dahil sadya talaga kitang inabangan dito. Pasensiya ka at napag-utusan lamang ako." "Kilala mo ako? At sino ang nag-utos sa'yo na abangan ako rito?" nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya. "Well, karapatan mo ring malaman kung sino ang nag-utos sa akin na harangin ka rito para turuan ng leksiyon. At saka malaman mo man kung sino siya ay wala ka pa ring magagawa para gantihan ka. Isa ka lang alipin samantalang siya ay mataas ang katayuan dahil sa kanyang ama," sabi sa akin ng lalaki pagkatapos ay dahan-dahang naglakad palapit sa akin. "Sandali! Diyan ka lang!" sigaw ko sa kanya. Itinaas ko pa ang isa kong kamay para patigilin siya sa tangkang paglapit sa akin. "Si Hillary ba ang nag-utos sa'yo na turuan ako ng leksiyon?" Huminto ang lalaki sa paglalakad at muling ngumisi. "Hindi ko sinabi sa'yo ang pangalan niya kundi nahulaan mo lang, ha. Kaya hindi niya ako puwedeng sisihin na nalaman mo na inutusan niya akong turuan ka ng leksiyon." Naikuyom ko ang aking mga kamao dahil sa aking narinig. King ganoon ay sinadya pala ni Hillary na utusan ako para makahanap siya ng excuse na magawan ako ng masama. At tama ang lalaking ito sa harapan ko. Malaman ko man kung sino ang nag-utos sa para harangin ako at gawan ng masama ay wala pa rin naman akong magagawa sa kanya dahil anak siya ng aming Beta. Kaya ang tanging magagawa ko na lamang ngayon ay ang mag-isip kung anong paraan ng gagawin ko para makatakas sa lalaking ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD