Chapter 8

1229 Words
Zeph Pov Nang muling maglakad palapit sa akin ang lalaki ay mabilis akong tumayo. Pasimpleng iniikot ko ang aking paningin sa aking paligid para alamin kung may bagay ba akong makikita na maaari kong gamitin laban sa kanya. Ngunit biglang tinakpan ng makapal na ulap ang buwan kaya biglang dumilim ang paligid. Hindi ko tuloy makita kung may bagay ba sa paligid ko na makakatulong sa akin para maipagtanggol ko ang aking sarili. Ngunit hindi ako pinanghinaan ng loob. Maraming pagsubok na akong dinaanan at hindi lang ito ang unang beses na may nagtangka ng masama laban sa akin ngunit lahat sila ay hindi nagtagumpay sa masama nilang plano sa akin. Kaya naniniwala ako na sa pagkakataong ito ay hindi rin magtatagumpay ang lalaking ito sa anumang binabalak niya laban sa akin. Katulad ng sinabi ko ay hindi lang ito ang unang beses na may nagtangka ng masama sa buhay ko dahil dalawang beses nang may inutusan si Hillary para turuan ako ng leksiyon. Iyong una ay itinulak ako sa mataas na hagdan sa school building namin. Mabuti na lamang at nakakapit ako sa railings kaya hindi ako tuluyang nahulog Natuklasan ko na si Hillary ang nag-utos sa isang estudyante na itulak ako sa hagdan dahil narinig ko mismo sa kanyang bibig nang magkausap sila ni Duffy ang tungkol sa ginawa nga niyang pag-uutos sa isang ka-schoolmate namin para itulak ako sa hagdan. Isinumbong ko kay Sir Keiver ang ginawa ni Hillary ngunit sa halip na pagalitan nito ang ang kanyang anak ay ako pa ang pinagalitan. Hindi kasi naniwala sa mga sinabi ko si Sir Keiver. Batid kong naniniwala siya na kayang gawin iyon ng kanyang anak ngunit ayaw lamang niyang pansinin. Para kay Sir Keiver ay hindi malaking usapin ang ginawa ng kanyang anak dahil isa naman akong omega. Iyong pangalawa naman na pagtatangka sa buhay ko ay may nagtangkang sumagasa sa akin habang nakatayo ako sa gilid ng kalsada at naghihintay ng pagkakataon para makatawid. Nakaligtas ako dahil bigla akong hinila palayo sa tabi ng kalsada ng babaeng katabi ko nang makita nitong babanggain ako ng isang kotse. Kaya utang ko sa mabait na babaeng iyon ang aking buhay. Hindi na ako nagtangka pang magsumbong kay Sir Keiver tungkol sa ginawa ulit ng anak niya dahil alam ko na kahit maniwala man siya sa akin ay hindi pa rin niya parurusahan ang kanyang anak para lamang mabigyan ng katarungan ang isang katulad ko. Ang ginawa ko ay sinita ko si Hillary sa ginawa niya sa akin. At hindi man lang tinangka ni Hillary na magkaila sa halip ay proud pang inamin niya sa akin na siya nga ang nag-utos sa taong nagmamaneho ng kotseng iyon para sagasaan ako. Ngunit malaman ko man o hindi kung sino ang nasa likod ng pagtatangka ng masama sa buhay ko ay pareho lang din ang mangyayari. Wala naman akong kakayahang gantihan siya dahil nag-aalala ako na baka palayasin ako ni Sir Keiver sa bahay nila kapag ginantihan ko ang anak niya. Wala akong ibang mapupuntahan kaya nagtitiis na lamang ako sa ginagawa nila sa akin. Sa pangatlong ito na pagtatangka ng masama sa buhay ay alam ko na makakaligtas din ako. Hindi ko nga lang alam kung paano. Ngunit paano kung naubos na ang aking suwerte? Paano kung sa pagkakataong ito ay magtagumpay ang lalaking ito sa masamang binabalak niya sa akin? "Kapag itinuloy mo ang binabalak mong masama sa akin ay mananagot ka kay Alpha Hunter. Alam mo na mahigpit niyang ipinagbabawal ang pananakit sa lahat ng miyembro ng kanyang pack at lalong-lalo na ang pagpatay," banta ko sa kanya. Nagbabakasakali ako na bigla siyang matakot kapag narinig niya ang pangalan ng aming alpha. Ngunit sa halip na matakot ay tumawa pa ng malakas ang lalaki. "Hindi naman kita papatayin, Zeph. At hindi rin kita sasaktan. Dahil ang totoo ay dadalhin pa nga kita sa langit at ipapatikim ko sa'yo ang kakaibang sarap na kapag matikman mo ay natitiyak ko na uulit-ulitin mong gawin," nakangising sagot sa akin ng lalaki pagkatapos ay sinuyod ako mula ulo hanggang paa ng kanyang malisyosong tingin. "Walang hiya ka! Hindi ko hahayaan na magtagumpay ka sa masamang binabalak mo sa akin," galit na sigaw ko sa kanya habang umaatras ako ng mabagal. Alam ko kung ano ang binabalak niyang gawin sa akin ngunit mas gugustuhin ko pa ang mamatay kaysa ang dungisan niya ang aking pagkatao. "Talaga? At paano mo naman gagawin iyon, Zeph? Sa pagkakaalam ko ay wala kang taglay na abilities ng isang taong-lobo? Para ka lamang isang normal na tao kaya paano mo maipagtatanggol laban sa akin ang iyong sarili?" nang-iinsulto ang tono na tanong niya sa akin. Muli ay nais kong sisihin ang pagiging useless ko bilang taong-lobo. Kung may taglay lang sana akong kakayahan naming mga taong-lobo ay maipagtatanggol ko ang aking sarili laban sa mga nambubully sa akin at lalong-lalo na sa mga taong nagtatangka ng masama laban sa akin. Hindi ko na hinintay na makalapit sa akin ang lalaki bago pa ako tumakbo pabalik. Ngunit dahil may taglay din siyang liksi katulad ng iba pang mga taong-lobo ay segundo lamang ang pagitan bago niya ako naabutan. "Bitiwan mo ako, hayop ka!" galit na sigaw ko habang nagpupumiglas. "Patayin mo na lamang ako kung gusto mo!" "Hindi kita papatayin, Zeph. Sayang naman ang ganda mo kung papatayin lamang kita," nakangising sagot niya sa akin bago biglang bumaba ang mukha niya at tinangkang halikan ako sa mga labi ngunit mabilis kong naiiwas ang aking mukha kaya sa gilid ng aking tainga lumapat ang kanyang mabahong bibig. Hindi pa rin ako pinanghinaan ng loob kahit naa tila walang pag-asa na makalayo ako sa kanya. Inipon ko ang aking lakas at habang busy siya sa hayok na paghalik sa leeg ko ay bigla ko siyang tinuhod ng malakas sa pagitan ng kanyang mga hita. Ito lang ang naisip kong paraan para bitiwan niya ako. Dahil kung lalabanan ko siya gamit ang lakas ay alam ko na wala akong laban sa kanya. At kahit gaano pa siya kalakas ay alam kong kahinaan ng lahat ng mga lalaki ang nasa pagitan ng kanilang mga hita. Bigla nga akong nabitawan ng lalaki at napahawak siya sa kanyang p*********i na malakas kong sinipa. Sa lakas ng pagkakatuhod ko sa sensitive na parte ng katawan niya ayasuwerte siya kung hindi napisa ang itlog niya at naging scrambbled egg. Sinamantala ko ang pagkakataon na nabitiwan niya ako para tumakbo ng mabilis. Ngunit kahit nakakaramdam ng matinding sakit ay nagawa pa rin akong mahabol ng lalaki. At nang maabutan niya ako ay isang malakas na sampal ang ibinigay niya sa akin. Sa lakas ng pagkakasampal niya ay bigla akong natumba sa lupa at pumutok ang gilid ng aking mga labi. Nanlilisik sa galit ang mga matang tiningnan niya ako. Galit na galit ang kanyang hitsura kaya natitiyak ko na hindi niya ako bubuhayin. At akmang aatakehin na niya ako nang walang anu-ano ay bigla na lamang may dumating na tulong. Isang lalaki ang dumating na tila nakasakay sa ipo-ipo dahil sa sobrang bilis ng kanyang pagtakbo. Nang maglaglagan ang makapal na mga dahon ay magkasabay na nanlaki ang mga mata namin ng lalaking taong-lobo na nakatayo malapit sa akin. Si Alpha Hunter lang naman kasi ang dumating at ngayon ay nakatitig ng masama sa lalaking nagtatangka sa buhay ko. "Alpha Hunter," mahinang anas ko sa pangalan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD