Zeph Pov
Nakaramdam ako ng kaligtasan nang makita kong biglang dumating si Alpha Hunter. Kahit isa akong omega ay miyembro pa rin ako ng kanyang pack kaya natitiyak ko na hindi niya ako pababayaan.
Gusto kong maiyak nang tapunan niya ako ng tingin ngunit pinigilan ko ang aking sarili na gawin iyon. Higit sa lahat, ayokong makita ng kahit na sino na umiiyak ako. Iisipin nila na isa akong mahina kaya mas lalo lamang nila akong aapihin. Iyong time na nasaksihan ni Alpha Hunter ang pag-iyak ko ay hindi iyon sinasadya. Kung al ko lamang na hindi ako nag-iisa sa itaas ng rooftop ay pinigilan ko sana ang mapaiyak ng malakas.
"Do you have a death wish? Ang lakas ng loob mo na manakit ng miyembro ng aking pack at dito pa mismo sa aking teritoryo," madilim ang mukha at mapanganib ang boses na sita ni Alpha Hunter sa taong-lobo na nagtatangka ng masama laban sa akin.
Dahil sa sinabi ni Alpha Hunter kaya nalaman ko na hindi pala miyembro ng Golden Wolf Pack ang lalaking ito na initusan ni Hillary. Sabagay, hindi siya mag-uutos ng miyembro ng aming pack dahil alam naman niya na labag sa batas ni Alpha Hunter ang kanyang ipagagawa. Malaman man ni Alpha Hunter ang nangyari ay tiyak papatayin niya ang taong-lobo na inutusan ni Hillary kaya hindi madadawit ang pangalan nito.
"A-Alpha Hunter," nanlalaki ang mga mata na bigkas ng lalaki at puno ng takot ang kanyang mukha. Sinubukan nitong tumakas ngunit mas mabilis si Alpha Hunter kaya hindi man lang nakalayo ang lalaki dahil agad itong naabutan ng aming alpha.
"Sa tingin mo ay hahayaan kitang makatakas?" mapanganib ang boses na sabi ni Alpha Hunter habang hawak ng kaliwang kamay ang leeg ng lalaki na nagpipilit na makakawala. Itinaas nito sa ere ang lalaki at pagkatapos sinuntok ng malakas sa dibdib. Sa lakas ng pagkakasuntok ni Alpha Hunter sa lalaki ay tumilapon ito at bumangga ang katawan sa malaking puno. Napahawak ito sa dibdib na haloa mabutas sa malakas na suntok ni Alpha Hunter pagkatapos ay biglang napaubo ng dugo at ipinikit ang mga mata.
Pakiramdam ko ay biglang nanlaki ang aking ulo sa nakita kong pagiging ruthless ni Alpha Hunter. Nakakatakot pala siyang galitin. Now I know kung bakit natatakot sa kanya hindi lamang ang mga taong-lobo kundi pati na rin mga normal na tao. Dahil kaya nitong kumitil ng buhay nang hindi man lang kumukurap. Sa nasaksihan ko ngayon ay naniniwala na ako sa mga sinasabi nila na wala itong puso. Ngunit may bahagi ng aking utak ang nagsasabi na iniligtas ako ni Alpha Hunter kaya sa halip na katakutan ko siya ay dapat akong magpasalamat sa kanya. Dahil kung hindi siya dumating ay tiyak na nagtagumpay na ang lalaking iyon sa masamang binabalak niya sa akin.
Pumikit ako ng mariin at kinalma ang aking sarili. Siguradong hindi naman ako sasaktan ni Alpha Hunter dahil wala naman akong batas niya na nilalabag. Wala pa naman akong nabalitaan na may sinaktan siya na isang inosenteng taong-lobo o maging isang normal na tao. Pagmulat ko ng aking mga mata ay hindi ko inaasahan na nasa harapan ko na si Alpha Hunter at malapit na malapit sa akin. Sa gulat ko ay bigla akong napaatras at muntik ng matumba. Ngunit naging maagap naman si Alpha Hunter kaya hindi ako tuluyang natumba. Iyon nga ay awkward ang aming posisyon. Nakapalibot sa aking baywang ang isa niyang kamay habang nakahawak naman sa isa kong kamay ang isa naman niyang kamay at bahagya pa akong nakahilig samantalang siya ay nakatunghay naman sa akin.
Hindi ko napigilan ang mapatitig sa kanyang mga mata. Lahat ng Golden Wolf Pack members ay nagiging gold ang mga mata kapag na-trigger ang aming emosyon ngunit kakaiba ang pagkaka-gold ng mga mata ni Alpha Hunter. Masyadong matingkad kaya kahit madilim ay nakikita ko ang pagiging gold ng kanyang mga mata. Hindi tuloy naiwasan ng isa kong kamay ang pag-angat at bahagyang paghaplos sa gilid ng isa nitong mata. Ngunit agad na bumalik sa realidad ang aking isip nang makita ko ang pagkunot ng kanyang noo habang nakatitig siya sa mukha ko. Nag-iinit ang mga pisngi na itinulak ko siya ng bahagya para magkaroon ng distansya ang pagitan namin.
"I-I'm sorry. Hindi ko sinasadya," nahihiyang paumanhin ko sa kanya. Pasalamat ako na gabi ngayon kaya naitago ko ang pamumula ng aking mukha dahil sa pagkapahiya. Ano ba kasi ang pumasok sa isip ko at biglang iniangat ko ang aking kamay at hinaplos ang kanyang mata? Kasalanan ito ng dalawa kong tuhod na bigla na lamang tila nawalan ng lakas kanina kaya tuloy muntik na akong matumba.
"Sorry for what?" nakataas ang isang kilay na tanong sa akin ni Alpha Hunter.
Ang takot na nararamdaman ko sa kanya kanina ay biglang naglaho at napalitan ng inis. Bakit pa siya nagtatanong kung bakit ako nag-sorry sa kanya gayong batid kong alam niya kung ano ang dahilan at humihingi ako sa kanya ng sorry? Gusto ba niya na mas lalo lamang akong mapahiya?
"Salamat sa pagliligtas mo sa akin, Alpha Hunter. Kung hindi ka dumating ay tiyak na napahamak na ako," pasasalamat ko sa kanya. Hindi ko na sinagot ang kanyang tanong. Kung totoo na hindi niya alam kung ano ang dahilan kung bakit ako nagsorry sa kanya ay mas mabuti.
Tumaas naman ang isang sulok ng mga labi ni Alpha Hunter nang marinig ang sinabi ko. Tila iba ang inaasahan niya na maririnig mula sa akin. Ngunit hindi naman ito komontra sa halip ay nagkibit na lamang ng kanyang mga balikat bago nagsalita.
"Walang ano man. Nagkataon lamang na nasa terrace ako ng bahay ko nang maramdaman ko ang presensiya ng taong-lobo na iyon. Iba ang amoy ng mga taong-lobo na mula sa Dust Wolf Pack at alam ko na kapag nandito sila sa teritoryo ko ay hindi sila gagawa ng mabuti kaya lumabas ako sa bahay ko at sinundan ang amoy nito. Malapit kayo sa bahay ko kaya hindi ako nahirapang hanapin siya," paliwanag ni Alpha Hunter. Sa tingin ko ay siya lamang ng may kakayahan na ma-sense ang presensiya ng ibang mga taong-lobo na hindi miyembro ng aming pack.
"Niligtas mo pa rin ang buhay ko kaya may utang-na-loob ako sa'yo. At puwede bang dagdagan ko ang utang-na-loob ko sa'yo? Puwede bang samahan mo ako papunta sa bahay nina Amy?" kinapalan ko na ang aking mukha sa paghingi sa kanya ng isa pang favor. Pakiramdam ko kasi ay hindi ko na kayang magtungo sa bahay nina Amy kung mag-isa lamang ako.
"Ano naman ang gagawin mo sa bahay nina Amy sa ganitong oras ng gabi? Alam mo na delikado sa isang babaeng katulad mo ang maglakad ng mag-isa sa daan. At hindi ba dapat ay nagpapahinga ka na ngayon dahil pinarusahan ka ng latigo kanina ng aking Beta?" madilim ang mukha na tanong niya sa akin ngunit nagsimula namang maglakad papunta sa bahay nina Amy.
"Kung ako ang masusunod ay talagang magpapahinga na ako dahil masakit ang buong katawan ko at nakakatakot din maglakad sa madilim na daan na ito ngunit hindi ko maaaring suwayin ang ipinag-uutos sa akin ni Hillary," mahina ang boses na sagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang reaksiyon niya sa sinabi ko dahil hindi naman siya lumingon sa akin. Bigla rin siyang tumahimik kaya hindi na rin ako nagsalita. Kahit hindi niya ako kausapin ay okay lang basta ihatid niya ako hanggang sa bahay nina Amy. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ligtas na ako at matapos ko ang ipinag-uutos sa akin ni Hillary para wala siyang masabi sa akin.