Zeph Pov
Nagising ako na medyo mabigat ang pakiramdam ko. Para bang may bahagi ng aking katawan ang nawawala. Bumangon ako sa kama at nag-unat-unat ng aking mga braso. Wala namang kulang sa akin. It's weird. Complete pa naman ang buo kong katawan ngunit hindi pa rin nawawala ang aking pakiramdam na tila may nawala sa katawan ko. Ipinilig ko na lamang ang aking ulo at pilit na iwinaglit ang weird na pakiramdam kong ito.
Nagtungo ako sa maliit kong banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Paglabas ko ay agad kong hinagilap ang aking face towel para ipampunas sa aking mukha. Humarap ako sa maliit na na salamin habang pinupunasan ko ng bimpo ang aking mukha. Mayamaya ay bigla akong natigilan nang mapatitig ako sa aking repleksiyon sa salamin. Naalala ko na ang nangyari kagabi. Biglang may lumabas na drawing na tila buwan sa aking noo. Magliliwanag iyon at sobrang mainit sa aking noo. Kinapa-kapa ko ang aking noo ngunit wala namang indikasyon na may naka-drawing sa noo ko. Hindi ko tuloy malaman kung nananaginip lamang ba ako o totoo ang aking nakita?
"Panaginip lang ba iyon kagabi? Ang weird naman ng panaginip na iyon. Parang totoong-totoo talaga," hindi napigilang kausap ko sa aking sarili. Wala naman kasi akong ibang makakausap kundi ang aking sarili lamang. Pero kung hindi panaginip ang nakita ko ay bakit nasa ibabaw na ako ng aking kama pagkagising ko? Dapat ay sa sahig ako nakahiga dahil ang huling natatandaan ko ay bigla akong hinimatay. "Ano ba ang nangyayari sa'yo, Zeph? Masyado ka na yatang maraming iniisip kaya kung ano-ano na ang pumapasok diyan sa utak mo," sermon ko sa aking sarili.
Dahil hindi ko naman na nakita pa sa aking noo ang drawing na nakita ko kagabi kaya naisip ko na siguro ay talagang nananaginip lamang ako. Nagkibit ng balikat na lamang ako pagkatapos ay lumabas na sa aking silid. Maaga akong maglilinis ng bahay para maaga rin akong makapasok sa school. Sana lang ay hindi mag-utos ng kung ano-ano sa akin si Hillary.
Laking-pasasalamat ko nang paglabas ni Hillary sa kuwarto niya ay nakabihis na siya ng school uniform at hindi na kumain ng almusal. Maaga akong nakapasok sa school. Pagpasok ko sa classroom namin ay nakita kong napapaligiran ng mga kaklase namin si Hillary.
"Ilang araw na lamang ay birthday mo na, Hillary. Tiyak bongga ang party mo, 'di ba? Hindi katulad ng mababang alipin na kaklase natin. Birthday nga niya kahapon pero natitiyak ko na walang party na nangyari," malakas ang boses na sabi ni Duffy kay Hillary. Ngunit alam ko naman na ako ang pinaparinggan niya ngunit hindi ko na lamang pinansin ang sinabi niya. Naupo na lamang ako sa aking silya at nagkunwari na wala akong naririnig. Inilabas ko mula sa aking bag ang aking libro at nagbasa. Mas mabuti pang magbasa na lamang ako kaysa ang pagtuunan ng pansin ang mga kaklase ko na puro yata kulang sa pansin. Engrossed ako sa aking binabasa nang biglang ibinagsak ng malakas ni Duffy ang kanyang dalawang kamay sa libro na binabasa ko.
Masama ang tingin na nag-angat ako ng aking paningin. "Ano na naman ba ang problema mo, Duffy? Malungkot ba masyado ang buhay mo at sumasaya lamang kapag nabu-bully mo ako?" inis na tanong ko sa kanya.
"Kapag kinakausap ka ay sumagot ka," inis din ang boses na kausap niya sa akin.
"Sino ang kinakausap mo, ako?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. "Hindi mo naman ako kinausap kundi pinaringgan, Duffy. Mag-aral ka kasi ng mabuti para naman alam mo ang pagkakaiba ng kinausap at pinaringgan," sagot ko sa kanya sa tonong may halong pang-iinsulto.
"How dare you talk to me like that!" nanlilisik ang mga matang sigaw sa akin ni Duffy. Although wala akong laban sa kanya kapag sinaktan niya ako ay hindi ko pa rin magawang manahimik kapag binubully nila ako.
Akmang sasampalin na ako ni Duffy nang biglang pigilan ito ni Hillary. "Nandito na si Sir, Duffy. Mamaya mo na lamang siya turuan ng leksiyon."
"Pasalamat ka at dumating na ang teacher natin kung hindi ay tiyak may latay na iyang mukha mo," galit na kausap niya sa akin. "Pero kung sa tingin mo ay makakaligtas ka sa akin ay nagkakamali ka, Zeph. Dahil magkikita pa tayo pagkatapos ng klase," babala niya sa akin bago ako iniwan at nagbalik sa kanyang upuan.
Lihim na lamang akong napabuntong-hininga. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin para tigilan na nila ako. Pansinin ko man sila o hindi ay ganoon pa rin ang nangyayari. Galit pa rin sila sa akin. Ano ba talaga ang gusto nilang mangyari?
Nang matapos ay panghuling subject namin ay nagmamadali na akong umalis ng school namin. Sinamantala ko na pinaiwan muna ng teacher namin si Duffy at Hillary para makauwi ako sa bahay nang huli nang hindi naaabutan ni Duffy. Ngunit kung iniisip ko na makakaligtas na ako mula kay Duffy ay nagkamali ako. Dahil hinabol nila ako. At dahil lahat sila ay may bilis na taglay kaya naabutan nila ako sa daan.
"Sa tingin mo ay makakatakas ka sa amin, Zeph? Hindi ba sinabi ko na sa'yo kanina na magkikita pa tayo mamaya pagkatapos ng klase? Bakit naman umalis ka agad?" nakangising kausap sa akin ni Duffy. Ang mga kaibigan naman nito kasama na si Hillary ay pawang nakangisi rin sa akin na tila ba nakakita ng mapaglalaruan.
"Puwede bang tigilan n'yo na ako? Wala naman akong ginagawang masama sa inyo. Kung hindi niyo ako gusto ay huwag niyo na lang akong kausapin at pansinin," napapagod ang bosss na kausap ko sa kanilang lahat. Talaga bang nakakatuwa kapag nambubully sila ng mas mahina kaysa sa kanila?
"Iyang pagmumukha mo ang ayaw namin," sabi naman sa akin ni Hillary. "Hawakan ninyo ang babaeng iyan,_" utos nito sa dalawa pang mga kaibigan na kasama nila. Nilapitan naman ako ng dalawang babae at hinawan nila ang magkabila kong braso.
Mabilis na nilapitan ako ni Hillary at kinalmot ng mahaba niyang kuko ang aking dibdib. Sa talas ng kanyang kuko ay napunit ang pang-itaas kong uniform. Napapikit ako nang maramdaman ko ang hapdi ng kanyang kuko na sumugat sa aking balat. Mas masakit pa ang kalmot niya kaysa sa paglatigo sa akin ng kanyang ama. Matapos akong kalmutin ni Hillary ay si Duffy naman ang kumalmot sa aking dibdib. Ilang beses niya akong kinalmot hanggang sa nagkapunit-punit na ang aking suot at napuno rin ng dugo ang aking damit. Tila galit na galit siya sa akin at ibinuhos niya ang kanyang galit sa pamamagitan ng pagkalmot sa akin. Nang makita niyang hindi ko na kayang makatayo ay bigla niya akong sinipa ng malakas sa aking sikmura. Dahil kahit babae siya ay may taglay pa rin siyang lakas ng isang taong-lobo kaya bigla akong tumilapon sa damuhan at sumuka ng dugo. Namilipit ako sa sakit habang nakapikit at tahimik na umiiyak. Wala naman akong magagawa kundi ang umiiyak na lamang. Nilapitan ako ni Duffy at iniangat ang aking baba.
"If you insult me again and takl back at me I will rip your mouth. Naiintindihan mo?" tanong sa akin ni Duffy habang hawak ng mariin ang aking baba. Hindi ako sumagot o tumango man lang. Nakakuyom ng mahigpit ang aking mga kamao sa pagpipigil ng aking galit.
"Let's go, Duffy. Tulungan mo akong mag-plano tungkol sa birthday ko. Hayaan na natin ang babaeng iyan diyan. Sa tingin ko naman ay nagtanda na siya," ani Hillary kay Duffy. Bago ako talikuran ay sinipa niya akong muli na tumama naman sa aking bunganga kaya biglang pumutok ang aking mga labi.
Nang wala na sila sa paligid ko ay saka ako tumihaya ng higa at umiyak ng mahina. Gusto kong sumigaw ng malakas para mabawasan ang galit sa aking dibdib ngunit tila wala akobg lakas para sumigaw kaya iniiyak ko na lamang ng tahimik. Ilang minuto na akong umiiyak nang maramdaman ko na tila biglang uminit ang aking mga sugat na sanhi ng matatalas na kuko nina Duffy at Hillary. At nang suriin ko ang aking sugat ay ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang bigla iyong gumaling. At kahit maliit na peklat ay wala akong nakita.
"Bakit biglang naglaho ang mga sugat ko? Ako ba ang nagpagaling sa aking sarili? May kapangyarihan ba ako na magpagaling?