Chapter 12

1209 Words
Beta Keiver Pov Matapos pumasok sa isip ko ang isang ideya ay agad akong lumabas sa kuwarto ni Zeph at iniwan siya para puntahan ang taong makakatulong sa akin para maisakatuparan ko ang binabalak kong gawin. Ilang minuto lamang ay nakarating ako sa isang bahay na nasa gitna ng gubat. Gawa ang bahay sa pinagtagni-tagning palapa ng niyog ngunit maganda ang pagkakagawa kahit luma na iyon. Sa labas pa lamang ng bahay ay nararamdaman ko nna agad ang malamig na aura na nagmumula sa loob ng bahay. At ang nagmamay-ari ng bahay na ito ay walang iba kundi si Urusula. Ang kinatatakutang witch sa lugar namin. Malupit kasi ito kaya iniiwasan ng lahat ang mapagawi sa lugar kung saan nakatayo ang bahay niya. Madalas ay nananatili lamang si Urusula sa loob ng bahay niya dahil natatakot siya na makasalubong niya si Alpha Hunter. Ang batang alpha namin ang tanging kinatatakutang nilalang ni Urusula. Kahit anong kapangyarihan kasi ang gamitin niya laban kay Alpha Hunter ay hindi ito tinatalaban. Hindi ko alam kung may taglay bang kapangyarihan si Alpha Hunter maliban sa kapangyarihan niya bilang taaong-lobo kung kaya't hindi siya tinatablan ng kapangyarihan ni Urusula. Kinakabahan man ako ay nilakasan ko ang aking loob at nagpunta pa rin ako sa bahay niya. Siya lang kasi ang nag-iisang makakatulong sa aking problema ngayon. Nakasalalay sa gagawin kong ito ang ikakatutupad ng aking matagal nang pinapangarap na makamtam. Ang maging alpha ng Golden Wolf Pack. Naglakad ako palapit sa pintuan ng bahay ni Urusula para kumatok. Ngunit hindi pa man naaangat ang aking kamay para kumatok ay bigla nang bumukas ang pintuan kasabay ng malakas na hangin na may kasamang masamang amoy. "Ano ang kailangan mo sa akin, Beta Keiver?" malakas at nakakatakot ang boses na tanong sa akin ni Urusula kahit na hindi pa man kami nagkakaharap. "May kailangan ako sa'yo, Urusula. At sana ay matulungan mo ako," sagot ko sa kanya habang nakatingin sa loob ng bahay na madilim. "Tuloy ka. Pumasok ka sa loob ng aking bahay, Beta," paanyaya niya sa akin. Walang pag-aalinlangan na pumasok ako sa loob ng bahay niya at tiniis ang hindi magandang amoy sa loob. Hindi ko alam kung anong klaseng amoy ba ang aking naaamoy basta nasisiguro ko na nakakasuka iyon. Madilim ang loob ng bahay ni Urusula ngunit dahil may kakayahan kaming mga taong-lobo na makakita kahit madilim ay nakita ko pa rin kung nasaan sita. May night vision ang aming mga mata na kusang naa-activate kapag madilim ang paligid kaya walang kaso kung madilim man o maliwanag ang pupuntahan namin. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Urusula. Ang dahilan ng pagparito ko ay gusto kong tulungan mo ako na mapunta sa katawan ng anak ko ang moon tattoo na nasa noo ng aking alipin," deretsong sabi ko sa kanya. Ayokong magpaligoy-ligoy pa dahil baka magising si Zeph at muling makita ang moon tattoo sa kanyang noo. "Moon tattoo?" nakakunot ang noo na sambit ni Urusula. "Ang ibig mong sabihin ay lumitaw na ang moon tattoo at sa katawan pa ng alipin mo? Kung ganoon ay siya ang nakatakdang maging Luna ni Alpha Hunter?" kahit si Urusula ay hindi rin makapaniwala na sa katawam pa ng isang alipin lumabas ang senyales na aiya ang tinutukoy na babae sa prophecy. "Tama ka, Urusula. Lumitaw na nga ang moon tattoo katulad ng sinasabi sa propesiya ngunit hindi ko maintindihan kung bakit sa katawan pa ni Zeph lumitaw iyon. Isa lamang siyang alipin lalong-lalo na isa siyang omega," mabigat ang dibdib na sagot ko sa kanya. Kung maaari nga lang dukutin ko sa noo ni Zeph ang tattoo na iyon ay ginawa ko na kanina pa. Hindi na sana ako nag-abala pang magpunta sa nakakasukang bahay na ito ng mangkukulam. "At ano naman ang mapapala ko sakaling tulungan kita, Beta? May mabuting maidudulot ba iyan sa akin?" Alam ko na tatanungin niya ako ng ganito kaya napaghandaan ko na king ano ang isasagot ko sa kanya. Sigurado naman kasi na hindi niya ako tutulungan nang walang hinihinging kapalit kaya bago ako nagpunta rito ay nakaisip na ako ng paraan para makumbinsi siyang tulungan ako. "Hindi ba't kinamumuhian mo si Alpha Hunter? Ito na ang pagkakataon mo para mapatay siya. Magtulungan tayo para maalis sa ating landas ang alpha na pareho nating kinamumuhian. Kapag nailipat na sa katawan ng anak ko ang moon tattoo ay iisipin ni Alpha Hunter na si Hillary ang babaeng tinutukoy sa propesiya kaya natural na gagawin niyang Luna ang anak ko. At kapag mag-asawa na silang dalawa ay doon natin isasakatuparan ang pangalawang hakbang para mapabagsak ang mayabang naming alpha. At kapag magtagumpay tayo ay ako na ang magiging alpha ng pack namin samantalang ikaw naman ay naalis na ang tinik sa iyong lalamunan. Malaya ka nang makakalabas sa bahay mo at magagawa mo na kung ano ang gusto mong gawin," pangungumbinsi ko sa kanya. "Tama ka, Beta. Kinamumuhian ko nga si Alpha Hunter. Hindi ko matanggap na may isang nilalang na hindi tinatablan ng aking kapangyarihan. Kaya pumapayag ako sa gusto mong mangyari. Tutulungan kita na malipat ang moon tattoo sa katawan ng anak mo at tutulungan din kita na maisakatuparan ang anumang binabalak mo sa kanya," nakangising sagot sa akin ni Urusula. Napangiti rin ako ng maluwag. Ngiti ng isang tagumpay. "Tayo na at puntahan na natin ang sinasabi mong alipin mo." Pagkatapos kong tumango sa kanya ay sabay kaming lumabas sa kanyang bahay at mabilis na nagtungo sa bahay ko. Pagdating namin sa silid ni Zeph ay wala pa rin itong malay. "Siya ang aking alipin na tinutukoy ko, Urusula," sabi ko sa mangkukulam habang pareho kaming nakatingin kay Zeph na tila mahimbing na natutulog. "Wala naman akong nararamdamang kakaiba sa kanya. Para lamang siyang isang ordinaryong tao. Kaya nakapagtataka na siya ang babaeng nakatakda na maging Luna ni Alpha Hunter," komento ni Urusula matapos suriing mabuti ang aking alipin. "Iyan din ang ipinagtataka ko. Isa lamang siyang omega. At kung hindi dahil sa ama ni Alpha Hunter ay hindi ko siya bubuhayin. Paano pala kung pinatay ko siya habang sanggol pa lamang siya? Hindi kaya lilitaw ang moon tattoo na iyan sa katawan ng ibang babae?" "Pareho nating hindi alam kung ano ang kasagutan ng tanong mo, Beta. Ngunit hindi na mahalaga iyon. Dahil kapag nailipat ko na sa katawan ng anak mo ang moon tattoo ay hindi na siya ang babaeng tinutukoy sa propesiya kundi ang anak mo," sabi sa akin ni Urusula. Sumang-ayon ako sa kanya pagkatapos ay mabilis kong pinuntahan sa kanyang silid ang natutulog kong anak at dinala sa silid ni Zeph. Itinabi ko ang anak ko kay Zeph pagkatapos ay sinimulan na ni Urusula ang paglilipat ng moon tattoo mula sa katawan ni Zeph papunta sa katawan ni Hillary. Pagkalipas lamang ng halong limang minuto ay naglaho ang drawing na nasa noo ng alipin at lumitaw naman sa noo ng aking anak at pagkatapos ay naglaho. Matagumpay ang ginawang pagsasalin ni Urusula sa moon tattoo papunta sa anak ko. Ngayon naman ay kailangan na lang naming hintayin ang pagsapit ng ikalabinwalong kaarawan ni Zeph para muling lumabas ang drawing sa kanyang noo at makita ng mga taong-lobo na aattend sa party ng anak ko. At mangyayari iyon sa pang-apat na araw mula ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD