bc

Winter (Tagalog)

book_age4+
1
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
goodgirl
brave
drama
tragedy
comedy
sweet
bxg
humorous
others
like
intro-logo
Blurb

Si Iyyah ay isang mabuting anak, gustong-gusto niya ang taglamig. Tuwing pasko ay nagpupunta sila sa Canda kung saan ay doon namamalagi ang kaniyang lola at lolo. Pakiramdam niya ay gumagaan ang pakiramdam niya tuwing nararamdaman niya sa kaniyang katawan ang simoy ng malamig na hangin at ang yelong umaambon galing sa kalangitan. Para sa kaniya ang taglamig ay “Kaginhawaan sa kalooban".

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"IYYAH!!!!" nagising ako dahil sa malakas na sigaw. "Ano ka bang bata ka?! Anong oras na oh?! Nakahilata ka pa rin dyan sa kama mo!" Sigaw ulit ni Mama. "Naku! Nakung bata ka! Jusko! Alam mo namang maaga ang flight natin papunta sa Canada!" Muling sigaw ni Mama na alam kong nasa labas lamang siya ng aking kwarto. Pero wait. Canada? Nanlaki naman ang mata ko at agad napabalikwas sa kama. Oo, nga pala ngayon ang flight namin papuntang Canada. OMG! Napasarap ang tulog ko. "Iyyah!!! Bumangon ka na riyan at maaga tayong pupunta sa airport!!" Ani ni Mama sa labas ng kuwarto ko. "Opo Ma!" Agaran kong sagot. "Hala! Bilisan mong mag-ayus at lumabas ka na para mag-agahan!" Sambit ni niya pa. Narinig ko ang yabag niya papalayo sa aking kwarto. Agad naman akong tumayo at inayus ang ang kama. Tumingin ako sa orasan na nasa pader, alas sais na ng umaga, ang flight naman namin ay alas nuebe pa. Nagpunta ako sa banyo at ginawa ang morning routine ko. Pagkatapos ay nagbihis ako ng damit at kinuha sa aking cabinet ang makapal na jacket. Lumapit ako sa tabi ng aking lamesa para kunin ang maleta ko na naglalaman ng aking damit. Lumakad ako sa aking pinto ng napadapo ang aking paningin sa scarf na nasa likuran ng aking pinto. Iyun ang scarf na ginawa ni Lola para sa akin, regalo niya iyun noong nakaraang pasko. Mahilig kasi sa pagtatahi ang aking Lola, dati siyang isang mananahi dito sa Pilipinas, pero noong lumipat sila ni Lolo sa Canada ay malimit na lamang siyang manahi. Napangiti naman ako. Ang scarf ay kulay pula at may disenyong maliliit na bulaklak. Hinawakan ko iyun at kinuha, malambot sa kamay ang scarf sapagkat gawa sa cotton fabric ang tela nito. Nagpasya naman akong lumabas na, naabutan ko sa hapag ang aking Mama naghahanda ng agahan habang si Papa naman ay nagbabasa ng dyaryo at umiinom ng kape. "Magandang umaga Ma, Pa" masaya kong bati sa kanila. Dumapo naman ang tingin nila sa akin at ngumiti ng matamis. "Magandang umaga sa mapakaganda kong anak" bati sa akin ni Papa. "Magandang umaga rin sa iyo anak kong tulog mantika" ani ni Mama. Ngumuso naman ako. Si Mama talaga. "Ano ka ba, Senya. Hayaan mo munang umupo ang anak natin, napakaaga mo na namang manermon. Ipagpaliban mo muna iyang sermon mo" natatawang suway ni Papa. Napangiti naman ako, umirap sa amin si Mama. Natatawa talaga ako kapag ganito si Mama at Papa, para sa akin napaka-sweet nila sa parteng iyun. "O'siya, maupo ka na at kumain" sabi ni Mama kaya umupo naman ako sa isang bakanteng silya. Itlog, Hotdog, bacon, sinangag at ang paborito kong tinapa ang nakahain sa hapag. Umupo na rin si Mama sa silya, bago kami kumain ay nagdasal muna kami. Ito ang paraan namin ng pagpapasalamat sa Diyos sa pang-araw-araw naming paggising sa umaga at sa mga biyayang dumarating sa amin. Nang matapos kaming magdasal ay agad kaming kumain, nagkuwentuhan, nagkulitan at nag-asaran pa kami sa hapag bago kami natapos. Alas otso kaming umalis sa bahay at nagpunta sa airport. Malapit lamang ang airport sa aming tahanan kaya ilang minuto pa kami naghintay sa airport. Nagdatingan na rin ang aming kamag-anak na sasabay sa amin papunta sa Canada. Napataas naman ang kilay ko ng malawak ang ngiti ni Carl habang nakatingin sa akin. Siya nga pala ang pinsan kong mapang-asar, walang ginawa sa buhay kung hindi ang pikunin ako, hindi ata nabubuo ang araw niya kapag di niya ako naaasar. "Ang tinitingin-tingin mo diyan?!" Pagtataray ko sa kaniya. "Hahahaha! Taray natin ah?" Pang-aasar niya. Napasimangot naman ako. Ito na naman siya, kapag ako nabuwisit sa lalaking ito, paniguradong papatumbahin ko ito. "Ang pangit mo kapag nakasimangot ka, para kang sanggol na lukot pa ang mukha, Hahaha!" Nagsalubong ang kilay ko. "Eh ikaw? Tignan mo nga iyang buhok mo" sabi ko naman. Maasar nga itong pinsan ko. Tumingin ako sa buhok niyang parang si Sangoku kapag nagsuper-sayan siya. Kulay dilaw ang buhok niya at nakataas pa. "Ikaw ang pangit na version ni Sangoku sa Dragon Balls" dagdag ko saka ko siya tinalikuran. Don't me. "P-pangit? A-ako? K-kamuka k-ko s-si S-sangoku?!" Rinig kong utal niyang sambit. Napahagikgik naman ako. Oh, ano ka ngayon? "Hoy! Ikaw! Kamuka mo si Dora!" Sigaw niya pa pero hindi ko na lamang pinansin. Bahala siya dyan, sumigaw lang siya, wala akong paki. "Carl! Ano ka bang bata ka?! Bakit ka sumisigaw dyan?! Ikaw talagang bata ka! Oo!" Suway sa kaniya ni Tita Grace. "Sabi kasi ni Dora--- ah este Iyyah, ang pangit ko raw! Kamukha ko raw si Sangoku!" Parang bata niyang sumbong kay Tita. "Anong Dora?! Ha?! Lagi mo na lang inaasar ang pinsan mo! Halika nga dito!" Lumingon ako sa gawi nila. Halos manlaki ang butas ng ilong ko dahil sa aking nasaksihan. Si Tita Grace ay hawak ang tainga ni Carl. "Aray! Ma!!! Masakit po! O-ouch! Aray! Aray! Aray!" Daing ni Carl. Hahaha! "Hindi ka na nagtanda!" "Ma! Ano ba?! Masakit na!" "Ano?! Ha?! Aasarin mo pa ba ang pinsan mo?!" "Ouch! Hindi na! Hindi na po, Ma! Aray!" Binitawan naman agad ni Tita ang tainga ni Carl. Ang ibang kamag-anak naman namin at nakapaligid sa aming tao ay nagpipigil ng tawa, hawak pa nila ang kanilang tiyan. "Nakakahiya naman!" Maktol ni Carl. "May sinasabi ka? Ha? Carl?!" Pagbabanta ni Tita. "Hehe, wala po Ma" agarang sagot ni Carl. Nang tumalikod sa kaniya si Tita, hinimas ni Carl ang tainga niyang namumula, bumubulong-bulong pa siya habang mahaba ang nguso niya. Masama pa niya akong tinignan pero binilatan ko lang siya. Nye! Nye! Nye! Nye! "Kayong dalawa talaga. Kailan kaya kayo mag-aayus? Puro na lang kayo asaran at pikunan" ani ni Mama. Gusto ko sanang sabihin na, hindi ako mang-aasar kung hindi niya ako pipikunin. Umupo na lamang ako sa may bench at naghintay ng oras. Ilang minuto ang lumipas ng sa wakas ay nakasakay kami sa eroplano. Tabi kami nila Mama at Papa. Buti na lang at sa bintana ang seat ko kaya tanaw ko ang tanawin sa ibaba at ang ulap. Sa buong byahe ay nakatanaw lamang ako sa bintana habang pinagmamasdan ang iba't ibang tanawin at ibon na sumasabay sa paglipad ng eroplano. Minsan ay inilalapit ko ang aking muka sa bintana upang makita ng maayos ang ulap at ang malayang lumilipad na ibon sa kawalan. Nang lumapag kami ay agad kong isinuot ang aking makapal na jacket at ang scarf na bigay ni Lola. Paniguradong matutuwa si Lola dahil naalala kong dalhin ang scarf na ito. May mga sinasabi pa ang stewardess na hindi ko naman naintindihan dahil sa pananabik ko bago kami tuluyang lumabas sa eroplano. Pagbungad ko pa lamang ng pinto ng eroplano ay sumalubong sa akin ang malamig na klima ng kapaligiran. Despiras ngayon ng pasko kaya ganito ang klima, malamig at may yelo sa kapaligiran. Si Papa ang nagbuluntaryong magbuhat ng aking maleta hanggang sa makasakay kami sa taxi. Ang ibang kamag-anak naman namin ay sa ibang taxi sumakay. "Hay! Nakakapagod" komento ni Papa na nasa passenger seat. "Napagod ka rin ba, anak?" Tanong ni Mama habang inaayos ang scarf ko sa leeg. "Opo, Mama" sagot ko na lamang. "Hayaan mo, pagkarating natin sa bahay ng Lola't Lolo mo magpapahinga ka, okay?" Sambit ni Mama. "Opo" sagot ko na lamang. Ngumiti sa akin si Mama kaya sinuklian ko naman iyun ng ngiti. Tumingin lamang ako sa labas ng bintana habang pinagmamasdan ang mga yelong nakahilera sa gilid ng kalsada at pati na rin sa bubungan ng bawat tindahan, buildings at tahanan na nadadaanan namin. Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako mula sa aking kinauupuan. Isang malambot na haplos sa aking pisngi ang naramdaman ako kaya napamulat ako ng mata. Marahan na hinahaplos iyun ni Mama habang nakangiti sa akin. "Nandito na tayo" anunsyo niya. "Ayusin mo na ang iyong buhok at lalabas na tayo" dagdag ni Mama. "Sige po, Ma" mahina kong sagot. Tulad ng sabi ni Mama ay inayus ko ang aking buhok at pati na rin ang nagulo kong scarf. Mula sa aking kinauupuan ay tumingin ako sa bintana ng taxi. Tanaw ko ang tahanan nila Lola, may disenyo itong iba't ibang palamuti tulad ng christmas tree, snowman, si Santa Claus kasama ang reindeer niya at mga pailaw sa paligid nito na kumukuti-kutitap. Napangiti naman ako bago lumabas sa taxi. Sobrang namiss ko ang tahanan nila Lola. "Apo ko!" Masayang lapit ni Lolo sa akin habang naglalakad papunta sa direksyon ko. "Lolo!" Tawag ko rin sa kaniya. Hindi mapagsidhi ang ngiti sa labi ni Lolo. Nang tuluyan siyang makalapit sa akin ay ipinatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ko at ginulo ang buhok. Napahagikgik naman ako. Nakasanayan na itong gawin ni Lolo, mula pa noong bata ako. "Kamusta na ang maganda kong apo?" Tanong ni Lolo. "Ayus naman po Lolo, hehe. Kayo po?" Tanong ko rin sa kaniya. "Aba'y heto, nananakit na ang kasukasuhan ko, matanda na talaga ang Lolo mo apo, ha ha ha" tawa niya. "Ilang taon ka na sa katapusan apo? Ang laki-laki mo na, dalagang-dalaga ka na" dagdag ni Lolo. "Fifteen na po ako sa katapusan ng december Lolo, hehe" sagot ko. "Aba'y, dalaga na talaga ang aking apo" ani pa ni Lolo. "Si Lolo talaga, hehe" napabungisngis na lamang ako. "Ha ha ha, O'siya, pumasok na tayo at baka malamigan ka pa dito sa labas. Naghanda ang Lola mo ng mainit na tsokolate at ang paborito mong cookies" nagliwanag naman ang mata ko. Kaya gustong-gusto ko ang winter dahil may mainit na tsokolate na gawa ni Lola, pati na rin ang cookies. "Sige po Lolo" binuksan ni Lolo ng maluwag ang gate. Napatingin naman ako sa paligid pati na rin sa bahay na walang naninirahan. Taka naman akong napatingin sa paligid nito, maraming iba't ibang palamuti sa pasko ang paligid nito na tulad ng kay Lolo at Lola. Dati ng walang tao sa bahay na iyun. Siguro ay may bagong lipat. "Nagtataka ka ba apo kung bakit maraming palamuti diyan sa kabilang bahay?" Nasulyap ako kay Lolo at tumango bilang sagot. "Ang pamilya Collins ang nandiyan, lumipat sila noong nakaraang buwan" ani ni Lolo. "Talaga po Lo?" Tumango ng marahan si Lolo. "Halika na muna apo at pumasok. Alam kong pagod ka, magpahinga ka muna at kwentuhan mo ako." "Opo Lolo" sagot ko na lamang. Si Papa ang humila ng aking maleta. Muli akong sumulyap sa kabilang bahay. May taong nakadungaw sa bintana at ramdam kong nakatingin ang parehas niyang mata sa gawi ko. Nang titignan ko siya ay bigla niya na lamang isinara ang kurtina. Napakurap-kurap naman ako. Para kasing nakakita ng multo ang saltik na iyon. Akala mo naman kakainin ko siya. Pumasok na lamang ako sa loob ng bahay. Sumalubong sa amin ang malaking christmas tree na may magagandang disenyo, pero may nakatawag pansin sa aking paningin, at iyun ang dalawang puting kalapati. Sakto lamang laki nilang dalawa, kasing laki lamang iyun ng aking hinliliit. Nilapitan ko iyun at pinagmasdan. Kung titignan mo sa malayo ay hindi mo makikita ang titik na naukit sa tagiliran ng isa't isa. Ang nakasulat doon ay. Eternal Love. Nasa mas malaking kalapati ang ukit na 'Eternal' habang ang mas maliit ba kalapati naman ay nakaukit ang 'Love'. Sa tagalog niyon ay walang hanggang pag-ibig. Ngayon ko lamang ito nakita. "Eternal Love, sa tagalog ay walang hanggang pag-ibig" napaigtad naman ako dahil sa malumanay na boses ni Lola. "Lola!" Mabilis akong yumakap sa kaniya. "Apo ko, dalaga ka na" sabi pa ni Lola. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa tuktok ng ulo. Kumalas ako ng yakap kay Lola. Tumingin siya sa dalawang puting kalapati kaya tumingin rin ako doon. Ano kayang mayroon doon? "Binigay sa amin ng Lolo mo ang dalawang puting kalapati iyan noong nagpunta kami sa Paris. Alam mo ba kung bakit binigay sa amin iyan?" Tanong ni Lola sa akin. "Bakit po binigay iyan sa inyo, Lola?" Ngumiti ng matamis si Lola. "Dahil nakikita ng nagbigay sa amin niyan ang habang buhay na pag-iibigan namin ng Lolo mo. Sa oras na iyun ay nagkatitigan pa kami ng Lolo mo. Maraming tanong sa aking isipan" putol ni Lola sa kaniyang sasabihin. "Ano pong katanungan iyun, Lola?" Tanong ko. Curious ako kung bakit ibinigay sa kanila ang kalapating iyun. "Halika at maupo muna tayo, alam kong pagod ka. Naghanda ako ng mainit na tsokolate at ang paborito mong chocolate cookies" inaya ako ni Lola sa dalawang pulang upuan na nasa gilid lamang ng christmas tree. Agad naman akong umupo doon. Sabik aking tikman ang gawa ni Lola at mas lalo akong nasasabik sa kwento ni Lola. Sa katunayan ay nakakatulog ako minsan kapag nagkukwento si Lola dahil sa lumanay ng kaniyang boses. Agad ko namang tinikman ang cookies at isinunod na ininom ang mainit na tsokolate. "Ang sarap mo, Lola. The best talaga itong gawa niyo" pamumuri ko. Natawa naman siya. "Ikaw talagang bata ka, Oo, hahahaha" nasisiyahan pang dagdag ni Lola. "Lola, ano pong nangyari noong nasa Paris kayo ni Lolo?" Muli kong tanong. Tumigil naman siya sa pagtawa at ngumiti sa akin. Dati ng nagkukwento si Lola tungkol sa nangyari sa buhay nila ni Lolo Jones, na noon ay napakasama raw noon ni Lolo dahil lagi niyang inaasar si Lola. "Noong nasa Paris kami ng Lolo mo ay puro asar lamang at pangguguyo ang ginawa ng Lolo mo sa akin, hindi ko siya pinapatulan dahil alam kong ako ang talo sa huli. Sa panahong iyun, gustong-gusto kong bumalik na lamang sa Pilipinas kaysa ang manatili sa Paris at makasama siya, ngunit wala akong magawa dahil kasama ko ang pamilya ko at kasama rin namin ang pamilya niya. Ang pamilya namin ay matalik na magkaibigan, noon pa man ay lagi na silang magkasangga sa lahat ng negosyong papasukin at gagawin nila. Ang Lolo Jones mo ang kaisa-isang anak at tagapagmana ng pamilya Villamor, lahat ng luho niya ay ibinibigay ng mga magulang niya. Mamahaling kotse, mahahaling telepono, branded na damit at mga mamahaling pabangong umaalingasaw sa bango sa kaniyang buong katawan, hindi ko mawari kung bakit ganoon siya maglagay ng pabango sa katawan, animo'y nagkikipaglaban siya sa bango sa ibang kalalakihan" natatawang kuwento ni Lola. Natawa rin ako, hindi ko alam na ganoon ang estilo ni Lolo. "Noong minsang nag-aya ang Daddy ng Lolo Jones mo ay agad namang pumayag si Papa at Mama. Ang akala ko'y sa bahay lamang nila kami magpapasko, ngunit sa Paris pala kami magpupunta. Matindi noon ang inis ko dahil ilang linggo kaming mananatili doon. Mula sa eroplano ay puro na lamang pang-aasar ang ginawa ng Lolo mo sa akin, kesyo ang pangit ko raw, nerd raw ako, at apat raw ang mata ko. Gustong-gusto ko siyang suntukin noon sa mukha, ngunit naisip ko, bakit ko sasaktan ang kamay ko sa matigas niyang pagmumukha" muli akong natawa. Nasa iba't ibang sulok ng bahay ang iba naming kamag-anak. Nagpapahinga sila upang makabawi ng enerhiya sa katawan. "Hahahaha, ang hard ni Lola" komento ko dahilan para matawa siya. "Noong minsan kaming namasyal sa Paris ay pareho kaming naligaw ng Lolo mo. Syempre na taranta ako noon dahil unang pagkakataon ko lamang pumunta sa Paris at ganoon rin ang iyong Lolo. Umiyak lamang ako noon ng umiyak, at ang Lolo mo naman ay rinding-rindi sa iyak ko" muling sumulyap si Lola sa dalawang puting kalapati. "Napadpad kami sa tindahan, iyun lamang ang tindahan na bukod tangi dahil sa kakaibang disenyo ng panlabas nito. Pumasok kami ng Lolo mo roon at nagtanong. Hindi namin sukat akalain na imbes na aluhin at kaawaan kami ng matandang nagtitinda ay masaya pa itong nakatingin sa amin ng Lolo mo. Kinilabutan kaming pareho sa mga titig niya" saad pa ni Lola sa pangyayari. "Ano pong sumunod na nangyari, Lola?" Muli kong tanong kay Lola. Matamis siyang ngumiti sa akin. "May lahing Pinoy ang nagtitinda kung kaya't malinaw naming naintindihan ang kaniyang sinabi. Ang sinabi niya sa iyong Lolo ay huwag niyang itago kung ano man ang nakakubli sa kaniyang puso, umamin na siya kung ano man ang nararamdaman niya at baka lumihis ang tadhana sa iba pa mapunta ang ninanais niya" taka naman akong tumingin kay Lola. Hindi ko naintindihan ang sinabi ng matanda kay Lolo. Huwag itago ang nakakubli sa kaniyang puso at baka lumihis ang tadhana. Nagpaulit-ulit iyun sa aking pandinig. Iniisip ko kung ano ang ibig sabihin at ipahiwatig ng katagang iyun. Paniguradong aabot ako mapakaraming taon bago iyun maintindihan. "Alam kong nalilito ka, tulad ng pagkalito ko rin noon. Sa lalim ng kaniyang sinabi ay hindi rumihistro sa aking isipan ang mga katagang iyun. Ang Lolo mo naman ay bigla na lamang sumeryoso ang mukha, alam kong naintindihan niya dahil matalino ring tao ang Lolo mo. Ang sabi pa ng matandang babae noon ay isiwalat ang nasa loob at huwag ilihim, iyan ang muling saad niya. Muli na naman akong nalito, nagpabalik-balik pa ang tingin ko sa kanilang dalawa na para bang magkatunggali sila" nakinig lamang ako kay Lola. "May ibinigay siya sa amin, at iyun ay ang dalawang puting kalapati. Isa para sa akin na may ukit na 'Love', at isa naman sa iyong Lolo na may ukit na 'Eternal'. Hindi ko iyun nais tanggapin, ngunit dahil mapilit ang matandang babae ay kinuha ko na lamang iyun. Ang saad niya ay ang dalawang puting kalapating iyun ay simbolo ng hangganang pag-ibig, iyun rin ang simbolo ng katatagan ng bawat magkasintahan at mag-asawa." "Lola, paano niyo pa nasabing kayo na ni Lolo ang para sa isa't isa? Hindi ba, magkaaway kayo noon? Paanong naging forever ang love story niyo?" Usisa ko pa. "Hindi ko rin alam apo. Basta ang alam ko lamang ay mula noong nahanap at nakabalik kami sa Pilipinas ay hindi na ako inaasar ng Lolo mo, nilubayan niya ang pagiging maguyo niya sa akin. Nagulat na lamang ako isang araw ay binigyan niya ako ng bulaklak. Nagtapat siya sa akin ng pag-ibig, sa una ay hindi ako naniniwala sa mga ikinikilos at sinasabi niya dahil nga sa nakaraan namin noon. Ngunit ilang araw, linggo, buwan at taon akong niligawan ng Lolo mo. Alam kong taos-puso ang ginagawang pagsuyo ng iyong Lolo. Sa bawat oras na dumaraan ay unti-unting nahulog ang loob ko sa kaniya. Noong kalagitnaan ng pagdiriwang namin ng pagtatapos sa kolehiyo ay bigla na lamang lumuhod sa harapan ko ang Lolo mo, inilabas niya sa kaniyang bulsa ang pulang maliit na kahon. Nang buksan niya iyun ay isang makinang na singsing ang bumungad sa akin. Inalok niya ako ng kasal at saksi ang aming pamilya sa lahat ng nangyari sa gabing iyun. At noon ko pa lamang napatunayan na mahiwaga pala ang dalawang puting kalapating iyun. Pinagbuklod niya ang dalawang tao at dinala sa walang hanggang pag-iibigan." "Ang galing naman po ng love story niyo ni Lolo, Lola. Sana ako rin ganyan" napapanguso kong saad. Napatawa naman si Lola. "Nakakahanap ka rin ng lalaking magmamahal sayo ng tapat at tunay. Sa katunayan ay ibinigay ko rin ang kalapating iyan sa iyong ama, ngayon ay mas napagtanto kong tunay nga ang hiwaga ng puting kalapati na iyan" tumayo si Lola mula sa upuan at lumapit sa dalawang puting kalapati. Kinuha niya iyun mula sa sabitan at muling lumapit sa kinaroroonan ko. "Nais kong itago mo ito para sa akin at para na rin sa Lolo, Papa at Mama mo. Saksi iyan sa aming wagas na pagmamahalan, kung kaya't sanay pagkaingatan mong mabuti iyan" inilahad ni Lola sa akin iyun. "Pero Lola, hindi ba inyo ito? Mahalaga ito sa iyo." "Apo, matanda na ako. Hindi ko na iyan maaalagaan kapag nawala na ako sa ibabaw ng lupa. Nais kong itago mo iyan bilang alaala ko at ng Lolo mo, isipin mo na simbolo iyan ng pagmamahal namin sa iyo" isang matamis na ginawad niya sa akin. "O'siya, maiwan na muna kita riyan at may gagawin pa ako sa kusina" tinalikuran ako ni Lola at naglakad papalayo sa akin. Napadapo ang aking tingin sa dalawang puting kalapati. Hindi ko alam kung anong hiwaga nito pero alam kong mahalaga ito. Itinago ko iyun sa aking maliit na shoulder bag. Muli kong inisip ang nakaukit doon. Eternal Love.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook