Humakbang paatras si Carly hanggang sa tuluyan siyang tumalikod at maglakad palayo. Mariin siyang pumikit subalit kaagad ring dumilat nang marinig na sumunod si Adele sa kaniya. “Pres! OMG! Nag-kiss sila!” Mahinang asik nitong namimilog ang mga mata. “No, wait! Let me rephrase it! Hinalikan ni Vice si Papa R! Gosh! Ti-no-two time ka niya!” “Adele, walang kami. Ilang beses ko dapat sabihin? He could kissed anyone who he likes.” “Tingin mo sila na kaya, Pres? Pero hindi naman sila magkikiss kung hindi sila di ba? And take note nasa dilim sila..” napailing ito. “Sad, I was rooting you and Papa R pa naman.” Hindi na umimik si Carly hanggang sa makabalik sila sa loob ng gymnasium. Everything suddenly became colorless. Ang kaninang masaya at maingay na paligid ay tila naging black and white.

