"Anong ginagawa mo rito?!" Sabay na naman nilang tanong. "Bahay ito ng Lola ko." Nagkasabay na naman sila. "Nagdedeliver." Iwinasiwas ni Carly ang kamay para sa sabihing na mauna siyang magsasalita. "Wait, me first! Nagdedeliver ka? Anong dinideliver mo?" Itinaas nito ang hawak na bugkos ng kung anong nakatali at nakabalot sa dahon ng saging. "Kesong puti." Namilog ang mga mata ni Carly. Napakapit pa siya sa hamba ng pintuan upang hindi mabuwag sa pagtayo. "Oh. My. Freaking. God! Ikaw ang suitor ni Lola Esmang!!!" "Ha?" Nagsalubong ang kilay ni River sa pagtataka. "Anong suitor sinasabi mo—" Natigilan ito nang mula sa loob ay sumulpot si Pipay sa tabi ni Carly at sumungaw sa labas. Kaagad nagliwanag ang mukha nito nang makita ang binata. "Ayyyyy! Nandito ka na pala! Pasok! Pasok

