"So, tinotoo nga ni Tita ang banta na ipapadala ka sa province ng Lola Esmang mo?" Tinanguhan ni Carly si Vince na kasama niyang binabaybay ang daan papuntang auditorium para sa general assembly. Yes, sembreak is finally over! They're back to their daily routine. As usual sinundo siya nito sa bahay kaninang umaga at daming pasalubong sa kaniya pati sa parents niya. It's one of those many things she liked about her bestfriend. Ang kinaiinis niya lang rito kapag sinisermonan siya na mas malala pa sa Daddy niya. "At napahamak ka na naman? You sprain your ankle?" Ipinaalam ni Lola Esmang sa parents ni Carly ang tungkol sa na-sprain na paa. Then her Mom told Vince about it. She nodded again. "Yeah. But I'm fine now." Inalis na ang wrap at hindi na rin niya kinakailangan mag-saklay.

