Puspusan ang ginagawa nilang paglikom ng funds para sa charity sa mga sumunod na araw. Nagpasya silang maghiwa-hiwalay para mas marami silang malikom na pera. Si Chichi at Berna nag-focus sa pagsosolicit. Pabebenta ng baked goodies naman ang kina Adele at Kipay. Habang sila ni River ay nandito ngayon sa seaside ng isang mall. Suhestiyon nito ang magtayo ng simpleng photobooth na ang proceeds ay mapupunta sa charity. Effective naman dahil sa ilang araw nilang pagpunta rito pagkatapos ng klase, malaki-laki na ang nalilikom nila. Maybe, factor rin na magaling talagang photographer si River kaya yung iba bumabalik at may kasama pa. "Mas malaki ang kinita natin ngayon kumpara kahapon!" Masayang binalingan ni Carly na nakasalampak sa sahig at binibilang ang mga bariya at bills na nasa ba

