Gumilid si Carly nang pumasok si Llana sa loob hindi pa man niya ito pinahihintulutan. Sinunda niya ito ng tingin nang huminto sa gitna ng silid habang ipinalilibot ang tingin. Hindi ito ang unang beses na nakapasok si Llana sa kwarto niya. She often sleep here back in their high school days. Pagtuntong ng kolehiyo ay naging malimit na 'yon. Hanggang sa halos hindi na ito pumupunta sa kanila dahil naging abala na sa dala-dalawang part time job. "Tita and Tito invited me to sleep over. Gabi na raw kasi. Nag-aalala silang mapahamak ako," sabi nitong naupo sa ibabaw ng kama. "Uh, yeah. I was thinking the same." tugon ni Carly na naupo sa tabi nito. Dumaan ang mahabang katahimikan sa pagitan nila. Nakikiramdam lang siya kahit ang totoo ay gusto niya itong tanungin bakit pumarito sa kani

