"Pres, okay ka lang?" Nag-alalang tanong ni Adele pagbalik ni Carly sa table nila. Lumingon pa ito sa labas ng gym bago bumalik ang tingin sa kaniya. " Namumutla ka.. Nasaan na si Papa R? Akala ko mag-uusap kayo?" Sunod-sunod ang naging pag-iling ni Carly. Yumuko siya para ikubli ang nangingilid na luha ng mga mata. Dapat masaya sila ngayong gabi. This is basically the last party they will be together. Kaya ayaw niyang idamay sa miserableng nararamdaman ang mga kaibigan. "N-Nag-usap na kami," pagsisinungaling niya. "Anong sinabi? Did he confessed?" Huminga ng malalim si Carly saka lang pumihit sa kaibigan at pilit ang ngiting sumilay sa labi. "No. But we settled things." Dinampot na niya ang bag. "I gotta go. Nagpasundo na ako kay Mang George." "Ha?! Uuwi ka kaagad!" Napatayo pang b

