Inalalayan ni Carly ang kaibigan at pinaupo ito sa bench. Hinayaan niya lang itong umiyak hanggang sa medyo kumalma tsaka niya kinausap ng masinsinan. "L, tell me.. who is the father of your child?" Nag-alala at the same time ay naguguluhang tanong niya. Humihikbi itong sunod-sunod umiling at nanatiling walang imik. "Hey... I'm your friend..." aniyang inilapat pa ang kamay sa balikat nito para i-comfort ang dalaga. "You can tell me..." Subalit nanatiling pag-hikbi at impit na iyak ang tugon ni Llana. Nang mapagtanto ni Carly na wala talagang balak na sabihin ng kaibigan ang Ama ng dinadalag nito, nakakaunawang tinapik na lang niya ito sa balikat. Gumagabi na, delikado at hindi na rin maganda sa kalagayan nito ang mapagod at ma-stress. "Come on, i'll take you home.." aya na niya rit

