Chapter 6

4170 Words
HAPON na at uwian pa kaya dinudumog ng mga estudyante mula sa kalapit na university ang street food vendors sa gilid ng Priceton. Malakas ang upbeat na music pang-enganyo sa mga dumaraan. Mukhang effective naman, dahil punuan ang mesa kung saan pwedeng mag-dine. Ang iba nakaupo, may nakatayo na gilid nila at naghihintay na matapos. Luckily, River managed got them a seat. Magkaharap silang umupo sa pandalawang mesa. May libre ng isang pitsel na malamig na tubig kaya 'di na sila bumili ng softdrinks. "So, paano kainin 'to?" Tanong ni Carly pagkatapos kuhanin ang balut na nasa bowl. Medyo mainit-init pa 'yon. "Madali lang. Ganito," sagot ni River na kinuha ang balut sa bowl nito at bahagyang pinukpok sa ibabaw ng lamesa saka pinakita ang maliit na crack roon. "Huwag masyado malakas para 'di mabasag ng malaki. "Ah... ganun pala..." patango-tangong sumunod ginaya niya ang ginawa ng lalaki. Lumingon siya rito ng tumagas mula roon ang kaunting sabaw. "Oh, yes. We have to drink this, right?" "Oo." Tumango ito sabay pinagbunggo ang balut nila. "Cheers!" Pinikit ni Carly ang isang mata at sinasabayan ito sa paglagok ng sabaw mula sa balut. She was expecting it to taste bad. Subalit unti-unti namilog ang mata niya. "It doesn't taste bad at all!" Gulat niyang bulaslas at muling humigop ng sabaw. "Lasa siyang broth!" "Hindi pa 'yan ang tunay na challenge," ngumisi si River at ipinakita ang fertilized duck. "Ito, oh." Namilog ang mga mata ni Carly ng kainin nito 'yon ng buo! "It's your turn." He said evilly. Nakangiwing pinagmasdan ni Carly pobreng baby duck. "Should I really have to eat this?" Lumunok pa siya ng ilang beses bago pikit matang sinubo 'yon. Halos hindi na niya 'yon nginuya! Diretso lunok na! "Ah! Tubig!" Tili niya habang pinapaypay ang mga kamay sa bibig. Tumatawang inabutan siya ni River ng isang basong tubig. Napangalahati niya 'yon ng isang inuman lang! "Anong lasa?" Tatawa-tawa pa ring tanong nito. "Lasang weird!" Kinikilabutan siya habang maarteng nangingisay. "Ayoko na nun!"Teka, ano pa ba mga binili mo dito?" Isa-isang nitong tinuro ang nasa plato na akala mo nag-lelecture sa isang bata. "Isaw... betamax... Adidas—" "Adidas? Like the shoes?" Kinuha at pinagmasdan niya ang inihaw na paa ng manok. "Oh, right! I get it! Kasi paa!" Bumungisngis siya. "Ang witty naman!" "Ito tikman mo," inilapit ni River sa bibig niya ang inihaw na hindi niya alam kung anong tawag at kumagat roon. "Ang sarap! Ano yan!" "Isaw ng baboy," sagot nitong kinain yung kinagatan niya. "Gusto mo pa?" Sunod-sunod siyang tumango at ibinukas ang bibig. "Yes, please! Ah..." Natawa ito pagkatapos kumuha ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi niya. "Parang bata kumain.. ang kalat." She giggled at his face. "Thank you!" Nagkukwentuhan sila habang kumakain. Sports, fashion, photography, basta kung ano lang maisip nila. Walang specific na topic. She has never met someone, na all ears at attentive sa mga sinasabi niya kahit walang kwentang bagay. His presence was also calming. Masarap at magaan itong ksama at kausap. It feels like she could tell him, anything. "Both of my parents are doctors." Kibit balikat ni Carly habang hinahalo ang mais con yelo niya. Kasalukuyang naglalakad sila papunta sa sakayan ng jeep. Busog na busog na siya pero nagpumilit pa rin na bumili ng desert si River. "How about you? Anong work ng parents mo?" "I grew up without my parents." Natigilan siya at tiningala ito. "What... Why?" "Separated na sila. And they both have their own family. I was left in the care of my relatives." It must have been really hard for him. Sinong nag-aalaga rito kapag may sakit? Naghahanda ng pagkain? Nag-bibigay ng guidance? "Oh... I'm sorry." She said softly. "It's okay.." Tipid itong ngumiti. "Saan ka pala galing kanina? Nakita kitang bumaba ng sasakyan." Pag-iiba nito sa topic. Hindi na nagtanong pa si Carly lalo na't hindi man nito sabihin, ramdam niyang hindi ito komportable na pag-usapan 'yon. "Ah, sinamahan ko yung best friend ko sa police station." "Bakit? May problema ba?" "Long story.. Anyway... Dito na lang pala ako." Huminto si Carly at lumingon sa Starbucks. "Gusto mo magkape?" Lingon rin doon ng lalaki. "Hindi. Magkikita kami ni Vince, eh." Tinadtad na naman kasi siya ng gigil na chat ni Vince. Sinabi naman kasi niyang mauna na itong umuwi. Pero makulit, naghintay pa rin pala sa library. Tapos magagalit sa kaniya. "Ah..." patango-tango nitong usal at bumaba rin ang tingin sa hawak na cellphone. "Tara, sabay na tayo. May kikitain rin pala ako diyan." Nagsalubong ang kilay niya. Kikitain? Sino naman kaya? *** MAGKASUNOD na pumasok sa loob ng Starbucks si Carly at River. Natanaw nila kaagad si Vince sa tabi ng glass wall at abala sa laptop nito. "Nandoon na si Vince." Nginuso ni Carly ang kinaroroonan ng kaibigan. "I gotta go." Namulsa si River at nagkibit ng balikat. "Samahan na kita." Hindi na siya tumanggi nang sumunod ito sa kaniya. Marahil ay gusto batiin si Vince. Kaya lang mas lalo siyang aasarin ng lalaking 'yon! "Oy, pre. Anong ginagawa mo rito?" Gulat na napatayo si Vince at tinapik sa balikat si River nang huminto sila sa harapan nito. "Magkasama kami ni Carly," sagot nitong lumingon sa dalaga. "Nagkasabay kayo papunta rito?" Paglilinaw ni Vince. "Hindi. Magkasama na kami kanina pa bago pumunta rito. Kumain lang." "Kumain? Magkakilala na kayo?" Nagtaka ito pagkatapos ay sabay na tumaas ang mga kilay. "Ah, oo nga pala! Nakilala mo na 'to no'ng timaan ng bola sa mukha!" "Duh..." inirapan at pinalo ni Carly sa braso ang kaibigang tuwang-tuwa sa pagpapaalala sa kaniya ng katangahan niya. "Happy ka?" "Ang lampa mo kasi!" Tumawa na naman si Vince. "Magkakilala na kami ni Carly bago pa mangyari 'yon." Natigilan ito sa pagtawa at binalingan si River. "Ha? Pa'no? Saan?" Naglilipat-lipat pa ang tingin ni Vince kay Carly at River nang mula sa likuran ay may magsalita. "Excuse me... You're River?" Sabay-sabay na napalingon doon ang tatlo. Nagtaka si Carly at Vince nang makita si Llana na kumunot ang noo nang makita rin sila. Ang alam kasi nito ay umuwi na si Carly pagkagaling sa presinto. "Teka, anong ginagawa niyo rito?" Nagtatakang tanong ng dalaga. Carly stepped forward. Ang tingin niya ay na kay Llana pagkatapos ay lumipat kay River. "Magkakilala kayo?" Base sa narinig niya, tinawag ni Llana sa pangalan nito si River. Ito ba ang kakatapagpuin ni River? Anong meron sa kanila? Oh, my, god... are they dating?! Umiling si River. "Hindi kami magkakilala. Ngayon lang kami magkikita." Tumango si Llana. "Aksidenteng nahulog ang wallet niya at ako ang nakakita kahapon. Sinubukan ko siyang habulan kaya lang nakasakay na siya ng jeep. Na-contact ko lang siya dahil may ID roon sa wallet." Carly didn't know why she felt relieved, when she heard that they're not dating. "Teka, bakit nga pala kayo nandito? Akala ko umuwi ka na? Tsaka kilala niyo ba siya?" sunod-sunod na tanong ni Llana kay Carly at Vince. "Magka-team kami sa soccer," sagot ni Vince. "Nagkakilala naman sila ni Carly nung maysumalpok na bola sa mukha nito." Sabay turo sa mukha ni Carly. "No." Umiling si River. "We've met when I lent her my shirt, noong matapunan ng drinks ang damit niya." Mabilis napabaling ang tingin ni Vince at Llana kay Carly pagtapos ay sabay ring sinabing. "Siya 'yon?!" Ha? Bakit naman ang OA yata ng reaksyon ng mga ito? * * "Umamin ka nga sa akin, nag-da-date ba kayo ni River?" Ngumuso si Carly at gumulong sa kama. She's wearing a pale pink night gown at kausap si Vince sa telepono. Mula kanina pa sa sasakyan hanggang maihatid siya nito sa bahay, wala ng tigil sa pagpapaamin sa kaniya. "Hindi nga! Bakit ba ang malisyoso mo?" Ano ba kasing aaminin niya kung hindi naman talaga sila 'dating' ni River! "Oh, bakit kumain kayo sa labas?" "Isn't it what friends do?" Umiirap na tumihaya siya ng higa at nanunulis ang ngusong tumitig sa ceiling. "Friends? You considered him a friend? Kakikilala niyo pa lang, Carly! And you even went out with him!" Nakaramdam siya ng inis. Kung magsalita kasi ito parang masamang tao si River! "Ano naman kung bago palang kaming magkakilala? Doon ba nasusukat pagkakaibigan? At anong masama kung lumabas kami? Lumalabas rin naman tayo, ah? Lumalabas rin kami ni Llana!" Tapos kay River parang hindi pwede?! "What I meant is, hindi mo pa gaanong kilala ang taong 'yon! Sumasama ka kaagad!" "Hindi?" Umismid si Carly. Naupo na siya at nag-indian sa ibabaw ng kama niya. Parang di siya makahinga sa inis, eh. "Team mate mo siya, nag-aaral sa Pricetone at fine arts student! Kulang pa ba ang information na 'yon to start a friendship?" "Really, Carly!" Lalo rin naghuramentado ang boses nito. Ayaw patalo sa kaniya. "Ano ba dapat? Should I ask him to gave me a resume? Para matanggap ko siya bilang friend!" "Stop talking non sense! I told you, he was kicked out of his team! He was kicked out of Summerfield! And no one in the team knows the reason!" "And so?" Sarcastic na balik niya. "Bakit, ano namang dahilan para sabihin pa niya sa inyo? Kailanga pa bang i-broadcast ang bagay na 'yon! Maybe he just wanted to start a new beginning here at Priceton. Pero pilit niyo pa gusto alamin yung past nung tao!" Yes. Madalas silang mag-asaran ni Vince. Nagkakatatapuham rin. Pero hindi pa sila nagtalo ng ganitong halos nagsisigawan na at kulang na lang ay tumaas ang blood pressure niya! Hindi ganito ang reaksyon ni Vince no’ng Llana ang isinama niya sa grupo nila. Parang mas malala ngayon. At mas malala rin ang inis na nararamdaman niya. "Ang punto ko hindi mo ba naiisip ano ang naging dahilan bakit siya na-kicked out? Alam nating hindi basta ma-i-expelled sa isang university kung hindi mabigat ang ginawa mo!" Napapagod na umiling si Carly. "Whatever you say, I know he's a good person. And I don't care what he did in the past as long as he treats me right. Bye." Binaba na niya ang tawag. Napabuntong hininga siya bago muling humiga at tulalang napatitig sa kisame. Was it about his family? Why he got kicked out of school? Or was he got in trouble? Tumagilid siya ng higa at habang nakatitig sa cellphone ay may pumasok na ideya sa utak niya.. * * MAINGAY na nagkukwentuhan ang mga estudyanteng nananghalian sa canteen pagpasok ni Carly at Llana. Lumibot ang tingin ng dalawa, naghahanap ng mapupwestuhan. Nakakita naman sila ng bakanteng mesa sa medyo dulo. "Ang tagal naman nila," maktol na luminga si Carly sa may entrance ng canteen bago chineck ang cellphone kung may chat. Wala pa rin. "Nagugutom na ako, eh!" Inilapag ni Llana ang lunch bag sa table at nilabas ang baunan doon. "How can you be so sure na darating ba yung dalawang 'yon?" "Nag-chat ako sa group chat natin kanina bago mag-bell. Nag-seen naman sila." Last night she was thinking how hard it was for River to be alone in a place that he's not familiar with. Transferee at irregular student. Walang kakilala at kaibigan. Naniniwala kasi si Carly sa kasabihang 'No Man Is An Island'. That's why she came up with an idea to make a group chat. In-add niya roon si Llana at Vince Para hindi naman maramdaman ni River na mag-isa siya. Kahit, hindi niya alam kung gano'n nga ang nararamdaman ng lalaki. Gusto niya rin ipakita rito na kung kailang nito ng tulong ay may malalapitan ito. "Ayan na pala sila, eh!" Nagliwanag ang mukha ni Carly nang matanaw ang dalawang matangkad na lalaking pumapasok sa loob ng canteen. Tumayo siya at kinawayan ang mga ito. "Hey, boys! Here!!" Napapalingon pa ang ibang estudyanteng nadadaanan ng dalawa. Well, they're both head turner with their height and body. Mas matangkad lang si River ng maybe two inches? "Bakit ang tagal niyo?" Tanong ni Carly paglapit ng dalawa. "May quiz ako sa last subject before lunch break. Chat ka pa nang chat!" Padaskol na sagot ni Vince sabay naupo sa tabi niya. Umusog naman si Llana para bigyan ng espasyo si River sa tabi nito. "Hi," ngiting bati nito kay River. Tipid itong ngitian ni River bago naupo na rin. "Tsaka para saan ba yung GC? Bakit may ganun pa?" Kunot ang noong tanong ni Vince habang nilalabas ang baunan mula sa bag. Ayaw na ayaw nito na bumibili ng pagkain sa canteen. Masyadong health concious. Kahit nag-away sila kagabi, sinundo pa rin siya nito kaninang umaga sa bahay. Well, hindi naman kasi sila tumatagal ng magka-away. At ang babaw na dahilan na ang pakikipagkaibigan niya kay River ang sisira sa pagkakaibigan nila ni Vince. Ngumuso si Carly. "I'm hungry..." "Bat di ka pa bumili ng pagkain mo!" "Nagbabaon ka rin pala?" Puna ni Llana nang ilapag ni River ang sariling packed lunch sa lamesa. "Oo, minsan. Para tipid," kibit balikat na sagot nito at bumaling kay Carly. "Bili ka na ng pagkain mo? Samahan kita?" "Ah. Hindi na. Ako na lang!" Ngumiti si Carly bago bitbit ang wallet na nagpunta sa hilera ng mga food stall. Parang may zombie attack! Nag-uunahan sa pila ang mga estudyante. Akala mo mauubusan ng pagkain. Nakatayo lang roon si Carly. Hinihintay na humupa ang mga tao nang mabangga siya ng isang nagmamadaling estudyante. Napaatras siya at tumama ang likod sa isang bulto. Pagtingala niya— si River. Hindi niya nalamayang sumunod pala ito sa kaniya. "Tapos ka na kumain?" "Hindi pa. Hintayin na lang kitang makabili." Bumalik ang tingin ni Carly sa unahan. Hindi pa rin umuusad ang pila. Luminga siya sa ibang nagtitinda, naghahanap ng ibang pwede pang mabilhan. "Mauubos pa kaya mga zombie na 'to?" Narinig niyang natawa si River. "Gusto mo share na lang tayo sa baon ko?" "Ha?" Pumihit siya paharap rito. ""Baka naman kulay pa 'yon sa 'yo! Huwag na." Tanggi niya. Kahit ang totoo kanina pa kalam na kalam ang sikmura niya. "Eh, mukhang matatagalan ka pa rito sa pila. Malapit-lapit na rin mag-bell." Hinawakan nito ang kamay niya. "Tara na. Marami naman 'yon." "Oy, wag na—" pero hinila na siya nito pabalik sa table nila. "Oh, nasan ang binili mo?" Lingon ni Vince pagkatapos uminom sa bottled water nito. "Ang daming bumibili. Kung maghihintay kami roon bukas pa siya makakain," sagot ni River na binuksan ang packed meal at iniabot kay Carly. "Oh, kain na." Natigilan si Llana sa pagsubo at binalingan ang lalaki. "Anong kakainin mo?" "Share kami!" Ngisi ni Carly sabay baling kay Vince na isinisilid na sa loob ng lunch bag ang tupper ware. Hindi man hinintay na bumalik sila para sabay-sabay kumain! "Doon ka muna nga sa tabi ni L." Nakasimangot naman itong tumayo. At medyo padabog na naupo sa tabi ni Llana na nakatingin kay Carly at River. "Let's eat!" Masiglang sabi ni Carly. "Oh..." inabot ni River ang kutsara sa kaniya. "Mauna ka na. Kung ano yung matitira mo yun na lang ang sa 'kin." "Ha?" Tinitigan niya ito sabay iling. Nakakahiya naman kung ganoon. Siya na nga lang ang nakiki-share rito. "Hindi. Share tayo. Wait!" Mabilis umalis si Carly sa pwesto niya. Pagbalik ay ipinakita niya rito ang hawak. "Humingi ako ng disposable spoon and pork! Kain na!" Napangiti si River. Curious naman na bumaba ang tingin ni Carly sa pagkain. She was not familiar with it. Pero mukha namang masarap at amoy masarap rin! tinusok niya ang cube cut na tofu at isinubo. Namilog ang mata niya. "Ang sarap! You made this?" Napapakamot ito sa ulong tumango. "Oo. Sisig Tofu." "Ugh! This so good!" Binilisan niya ang pagsubo. "You want guys?" Alok pa niya kay Vince at Llana. Umiling si Vince na abala sa pagdutdot sa cellphone. "Nah, I'm full." "Ayoko." Umiling naman si Llana pagkatapos ay niyuko ang sariling pagkain. "Nag-aalok ka hindi naman 'yan sa 'yo. Tirhan mo 'yong may baon." Napatigil sa pagsubo si Carly at nakaramdam ng hiya. How can she be so selfish and insensitive. Paano na lang kung isipin ni River na kaya niya ito isinama sa grupo nila para i-take advantage! Nakagat niya ang ibabang labi at binitiwan ang kutsara saka marahang tinulak ang baunan papunta sa lalaki. "Sorry... sige na, kumain ka na.. I'm already full. Thank you for the food." Subalit napaangat ang tingin niya rito nang itulak nito ulit ang packed meal pabalik sa kaniya. Ngumiti ito at marahan siyang siniko. "Oh, akala ko ba masarap. Bakit busog ka na kaagad? Niloloko mo lang ata ako, eh. Kain ka pa. Sabayan kita." Tumusok ito ng tofu. "I'm fine. Busog na talaga ako—" natigilan na lang siya ng isubo nito ang pagkain na nasa tinidor sa bibig niya. "Magsasalita ka pa. Kumain ka na lang." Ngumuso na lang si Carly upang pigilan ang ngiting pilit na lumalabas sa labi niya. * * Pabalik na sila sa klase pagkatapos marinig ang bell nang matigilan si Carly at huminto sa harapan ng malaking bulletine board kung saan pinapaskil ang mga reminders, importanteng announcements at upcoming events. Natuon ang atensyon niya sa poster ng paparating na Fashion Week. Mag-iisang linggo na mula no'ng magsimula sila sa preparation. Halos wala pa sa kalahati ng damit na dapat i-rampa sa runway ang nagagawa nila ni Adele. Last update ni Chichi at Kipay wala pang nakikitang modelo. Ganoon rin sa props na ginagawa ni Berna. "Isang linggo na lang pala ang natitira..." Laglag ang balikat na bulong niya, nakatingala sa malaking board. "I told you, just drop it. Nagpapakapagod lang kayo sa wala," pailing-iling na sabi ni Llana at lumakad na ulit. Nanatili namang nakatayo lang roon si Carly. Nagtatalo ang isip niya kung susundin na lang ba ang matagal ng sinasabi ni Llana na huwag na silang sumali o ipagpatuloy kahit alam naman niyang gagahulin sila sa oras. Sayang rin naman yung pagod at oras na inilaan na nila roon. At nakikita niya ang mga kasama na kahit struggle ay nag-eenjoy. That's what really matters, right? 'Yong masaya ka sa ginagawa mo. "Anong tinitingnan mo diyan?" Napalingon si Carly at nakita si River na nakatayo na pala sa tabi niya. "Upcoming event sa department namin." Bumalik ang tingin niya poster. "Yan ba yung kinuwento mo kahapon?" Yumuko ito ng kaunti para tingnan ang mukha ng dalaga, pagkatapos ay lumipat ang tingin sa poster. "I thought you were excited about this?" Marahan siyang tumango rito. "I am excited." "Opposite to what I'm seeing." Sumandal ito sa bulletine board, nakaharap sa kaniya habang magka-krus ang mga braso sa dibdib. "Tell me what's the problem?" Malungkot na bumuntong hininga si Carly. "Alam ko naman kasing kukulangin kami sa oras. Kulang rin sa member. Pero gusto ko pa rin ituloy..." "Hey, guys! Let's go!" Biglang sigaw ni Llana na nakatayo at naghihintay sa gitna ng pathway. “Tara na.” Pag-aya niya kay River. Sumunod ang lalaki at bumagal sa paglalakad para sabayan si Carly. "May gagawin ka mamaya?" Sumulyap siya kay River. "Uh, may meeting kami sa org. room. Why?" "Saan yung org. room niyo?" "Carly, We're gonna be late!" May pagmamadaling tawag na naman ni Llana sa 'di kalayuan. “I gotta go!” Tumalikod siya pero pumihit rin paharap at paatras na humahakbang. "Room 14. Mozart Building! Toodles!" Kinawayan niya ito bago nagmamadaling nilapitan ang naiinip na si Llana. "Anong pinag-uusapan niyo?" Usisa nito na tinatanaw si River at Vince paliko ng hallway— papunta kung nasaan building ng mga 'to. "Nothing. Tinanong lang niya ako kung saan ang org. room natin,” “Bakit magkikita kayo?” Kumunot ang noo ni Carly. “Hindi. Wait, akala ko ba late na tayo! Tara na!” Nagpatiuna na siyang lumakad. Sinundan ni Llana ng tingin ang kaibigan.. * * NAKATAYO si Carly sa unahan at nagsisimula na ang meeting nila sa org. room. “Pres, may limang damit na akong nagagawa,” imporma ni Adele. “Ang concern ko lang ay ‘yong sukat. Until now, wala pa rin update sa mga nakukuhang rarampa.” “Madali na magawan ng paraan ang adjustment sa size,” Binalingan ni Carly ang dalawang balak na nireretouch pa ang make up ng isa’t isa .“Chi, Ki? Ano na balita? May nakausap na ba kayong willing maging model?” “Ay, Pres! Ang hirap humanap!” Tumitikwas ang daliring tili ni Chichi. “Ang aarte! Kala mo kagandahan! Mukha namang mga paa!” “Sino ba kasing in-approach niyo kasi?” “Yung dating nanalo na Mr. and Ms. Priceton! Tsaka yung mga taga-tourism!” Sagot ni Kipay. “Sa true lang! Aarte! Mukha namang mangga. Ang aasim ng itsura!” Natampal ni Carly ang noo niya. “Bakit naman kasi yon ang in-approach niyo? I-try niyo na lang sigurong humanap sa lower batch, okay?” Mas madaling kausap ang mga bata. Binalingan naman niya si Berna. “How about the props?” “Naku, Pres, umalis si Papa may out of the town trip! Hindi pa namin natatapos yung para sa stage. Hindi ko rin madadala rito dahil dinala niya yung sasakyan namin.” “Pero kaunti na lang ang dapat tapusin roon di ba?” “Oo. Kaya naman siguro ‘yon matapos before ang runway.” “Good.” Kahit paano nabuhayan siya ng loob. Pero may isa pa pala silang problema. They needed a videographer and photographer dahil kailangan i-upload sa social media ang mga footages ng fashion show. “Sino na nga in-assign ko sa paghahanap ng photographer?“ Kunot ang noong nagkatingin ang mga ito bago sabay-sabay na umiling. “Sa pagkakatanda ko wala kang in-assign, Pres,” sagot ni Adele. “What…” natampal na naman niya ang noo. Madali lang sana kung pwede kumuha ng professional, pero ayon sa in-announce dapat ay estudyante rin ng Priceton! Tulad rin sa mga models. “I told you. Just drop it. Ang tigas rin ng ulo mo. Pinipilit mo kahit di mo naman kaya. Hindi ka magmumukhang mahina kung minsan susuko ka, Carly.” Naiiling na kinuha na ni Llana ang bag at isinukbit. “Mauna na ako sa inyo. Pasensya na kung wala akong ambag.” Nakakaunawang nginitian ni Carly ang kaibigan. Mas mabigat ang mga pinoproblema nito kaya naintindihan niya. “Okay lang. Ingat ka. Bye!” Tumango si Llana at binuksan ang pinto. Subalit natigilan ito sa tuluyang paglabas nang may bultong nakatayo at humarang doon. “Si Carly?” Napalingon si Carly sa pintuan kung saan narinig na may naghanap sa pangalan niya at napatayo nang sumungaw mula sa pinto si River. “Hey!” Lumapit siya at kaagad na nilakihan ang bukas sa pinto. “What are you doing here?” Kunot noong sinulyapan niya ang tahimik na si Llana sa gilid bago bumalik ang tingin sa mukha ng lalaki. “Tumatanggap pa ba kayo ng bagong member?” Tanong nito sabay ngumiti. Nagkatinginan ang dalawang babae. “Are serious?” Nagdududang tanong ni Carly. Pinagsalubong nito ang mga kilay para magmukhang seryoso. “Bakit? Mukha ba akong nagbibiro?” Bumungisngis si Carly pero natigilan rin nang mayroong maalala. “OMG!” Hinawakan niya si River sa magkabilang braso. “We needed a photographer! And you’re major in photography, right?!” Tumango si River. “Yeah. Does it mean I’m—“ “Yes!” Tili ni Carly sabay hila rito papasok sa loob ng org. room at dinala ito sa gitna. She cleared throat. “Guys, I want you to meet the newest member and photographer of our organization. River.” “AHHHHH!” Tila kinurot sa singit na tili ni Chichi sabay sabunot kay Kipay. “Daddy!” “Aray ko, Shuta!” Gumanti ng sabunot si Kipay sakay inayos ang nagulong buhok. Kagat-kagat pa ang ibabang labi na nagpa-cute. “H-Hi.. keshe nemen, eh! Eke nge pele se kepey! Ehe!” “Oy, lalandi niyo! Mahiya naman kayo!” Masama ang tinging saway ni Adele kay Chichi at Kipay bago tinitigan si River. “Ack! Choke me— este, welcome to the org!” “Ayon! Malandi rin pala! Makati! Gusto ma-choke!” Binatukan ni Chichi si Adele. “Linis-linisan ng pechay yern?” “Aray ko! Botomesang badet to! Kurutin ko yang jutay mo! Tingnan natin!” “Baka gusto mong lalo kong ibilad yang maitim mong danggit sa araw!” Napapailing na binalingan ni Carly si River habang patuloy na nag-aasaran ang mga kasama nila. “Welcome to our org.” She smiled at him sweetly. Pumihit ito paharap sa kaniya at tipid na ngumiti. “Thank you. Balut challenge ulit?” “Eeeh! Ayoko na nun!” Pinalo niya ito sa dibdib. Tumatawang hinuli nito ang kamay niya at hindi na binitiwan pa. “Sige… sige… Iba naman. Iba naman ang tikman natin. May naiisip na ako.” . . Mula sa pintuan, inayos ni Llana ang bag na nakasukbit sa balikat. Lumingon siya sa loob ng org. room. Nagngingitian si Carly at River habang masayang nag-aasaran at tawanan ang mga kasama nila. Llana shooked her head na smile bitterly before walking away.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD