Chapter 7

3712 Words
Puspusan ang naging paghahanda nila Carly nitong mga nakaraang araw. At bukas na nga magaganap ang fashion show kaya kahit mag-aalas dyes na ay naririto pa rin sila sa loob ng org. room. Abala ang lahat sa mga gawaing nakatoka sa bawat isa. "Pres, alin ba ang gagamitin natin dito para sa cape no'ng last dress na irarampa?" Itinaas ni Adele ang hawak na tela ng satin at sheer sa magkabilang kamay. Mula sa pagsalampak sa sahig na nagkalat ang mga ginupit na tela, binalingan ito ni Carly at pinaglipat-lipat ang tingin roon. "Yan na lang sheer," turo niya sa kaliwa. "Huwag mo ng putulan para sumasayad siya sa likuran." Nag-thumbs up si Adele. "Okay, Pres! Copy that!" Pagkatapos ay bumalik sa harapan ng sewing machine at nagtrabaho na ulit. "Pres!" Tawag naman ni Berna na siyang naka-assign sa mga props. "Pwede na ba 'to sa 'yo? Or i-retouch ko pa?" Tumayo si Carly at tinabihan ang babae na nakatayo sa harapan ng dalawang six footer greek pillars na in-order nila online. Pininturahan lang 'yon ng bronze para bumagay sa theme nilang ancient greek. "This looks good for me," humihimas sa baba na nilingon niya si Adele. "What do you think, Adele? Maganda na 'to, di ba!" Nag-angat ito ng tingin at patango-tangong sumagot. "Aprub!!" "Tingin ko kulang na lang ng kaunting decoration. Uh, let's just put some..." mabilis na pinagana ni Carly ang isipan at napapitik pa sa ere. "Yeah, right!" Mabilis niyang hinalungkat ang mga nakakalat na tela sa sahig at kinuha ang sheer cloth roon. "This one! I think maganda itong.. ipakot na lang tulad sa mga napapanood kong movies." She likes movies and books with old era. The clothes, traditions and even the controversies at that time fascinated niya. Nangarap tuloy siyang someday ay magkaroon ng sarili niyang fashion show sa greece na ganoon ang theme! "Pres, abot mo ba yan?" Tatawa-tawang sabi ni Berna habang pinagmamasdan si Carly na tumalon-talon pa habang pilit na inaabot ang mataas na bahagi ng tore upang idikit ang tela roon gamit ang thumbtacks. Ugh! Ang hirap maging maliit! "Maaabot ko 'to. Huwag kang ano diyan—" "Ako na nga.." Natigilan si Carly at napalingon kay River na kinuha ang thumbtacks at tela sa kaniya tsaka 'yon walang kahirap-hirap na ikinabit. "Sana all matangkad.." ngumuso siya at humalukipkip habang pinapanood ito. Nilingon siya nito at kinurot sa pisngi. "Okay lang. Cute naman ang maliit." "Ehem!" Malakas na tikhim ni Berna bago naglakad papuntang pintuan. "Makabili nga muna ng kape! Sino may gusto?" Sinundan ito ni Carly ng tingin bago narinig niyang nagsalita si River. "Ako na lang bibili," pagpiprisinta nito. "Delikado. Gabi na." Oo nga naman. Kahit pa sabihing pusong lalaki si Berna, babae pa rin ang panglabas nito. "Sus!" Pinakita ni Berna ang matapang braso. "Takot lang nila rito!" Tumawa si Carly. "Kami na lang bibili." Tsaka nilingon si River. "Let's go." *** Pumunta sila sa parking lot kung saan pinarada ni Carly ang sasakyan niya. These past few days, dahil ginagabi ng uwi, nagpasya siyang dalhin na lang ang kotse niyang halos, parang bagong-bago pa. Malimit lang niya kasing gamitin 'yon. Bukod sa sinusundo siya ni Vince, hindi pa siya confident sa pagmamaneho. "You drive." Hinagis niya ang susi kay River na sinalo naman ito. Nangingiting umirap siya nang umikot pa talaga ito para buksan ang pinto niya. "Such a sweetie's.." she teased. Tumawa ito bago sumakay na rin sa driver's seat. Dahil gabi na at wala ng traffic, binuksan na lang ang bintana. Pumasok ang malamig na hangin. "Buksan ko, okay lang?" Turo nito sa stereo. "I have mixed playlist," she warned, smirking. "I've read somewhere... you are what you listened too," sagot nitong binuksan ang maliit na HD screen sa dashboard. A song from Madonna- Like A Virgin played. Nanlaki ang mata ni Carly. "OMG! That's not mine! Playlist ata 'to ni Mommy, eh!" Last week, pinaayos ang kotse ng Mommy niya at itong sasakyan ang ginamit. She didn't know na naglagay pa ng mga song sa playlist! Malakas na tumawa si River. "What's wrong? It's a hit song from the 80's. A classic one." He glanced at her, humor in his eyes. "Like A Virgin... huh..." "Shut up." Umiirap na nag-scroll siya at pumindot na lang ng kahit anong kanta sa playlist niya. A song from Conan Gray - Wish You Were Sober started to play. "You know this song?" Tanong niyang binalingan ang lalaki pagkatapos ay sinabayan pa ng mag-chorus. "Kiss me in the seat of your Rover, Real sweet, but I wish you were sober." "Narinig ko na before..." patango-tango nitong sagot. "Who would want to kiss someone drunk, right? Someone who wouldn't remember it the next day..." Napapaisip na usal ni Carly sa sarili. "Or maybe, it's just me cause I've never kiss anyone, ever?" "Ah..." nanatili ang atensyon ni River sa daan. "Hindi ka pa nagkaka-boyfriend?" "Never." Umiiling na sulyap niya rito. "You? Do you had a girlfriend?" "Nagkaroon na dati," kaswal na tugon nito. Pumihit si Carly ng upo paharap kay River. Curious sa kung ano ang tipo nito sa isang babae. Si River yung lalaking magaan kasama at walang reklamo. Actually being him around, malaki ang naitulong nito sa preparation nila para sa fashion show. Ito ang tumulong kay Berna magpintura at gawin ang ibang props. Ito rin ang kasama nila ni Adele sa pagbili ng mga kulang na tela. Ang mura pa ng mga tela roon sa lugar na pinagdalhan nito sa kanila. Swerte siguro ng babaeng naging girlfriend nito o mas tamang sabihin ng magiging girlfriend nito. Oh, wait... wala naman siguro siyang karelasyon ngayon, 'no? Sa ilang linggo na nilang magkakilala, hindi pa niya naitanong kay River ang tungkol roon. Naiisip kasi ni Carly na parang unnecessary. Pero pa'no pala kung may GF ito? For sure gigil na gigil na 'yon na umaagaw pa sila sa oras ni River sa pagtulong sa org.! "Wait... do you have a girlfriend ba?" Itinanong na niya para sure. "Wala..." "Oh..." patango-tangong usal niya. "But I bet you had a lot in the past." Tumawa na naman ito. "Mukha ba akong mahilig sa babae? At mukha ba akong mahilig manligaw?" Sakto namang nag-red ang traffic lights at huminto ang sasakyan kaya hinawakan ni Carly ang magkabilang pisngi nito at pinihit paharap sa kaniya. Nagsasalubong ang kilay na pinakatitigan niya ang mukha nito. Ganito rin ito na hindi kumukurap ang mga mata. He has a deep set of hazel brown eyes framing with thick long lashes. Pointed nose, prominent jaw with a days old stumbles. There's no question he's really handsome plus he's tall too. Mga physical qualities na hinahanap ng mga babae sa isang lalaki. "Well... hindi ako sigurado sa una. Pero sigurado akong babae ang nanliligaw sa 'yo!" Pinanggigilan niya ang pisngi nito tsaka umiirap na tinulak palayo. Tumawa ito sabay pinaandar ang sasakyan nang mag-green light 'yon. "Sigurado ako choosy ka naman kaya hindi ka pa nagkaka-boyfriend?" He shot back, grinning at her. "Of course not... I mean, hindi naman ako nagmamadali. What's the rush, right? Kung darating ang the one... edi, darating siya..." "Tama... tama..." pumarada na ito sa harapan ng Starbucks at pumihit ng upo paharap sa kaniya. "Pero... may nagustuhan ka na ba dati?" Tumingala si Carly, nag-isip. Ngayon lang niya sa na-realize sa loob ng nineyears of existence niya sa earth walang ibang naging malapit na lalaki sa kaniya kundi si Vince. Wala rin man lang siyang naging crush. Bumalik ang tingin niya sa mukha nito habang marahang umiiling. "Wala..." He moved a little closer. "How about now... may nagugustuhan ka na ba?" Kumurap-kurap si Carly. Hindi malaman kung bakit tila bumabagal ang paghinga niya. "I.." "Guys!" Tila napapasong naglayo si Carly at River nang mula sa labas ng sasakyan ay marinig ang muffled na boses ni boses ni Llana. Paglingon nila ay kumakatok na ito roon. "Bakit magkasama kayo?" Naglilipat ang tingin na tanong ni Llana pagbaba ni Carly at River ng sasakyan. "Ah, tinatapos namin yung mga gagamitin para bukas sa fashion show. Nasa org. room pa sila Adele," kunot ang nooong tugon ni Carly. Nasabi naman na niya ang tungkol roon kay Llana. Kanina lang bago ang shift nito ay nanatili pa nga ito roon at nag-prisintang i-assist si River sa mga damit na kinukuhanan ng litrato. "What I meant is..." dagdag nitong sumulyap kay River bago bumalik ang tingin sa kaniya. "Si Chichi o kaya si Berna ang palaging kasama ni River tuwing bibili ng kape. Bakit ngayon ikaw ang sumama?" "Oh..." natigilan si Carly at napakurap. Hindi niya alam anong magiging reaksyon. Dahil bakit parang pinaparamdam nitong mali na sinamahan niya si River? Pero si Chichi at Berna ay okay lang? "President ka. Ikaw ang may say sa lahat ng bagay doon. Paano kung may tanong sila at wala ka.." biglang bawi nito hindi pa man nakakasagot si Carly. Napatango si Carly. Well, may point naman siya. "Okay naman na ang lahat doon. Actually, polish na lang ginagawa sa mga damit and props." Nakangiti ng sabi niya. "Okay," kibit balikat ni Llana sabay binalingan si River. Napansin ni Carly ang biglang pagsilay ng ngiti sa labi nito. "Hey." Tipid na ngumiti si River at bahagyang tinanguhan ang babae. "Break mo ba?" She bit her lower lip. "Oo... Bakit?" Sumulyap pa si River kay Carly bago binalingan ulit si Llana. "Para makabili na sana kami ng kape sa loob.." turo pa nito sa coffee shop. Unti-unti namang nawala ang ngiti sa labi ni Llana. Tumango ito at gumilid para makadaan sila. "Sige, pasok na kayo." "Tara." Inakbayan ni River si Carly bago sinama sa paglalakad nito. Lumingon si Carly sa likuran bago sila pumasok at nakita si Llana na nakatingin pa rin sa kanila. Napabuntong hininga siya. Hindi naman niya ito pwedeng yayain dahil ng naka-break nga. *** BITBIT ang biniling mga kape magkatabing naglakad papapunta sa entrance ng Starbucks si Carly at River. Espresso na lang ang inorder nila para sa mga kasamahan panlaban sa antok. They also needed caffeine para naman ma-energize ang mga isip nila. "May masarap na Pizza pala sa tabi nung unli wings malapit sa St. Theressa Academy." Imporma ni River bago tinulak ang glass door at gumilid para makadaan si Carly. "Doon na lang tayo gusto mo? Mura pa." Oh, right. Napag-usapan rin nilang bumili ng Pizza. Kanina kasi ay masyadong abala ang lahat kaya hindi halos nakakain ng dinner. Ngumuso si Carly habang nakatingala sa lalaki. "Now that you mentioned pizza again, nag-crave tuloy ako!" Tumawa ito sabay kinuha ang hawak niyang cup. "Tara na nga. Masungit ka raw kapag gutom, eh. Balita ko." "Huh? Who told you that?" "Si Vince." "Ano! Sinabi niya 'yon!" Nag-iinit ang ulo niya. Ang daldal talaga ng epal na 'yon! Sigurado marami pang binuking na kahihiyan niya ang lalaking 'yon kay River! "Ano pang kahihiyan ko ang sinabi niya sa 'yo! Naku, huwag ka maniwala roon!" Ngitngit pa ni Carly. Huminto ito sa tabi niya sa gilid ng front passenger seat at pinatong ang cup bubong ng sasakyan. "I envy him, you know.." "What for?" Nagkakatakang tingala niya rito. Sa dami ba naman ng kaiinggitan, bakit si Vince pa? At bakit ito maiinggit? He's almost... perfect. "Kasi matagal ka na niyang kilala. Halos alam na niya ang lahat tungkol sa 'yo..." Natigilan si Carly at napatitig sa lalaki. *** MULA sa counter, natigilan sa pag-gawa ng kape si Llana nang matawanan na papalabas ang dalawa. Kaagad nitong nilingon at tinawag ang kasamahang barista. "Pssst! Ikaw nga muna rito!" Sabi nito sa babae saka inalis ang apron at nagmamadaling lumabas sa counter. "Oy, saan ka pupunta?! Pambihira naman! Break ko na, eh! Bilisan mo lang!" Nagtuloy-tuloy si Llana na tila walang naririnig at hindi pinansin ang kasama nitong napasimangot na lang habang kumakamot sa ulo. Naabutan nito ang dalawa na tila nag-uusap sa gilid ng sasakyan. Mabibilis ang hakbang na lumapit ang dalaga. "Hey, River!" Sigaw nito. "Wait!" *** SABAY na napalingon si Carly at River at nakita ang kalalapit na si Llana. Pagkatapos nila umorder saka naman nag-time in si Llana. Kaya hindi na nila ito naabutan sa cashier. Kumunot ang noo ni Carly habang pinagmamasdan ang kaibigan na medyo hiningal mula sa pagtakbo. Hindi kasi nito nagagawang umalis sa ginagawa kapag nasa shift. Dahil takot masisante. Masyado bang importante ang sasabihin nito kay River? "Bakit?" Nagtatakang tanong ni River. "About nga pala roon sa part time job na sinabi mo..." sumulyap si Llana sa kaniya bago ibinalik ang tingin kay River. "I'm hired!" Napaatras si Carly nang biglang pumwesto sa gitna nila si Llana at patalon na yumakap sa leeg ni River na literal namang nagulat. Hindi niya alam kung dahil sa na-hired si Llana sa part time na hindi nabanggit ng kaibigan sa kaniya o dahil sa yakap nito. "Thank you! Thank you so much!" She hugged him tighter. Napaiwas ng tingin si Carly. Hindi alam bakit nagiging uncomfortable sa nakikita niya. "Ah... you're welcome." Tinapik ni River sa likod ang dalaga ng tatlong beses bago marahang lumayo. "Good to know na may natulungan ako." "If there's anything I could do just to repay your kindness, please don't hesitate to tell me." Llana insisted, holding River's hand. "It's really fine. Nangangailangan rin naman talaga ng tao sa shop." Tipid na ngiti rito ni River bago maingat binawi ang kamay at binalingan si Carly. "Let's go? Lalamig na itong kape." "A-Ah... okay." Marahang tango ni Carly. Gumilid naman si Llana na nang pagbuksan ni River si Carly pinto. "We gotta go.." paalam ni Carly sa kaibigan. "Congrats sa new part time job mo nga pala," sabi pa niya bago sumakay na front seat. Pagsarado sa pinto, lumingon siya sa labas at nakitang nag-usap pa sandali ang dalawa bago umikot si River sa driver's seat at pinaadar ang sasakyan. Nakangiting kumakaway pa si Llana sa kanila. TAHIMIK na nakatingin lang sa labas ng bintana si Carly, iniisip kung anong part time job ang pinagpasalamat ni Llana kay River. At bakit hindi iyon nabanggit ng kaibigan sa kaniya. Araw-araw naman niyang tinatanong si Llana tungkol sa trabaho. Kung mayroon na bang naging desisyon ang manager ng coffee shop sa nabanggit nitong mga aalising staff dahil sa cost cutting. Sa katunayan, hinahanapan niya ang kaibigan ng pwedeng pag-apply-an sakaling ito nga ang tanggalin. Nagtanong-tanong siya sa mga batchmates no'ng elem at highschool. Tinanong niya rin ulit ang mga magulang kung maaring pansamantalang magtrabaho muna sa ospital nila ang kaibigan na tinanggihan na ng mga ito noon pa at muling tinanggihan ngayon. Isa sa hindi tinotolerate ng parents ni Carly ay ang palakasan system lalo sa trabaho. Although, naawa ang mga ito sa kaibigan niya. They insisted that she should need to go through the normal process. Mag-apply sa HR. At kung qualified naman raw ito ay tiyak na tatanggapin ng ospital. Sinabi niya kay Llana ang tungkol roon. Lalo lang na-stress ang kaibigan niya. Na naintindihan naman ni Carly, dahil nga sa patong-patong nitong problema at utang. "Naikwento niya sa akin noong minsang mag-isa akong bumili ng kape para sa atin na isang linggo na lang raw siya sa trabaho." Mabilis siyang napabaling ng tingin kay River. "What? Why?" Sumulyap ito sa kaniya, nagtataka. "Hindi ba niya nabanggit sa 'yo ang tungkol doon?" "Hindi." marahang umiling si Carly. "Pero nabanggit niya sa akin na may mga staff na aalisin. Hindi ko alam na makakasama siya pala siya roon..." Lalo siyang naguluhan. Bakit hindi sinabi ni Llana ang tungkol roon? Tinanong lang niya ito kagabi kaya imposibleng nakalimutan nito... Pero ano namang magiging dahilan bakit intentional na hindi sasabihin ng kaibigan sa kaniya? "Nangangailangan ang Tito ko ng tao sa shop. Sumakto na nabanggit niya ang tungkol roon. And she's your friend... that's why I tried to help her." Pinilit na lang ngumiti ni Carly. "She's also your friend now. Thank you for helping her. And I'm glad na ngayon sinusubukan na ni L, na mag-open up sa ibang tao..." Tipid na tango na lang ang naging tugon ni River. *** Pagod na nahiga si Carly sa kama niya pagkatapos mag-shower. Kauuwi lang niya at 11PM na sila natapos sa pagtahi at pag-aayos ng mga gagamitin. She was hoping that everything went well tomorrow. Though, expected na niya ang minor problems sa show, dahil normal naman 'yon kahit sa mga international fashion show. Tumagilid ng higa si Carly upang abutin ang cellphone na tumutunog sa ibabaw ng bed side table. Binuksan niya ang notification sa group chat ng org. Adele: Nakauwi na ko, Guys! Rock on tomorrow! Berna: Ako rin! Ta-kits bukas! Chichi: Beauty rest na mga akla! Dapat mas maganda ako sa mga model bukas! Nytsung! River: Goodluck :) Kipay: AAHHH! Papa River! I love you na talaga! Isang goodnight naman diyan! River: Goodnight. Chichi: huy, bakit ang gwapo pa rin ni Papa R kahit sa chat lang? :( Berna: Itulog niyo na yan mga badet. Naiiling at natatawang nag-ta-type si Carly ng message niya nang biglang mag-pop up ang chat head ni River. River: Seener ka sa GC. Carly rolled her eyes, typing. Carly: I was typing. Naunahan mo lang ako. River: Nakauwi ka na ba? Gumulong siya ng higa patihaya. Carly: Yes. You? River: Oo. Anong oras ka pala bukas papasok? Carly: 7AM kami ni Adele. Para sa final touch ng mga damit. Kayo kahit 9AM na. After lunch pa naman ang show. Imbes na mag-reply sa chat niya ay nakita na lang niyang may tumatawag na unknown caller. Sinagot naman niya 'yon. "Hello." Bungad ng buo at malamig na boses. "River?" Paniniguro niya. "Paano mo nalaman number ko?" "Tinanong ko kay Chichi." Kahit di ito nakikita ramdam niya ang pagngiti nito. "So... why did you call?" Kagat ang ibabang labing sumandal siya sa head board. "Wala naman. Para sabihing maaga na lang rin ako bukas.. para sabay tayo. Baka may kailanganin kayo.” "Hey, you don’t have to do that. Sobra na mga natulong mo sa amin.” “I insist. Mabuti na rin may kasama kayong lalaki baka sakaling may buhatin na mabibigat, di ba? Plano ko rin i-check yung magiging area ng runway. Para malaman kung saan maganda kumuha ng footage.” “Oh, okay..” she nodded slowly. “Anyway, thank you. Kapag nandiyan ka madali kong nagagawa yung mga tingin kong imposible—“ natigilan si Carly nang tuloy-tuloy na makarinig ng *blip* sound. When she checked it, nakita niyang may incoming call si Vince. “Hey…” binalikan niya si River sa linya. “I gotta hung up. Tumatawag si Vince. See you tomorrow?” “Okay. See you.” Pagkababa niya sa tawag ay sinagot naman niya si Vince na hindi lang ata naka-sampung missed call mula pa kaninang matapos ang klase niya. “Hello! Bakit ba hindi ka sumasagot!” Galit na bungad nito. “I was talking to River. Bakit ka ba tumawag?” “Syempre para tanungin kung nakauwi ka na!” “I’m home. Huwag mo ngang stress-in ang sarili mo!” Naiiling na papangaral niya rito. “Anong sinabi ni Doctor Gonzalo? Stress free is the way to fast recovery!” Isang linggo nang naka-confine si Vince sa private hospital nila Carly. Ang minor injury nito ay nauwi sa malalanag injury nang mapuruhan sa practice game. Sa ngayon, buwan ang bibilangin bago ulit ito makalaro. At mula no’n halos, maya’t maya itong tumatawag. Malakas itong napabuntong hininga. “I know! I just want to make sure to get home safe.” “Vince, don’t worry about me.. I’ll be fine. Ang isipin mo magpagaling, okay?” “Okay…” sumusuko nitong buntong hininga. “Nabobored na talaga ako rito sa ospital. Can you visit me tomorrow?” Nangingiting umikot ang mata ni Carly. “Duh… kahapon lang ako hindi nakabisita dahil busy kami. I’ll visit tomorrow, okay? Sige na. Magpahinga ka na. Bye.” Pagkababa sa tawag, nag-scroll siya sa cellphone at nadaanan ang pangalan ni Llana sa phone book. Ilang sandaling tumitig lang siya roon bago pinindot ang call button. Kung wala itong balak sabihin sa kaniya na naalis ito sa trabaho, well.. siya na lang ang magtatanong. Nag-ring ng ilang beses. Mayamaya ay sinagot ang tawag sa kabilang linya. Bumungad kay Carly ang maingay na party music na unti-unting humihina. "Hello, bakit ka napatawag?" Bungad ni Llana sa kaniya. Carly sighed, heavily. Hindi siya nagpaligoy-ligoy pa. "Nabanggit sa akin ni River na.. one week ka na lang raw diyan sa part time mo. Kasama ka pala sa mga inalis na staff?" "Oo. I told you, ako ang matatanggal." She said sarcastically. "It sucks, right?" "I'm sorry to hear that..." she bit her lower lip. "Yeah. Expect ko na rin naman na ako ang aalisin." Walang gana nitong tugon. "You could tell me you know.. I'm your friend." Sana naroon siya para damayan rin ito tulad ni River. "No need. River already helped me. Hindi ko na sinabi sa 'yo dahil alam kong busy ka these past few weeks. Ang dami ko na rin utang sa 'yo. Ayoko ng dagdagan pa." "I told you, hindi 'yon utang!" "But I considered it a debt I have to pay." She sighed. "At naalala mo ba yung madalas mong sabihin sa akin noon pa?" Sa dami ng mga sinasabi niya rito araw-araw di na niya matandaan alin doon. "What is it?" "Subukang mag-open up sa ibang tao. And I'm doing it now..." sumigla ang tono ng boses nito. "With River. He is such a nice guy." "He is.." nangingiting sang-ayon ni Carly nang mag-flash sa isipan ang nakangiting mukha ng lalaki. "At hindi ka magagalit kung magiging malapit kami sa isa 't isa, di ba?" Natigilan si Carly kasabay nang mangungunot ng noo. Bakit naman siya magagalit? Ngayong sinusubukan na ni Llana maging malapit sa ibang tao, baka sakaling magkasundo na ito at si Vince. "Of course not. Bakit naman ako magagalit?" nagtataka pa ring tanong niya. "Kasi sanay kang lahat ng atensyon na sa 'yo." Mula sa background ay may tumawag kay Llana. "Paano? I gotta go. May trabaho pa ako.” Napatulala sa kisame si Carly nang mawala na ito sa kabilang linya. Iyon ba ang tingin ni Llana sa kaniya? Attention seeker? Iyon rin ba ang tingin ng iba tao sa kaniya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD