Chapter 8

2685 Words
Kanina pa palakad-lakad at paikot-ikot si Carly sa backstage. Nag-uumipisa na ang fashion show. At hindi sila mapakali ni Adele na katulong niyang inaayusan at binibihisan ang mga modelong isa-isa nang tatawagin mamaya sa runway. "Adele! Si Model number 1, maayos na ba ang cape?!" Sigaw ni Carly mula sa pagkakaluhod sa harapan ng isa pang modelo na nilalagyan niya ng pin ang laylayan ng suot na gown. "On it, Pres!" Tugon ni Adele na kaagad tinakbo ang modelong nasa unahan ng linya. "Kapag naglalakad ka ingatan mong 'wag mahulog itong crown, though kinabitan ko naman ng hair pin to stay in position. Just be careful, okay?" Paalala ni Carly sa modelo na tinanguhan lang nito bago siya pumunta sa isa pa para retouch naman ang make up. "Pres! Tapos na mag-present ang Powder Puff Girls!" Umalingawngaw na bulaslas ni Berna. Nakasilip ito sa labas ng kurtinang tumatakip sa backstage. "What!?" Mabilis na tinakbo ni Carly ang kinaroroonan nito at nakisilip sa labas. Rumarampa na ang huling model ng Powder Puff Girls and it's no other than Marga. Pakaway-kaway pa ito at ngiting-ngiti. Pagkatapos ay tinawag na ang iba pang member na naglakad na rin sa stage. Sabay-sabay silang nag-bow. Hudyat na tapos na ang presentation ng mga ito. "s**t! It's our turn! Guys, stand by! Tayo na ang susunod!" Baling niya sa mga modelo at kasamahan sa back stage. Lumingon siya ulit sa labas at natanaw si River na siniset-up ang camera sa harapan ng stage. Nang mag-angat ng ito tingin ay nakita siya nito. Iniwanan ni River ang ginagawa at lumapit. "May kailangan kayo sa loob?" Tanong nitong sumilip sa backstage. Nakapila na roon ang mga modelo at handa na sakaling tawagin paakyat sa runway. "Wala naman. We're done with everything. Sinilip ko lang yung dress ng ibang org." Marahang iling si Carly. Pagkatapos ay hindi napigilang bumuntong hininga habang kinakagat-kagat ang gilid ng ibabang labi. Ang totoo niyan kanina pa siya kinakabahan at lalong lumakas ang kabog sa dibdib niya nang makitang bukod sa mga estudyante at professor ay pumwesto na rin sa audience ang ibang grupong na katatapos lang mag-present! "Wala?" Nagdududang sabi nito. "Anong anong problema? Sabihin mo sa akin. Dali.." Muli siyang bumuntong hininga. "This is actually our first time participating in such event. What if, hindi magustuhan ng mga audience ang gawa namin... Or what if a dress malfunction happen during the walk?" Siguradong pagtatawanan sila ni Marga! Na ngayon pa lang ay natatanaw niyang panay ang bulong roon sa mga kasama nito habang tatawa-tawang tinuturo si Berna at Eva na inaayos ang props nila sa stage. "Hey..." Hinawakan nito ang baba niya kaya napatitig siya sa mukha nito. Bahagya pa itong yumuko at hinuli ang tingin niya. "You're everyone's encouragement, Carly. Naalala mo palagi mong sinasabi sa team? We can do this. I believe you can do this. And I believe in you." Bakas ang pag-alala sa mga matang, kinagat ni Carly ang ibabang labi. "Kinakabahan ako..." "Its normal. Nararamdaman ko rin 'yan kapag may laro kami. Pero kapag nagsimula na ang laban yung kaba mo mapapalitan ng excitement." "You think so?" Tipid itong tumango at ngumiti. "Sige, ganito na lang... kapag kinakabahan ka pa rin habang on going ang show, sumilip ka lang rito.. I'm just standing there." turo nito sa pwesto kung saan naka-set up ang camera. "And always got your back." Sabay pisil sa pisngi niya. He indeed always got her back. Ang aga-aga nitong pumasok kanina. Lahat ng kailangan nila ni Adele halos, walang reklamo nitong ginagawa. He made everything easier for her. Ngumiti si Carly. "Thank you. Now, I feel better." Nagtitigan at nagngingitian pa ang dalawa nang parehas na mapalingon sa nagsalita sa stage. "Let's call on the Fashion and Fab organization!" "s**t!" Namimilog ang matang bulaslas ni Carly na bumalik ang tingin kay River. "Kami na!" Umawang ang labi niya. "Pres! Mamaya na 'yan!" Biglang sulpot ni Berna sa tabi niya at hinawakan siya."Halika na!" Hila-hila siya nito sa braso nang lumingon si Carly sa likuran. Papasarado na ang kurtina, natanaw niya si River na naglalakad palayo. Hinabol niya ito ng tingin at natigilan nang makitang dumating si Llana. Saktong kumapit ito sa braso ng lalaki ay bumaba ang kurtina... *** Masayang nagyakapan sila Carly pagbaba sa stage. The show was successful! Ilan sa mga professor ang pumuri sa mga damit na nirampa sa runway. Some of the student who watched the show were asking if they can buy it. Sobrang malaking achievement na 'yon para kay Carly at sa buong organization! Their hard work really payed off! "We did it! We did it, Pres!" Patalon-talon sa tuwang tili ni Adele habang yakap pa rin siya. "It's all because of your encouragement, Pres!" Berna joined in. "Kung hindi kami pinush di natin ito ma-aachieve. Well, for most people wala lang ang bagay na ito. But for us, malaking achievement na 'to! Thank you, Pres." "Aw..." Carly looked at them adoringly. "You guys... we did this! Hindi lang dahil sa akin. Tayong lahat ang naghirap para dito!" "Daserv, mga baklaaaah! Kaya ano pang hinihintay natin?! Celebration na itu!" "You got it right, sistah!" Kikay na pinitik-pitik ni Chichi sa ere ang mga daliri. "We desarv to have some fun!!" "Okay! Okay!" Itinaas ni Berna ang mga kamay. "Libre ko na sa Mcdonalds! Ano? G?" "Oh, no! Ako na!" Bawi naman ni Carly. "Kahit saan niyo gusto, my treat!" Inilagay pa niya ang mga kamay sa chin at pa-cute na pinikit-pikit ang mga mata. Sabay-sabay na dismayadong napaungol naman sina Chichi, Kipay at Adele saka humalukipkip. Kumunot ang noo niya. "Bakit? Ayaw niyo ba?" Nagsawa na ata sila sa libre. Palagi niya kasing nililibre ang mga ito. "Libre na ni Pres, eh! Ang dami niyo pang arte!" Sabat ni Berna. Nababadtrip na paano kanina pa ito nagrereklamong gutom na. "Berna.. Berna.." pinagkrus ni Kipay ang mga braso sa dibdib sabay maarteng hinawi ang buhok. "Can we do something more exciting. Di na tayo highschool!" "Anong exciting naman ba 'yon?" Nagtataka pa ring tanong ni Carly. 'Di makuha ano bang gustong puntohin ni Kipay. "Party ng mga adult, Pres! Bar! Clubbing! Inuman!" Si Chichi ang sumagot. "Oh..." patango-tangong usal ni Carly. "Sure." Kaagad niyang pagpayag. Nagulat siya ng tumitiling niyakap siya ni Chichi at Kipay. "Ihhhh! Sobrang cool mo talaga, Pres! Isang aya lang sa 'yo gora na kaagad! Party goer ka 'no?! Sabi na nga ba!" Party goer? She has been into club once in her nineteen years of existence. Nayaya lang siya ni Sahara at Heather na mga tunay na party animal. Madalas masabit lang si Carly sa mga kaibigan. Hindi siya pinagbabawalan ng parents niyang lumabas with friends like; malling, sleep over even out of town trips. But they strictly wont allow drinking and partying. Kaya madalas na pinapasama sa kaniya si Vince. "Hindi ako party animal." Tumatawang umikot ang mata ni Carly."Saan ba tayo mag-ba-bar? Do you know a place? Kung wala, I could ask my friends." Nagkatitigan si Chichi at Kipay at sabay na sinabing. "We know a place!!" Bumaling sila sa dalawa at sabay-sabay rin na nagtanong. "Saan naman?" "Sa Come, Get Some Gay Bar—" Hindi na naituloy ni Chichi ang sinasabi dahil bigla itong binatukan ni Adele. "Aray ko, ah! Bwiset ka!" Pag-amba nito ng sambunot. "Gay bar! Okay lang kayo?" Pinandilatan ito ni Adele ng mata. "Gusto niyo bang mapatawag tayo sa Dean's office! Mamaya may makakita sa atin doon! Masisira pa reputation ng Priceton! And my mom will kill me!" May point nga si Adele. And that bar they were talking to, ay nadaraana papuntang Priceton. May ibang mga nag-cocommute pa naman na estudyante. Di imposibleng may makakita sa kanila roon, lalo na itsura at suot nilang Tshirt na may pangalan ng department. Napahimas si Carly sa baba niya. "Change plan, Girls." "Anong plano naman, Pres?" Tanong ni Kipay. "House party na lang kaya? Chill na inuman na lang sa bahay. Ano? G? Ambagan?" Suhestiyon ni Berna. "Good idea pa 'yan!" Pumitik sa ere Adele. "I'm in! Ano, ikaw, Chi?" "Gorabelchiwa akes!" Lumingon ito kay Carly. "Pres?" "Deal." Tango naman niya. "Pero ang tanong saang bahay naman tayo?" "Anong bahay pinag-uusapan niyo?" Napalingon silang lahat sa kadarating na si River. Nakasabit sa leeg nito ang camera habang hawak sa isang kamay ang stand. "Did I missed something?" "Yeah... did we missed something?" tanong ni Llana na biglang sumulpot galing sa likod ni River. They were together since the show started. At mula pagdating ni Llana hindi na ito humiwalay kay River. "We're planning to have a celebration," nakangiting sagot ni Carly. "Inuman raw ang gusto nila. Pero wala pang place kung saan, eh." Binalingan niya ang mga kasama. "Ano saan tayo?" Nagkatingin ang mga ito bago sabay-sabay na umiling. "Hindi pwede sa bahay, Pres. Maingay mga pamangkin ko," sagot ni Berna. "Me too. I live with my aunt. Though bingi siya pero sobrang malinaw ang eyes niya. And she hates youngsters! Dunno why!" Ngumuso si Adele sabay humalukipkip. Magkapareho naman rin ang dahilan ni Chichi at Kipay na baka raw hindi mapigilang kumulot ang boses ng mga ito kapag lasing na. Pareho pa kasing hindi nag-out ang mga ito sa mga magulang nila. Carly bit her lower lip. "Uh, paano kaya..." Hindi rin pwede sa bahay niya. Baka imbes na alak ang inumin nila ay painumin sila ng Mommy niya ng organic na tea! Masyado silang health concious, eh. "Pwede naman sa place ko..." Mabilis napalingon si Carly kay River. "Hindi ba magagalit ang relatives mo?" Umiling ito at isinabit sa balikat ang strap ng camera stand. "I live alone in my apartment." He was living alone pala. Akala niya ay nakatira pa rin ito kasama ang relatives na nabanggit nitong kinalakhan. "AHHH! OMG! Perfect ka talaga, Papa R! Hulog ka ng langit sa amin!" Namimilog ang mga matang sabay na patiling sinabi ni Chichi at Kipay. Natatawang napakamot na lang sa batok nito si River bago magkakasamang tinahak na ang daan palabas ng auditorium. "This will gonna be fun!" Tili ng isipan ni Carly. *** NAGLALAKAD na ang grupo nila Carly sa ilalim ng tirik na araw papuntang sakayan ng jeep. Nangunguna si Chichi, Kipay at Berna. Kasunod naman si Carly at Adele habang nasa likuran si Llana at River. Papalabas pa lang sa gate ng Priceton pansin na kaagad ni Carly ang kagustuhan ni Llana na makasabay at mas makausap si River kaya siya na mismo ang nag-adjust at dumistansya sa dalawa. "Ilan kayong magkakapatid?" "Only child lang ako." Pasimpleng sumulyap si Carly sa likuran. Ngayon lang niya nalaman na parehas pala silang only child. Hindi niya kasi magawang magtanong ng mga personal na bagay kay River. Bukod sa bago lang silang magkakilala, pansin niya rin hindi na ito komportable no'ng minsan naging topic nila ang pamilya. At tulad ngayon na mababakasa mata nito na hindi nito gusto ang takbo ng usapan nila ni Llana. But Llana didn't notice it. Patuloy pa rin ito sa pagsasalita. "Oh... sabi nila kapag nag-iisang anak raw, gusto magkaroon ng maraming kapatid!" Tumawa ito. "And you know what? I have sibilings. A lot!" Pilit naman ang naging pag-ngiti ni River. Saktong bigla itong bumaling sa kaniya kaya mabilis na bumalik ang tingin ni Carly sa unahan. "Guys, bili na muna kaya tayo ng alak dito." Lingon ni Chichi sa kanila sabay tinuro ang 7 Eleven. "Tara! Tsaka snack na rin! Gutom na talaga ako!" Nagpapatiunang reklamo ni Berna kasama si Kipay. Sumunod si Carly at Adele na dumiretso sa junkfood aisle. "Doon tayo sa drinks! Kanina pa ako nauuhaw, eh." Pag-aya ni Llana kay River na susunod sana sa kanila. Sinulyapan nito Carly ang dalawa. Lumingon pa sa kaniya si River. Pero kaagad niyang itinuon ang atensyon sa mga junkfoods at nag-pretend na pumipili roon. "Pres, ano nangyari kay Vice?" Mayamaya ay usisa ni Adele. Kumuha ito ng Piatos at Nova at nilagay sa basket nila. "Dumaldal, ah? Tsaka pansin ko naka-liptint siya ngayon." Kumunot ang noo ni Carly. Hindi niya 'yon napansin. But she noticed, na iba ang awra ni Llana ngayon. Palaging nakangiti at maganda ang mood. It's good though. Nababawasan ang pagiging uptight nito. "She told me she's trying to open with people." "Ha? Bakit ngayon lang? At bakit kay River lang? Mas matagal naman niya kaming kasama, di ba? Pati si Vince." "Ramdam siguro ni L na medyo ilag kayo sa kaniya. Same with Vince. But maybe, you know... ngayon mas maging open siya sa inyo. Wait, parang gusto ko ng nuggets. Kuha lang ako!" Tumalikod si Carly at nagpunta sa freezer ng mga frozen foods. Naglagay siya ng dalawang pack ng nuggets sa basket, pumipili pa siya ng ibang bibilhin nang maramdaman niyang may tumabi sa kaniya. Paglingon ni Carly, biglang nag-flash sa mukha niya ang kamerang hawak ni River na nakatutok sa kaniya. "Hey!" Itinakip niya sa mukha ang mga kamay nang kuhanan siya nito ulit. "Got you." Pangiti-ngiting itong sumandal at tiningnan ang kinuhang larawan. Nakisilip naman si Carly at napanguso. "Mukha naman akong gulat na kaola diyan!Delete mo kasi!" "Cute mo nga, eh. Gagamitin ko 'to kapag babatiin kita sa birthday mo," anito sabay ngisi. "What!" Namimilog ang mga mata inagaw niya ang kamerang nakasabit sa leeg nito. "Wag kasi! Akin na..." pinadyak ni Carly ang mga paa na parang bata. Natatawang binitiwan nito ang camera. "O.. ayan na. Huwag ng magalit ang bata." Tsaka prenteng sumandal na lang roon at hinayaan siyang kalikutin 'yon habang pinagmamasdan siya. "Kahit naman buharin mo 'yan automatic mag-back up 'yan sa google drive ko." Inirapan niya ito na kinatawa ulit ng lalaki. "Hah! Deleted na." Ngumisi siya pero natigilan rin nang mag-flash sa screen ang isa pang picture. It was her. Naka-focus ang angle sa mukha niya. Nakasalampak siya sa sahig, hawak ang lapis at nag-ssketch sa pad. Sa org. room 'yon. But she couldn't remember that River took a picture of her. Tumingala si Carly. Bumaba naman ang tingin ni River sa camera. "When did you took this—" Hindi pa siya natatapos sa sinasabi nang mabilis nitong bawiin ang camera. "Gusto raw nila Chichi ng fries." Nag-iiwas ng tinging sabi nito sabay binuksan ang freezer at naglagay ng isang pack ng fries doon. "Ikaw? Ano pang gusto mo?" Hindi na ito makabaling sa kaniya. "Uh... naglagay na ako ng nuggets." Napaiwas na rin ng tingin si Carly. Hindi naman dapat siya makaramdam ng pagka-ilang. Because she knew it's normal for him to take pictures whenever he wants to? It's what photographer's do, right? Pero dahil sa kinikilos nito ay nailang na tuloy siya. "You? You want something else?" Dugtong niya. Umiling si River at binuhat na ang basket na dala niya. "Tara na. Naghihintay na ata sila roon." Tsaka nagpatiunang lumakad. Tumango na lang si Carly. Pinagmamasdan ang likod ng binata na sumunod rito. Nasa cashier na sila nang lumabas mula sa aisle si Llana. "Hey! I've looking for you—" pero natigilan ito nang makitang kasama na ni River si Carly. Naglipat-lipat ang tingin nito sa dalawa. "Magkasama kayo? Nasaan kayo? Bakit hindi ko kayo nakita?" "Kumuha kami ng fries at nuggets!" Sagot ni Carly na nilingon ang mga kasamang paparating. "Anong binili niyong drinks?" Inilabas ni Chichi ang bote ng Bacardi. "Tadahhh! p*****n na itu, mga baks!" *** SUMAKAY sila sa nakaparadang jeep sa harapan ng 7 Eleven pagkatapos magbayad ng mga binili. Dahil may mga pasahero na ay magkakahiwalay sila ng pwesto. Magkatabi si Chichi at Adele katapat si Berna malapit sa babaan. Sa may gitna naman naupo si Llana. Uupo sana si Carly sa bakanteng pwesto sa tabi ng kaibigan nang pigilan siya nito. "Doon ka na lang." Turo nito sa bandang dulo. Kahit nagtataka, hindi naman nagreklamo si Carly. Doon niya lang nakitang inireserba pala ni Llana ang pwesto sa tabi nito para kay River. "Hey, sit here beside me." Umisod ito ng upo. "Ha?" Sumulyap si River kay Carly. Napansin niya ang pagkunot ng noo nito. Pero dahil umaandar na ang jeep at tanging ang nasa tabi na lang ni Llana ang bakanteng pwesto, naupo na ito roon…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD