Chapter 3

2124 Words
Sinundan ni Carly ng tingin ang mga mata nito nang bumaba 'yon sa kaniyang katawan. Nag-iinit ang pisnging tumalikod siya at niyakap ang sarili. "Pervert!" Gigil na asik niya. Nakabaling ang ulo rito kipkip ang basang damit sa dibdib. Pakamot-kamot sa batok na tumalikod rin ang lalaki. Namumula ang tainga. "Why your accusing me, Miss? Ikaw 'tong naghuhubad diyan sa public place. Hindi mo na naiisip na baka may makakita sa 'yo rito? Or 'yon talaga ang motibo mo."Medyo pagalit nitong sabi. Umawang ang labi ni Carly sa narinig na sinabi nito. The audacity of this man! Sino namang babae na gugustuhing masilipan sila! Is this man insane?! "Okay ka lang?" Sarkastikong asik niya rito. "Who's in their right mind would do that!" "Exactly. What's got into your mind to take your clothes off in public!" "Duh... natapunan lang naman ako ng drinks!" Bahagyang lumingon ang lalaki at natigilan nang makitang sa gilid ng sink ang basa niyang cardigan. "Kailangan kong banlawan ang damit ko kung ayaw kong habulan ng langaw." He was about to say something, nang mula sa 'di kalayuan ay may narinig silang mga nagtatawanan at nag-uusap-usap. "Hoy, Pre!" Sigaw ng boses lalaki. Sumilip si Carly sa lalaking nakaharang sa harapan niya at nakita ang lima pang lalaki na papalapit. Nanlaki ang mata niya. Subalit mas lalong namilog ang mata niya nang biglang maghubad ang lalaki sa likuran niya. "Shit." Bulong nitong iniharang ang katawan sa kaniya. "What the hell are you doing?" Nakamaang na tanong niya. Ano ba namang kamalasan ang nangyayari sa kaniya! At bakit ba napadpad ang mga lalaking 'to rito! Malas! "Oh, isuot mo." Bahagya itong lumingon sa gilid at inabot sa kaniya ang hinubad na tshirt. "Susunod na ako! Umalis na kayp! Baling nito sa mga lalaking papalapit. Bumaba ang tingin ni Carly sa tshirt bago alanganing kinuha at isinuot. Wala siyang choice! Kaysa naman isuot niya ang basang damit o di kaya'y makita nung mga lalaking paparating pa. "Anong isusuot mo?" Kagat labing tanong niya nang pumihit paharap rito. She was facing his back. Napakagat sa ibabang labi niya si Carly nang mapansin ang magandang kulay ng balat nito. She really likes guys with perfect tan skin. He also has a well built body. He must be an athlete... tulad ni Vince na alaga sa gym ang katawan. But she never ever find her bestfriend to be this... hot.. Really, Carly? Hot? Shut up!! "May dala akong extra tshirt," sagot nitong biglang pumihit paharap sa kaniya. Mabilis na nag-iwas ng tingin si Carly. Too late. She knew he caught her staring at his bare back. Kitang-kita niya kasi ang umangat ang sulok ng labi nito. Damn... sanay naman siyang makakita ng gwapo, ah?! But not as hot as him.. bulong na naman ng isip niyang parang sinaniban! "Uy, pre! Anong nangyari bakit ka" natigilan ang lalaking umakbay rito pagsilip at makita ang namumulang si Carly na nakatingin sa ibang direksyon. Pinaglipat-lipat ng lalaki ang tingin sa dalawa saka ngumisi. "Nakaistorbo ata kami!" "Wooooy! Kabago-bago nitong si River, nanliligaw kaagad! Iba rin!" Pang-aasar ng isa pang umakbay ditong lalaki, umangat-angat ang mga kilay. "Speed yan?" "Shut up. I'm just helping her." Naiiling na saway nito sa mga kasama bago binalingan si Carly na hindi malaman kung anong magiging reaction. They're teasing them! And he's topless! In the end she choose to left them and walk away! Mabibilis ang hakbang na nakabalik si Carly sa booth nila. Hindi napapansin na kunot noong nakasunod ang tingin sa kaniya ni Adele. "Wala pa si L?" Tanong ni Carly rito. Pagkatapos isinampay ang basang damit sa silya tsaka hinalungkat sa bag ang cellphone. Nagprisinta si Llana na bilhan siya ng damit sa mall di kalayuan dito sa university. "Hindi pa, Pres. Wait..." tumayo si Adele sa harapan niya. "Saan ka nakakuha ng damit na pamalit? Kanino yan? Ang laki sa 'yo, ah..." Bumaba ang tingin ni Carly sa over sized shirt na may print na Adidas sa unahan. Tinuck-in niya 'yon sa suot na skirt. Eh "May... nagmagandang loob lang." nag-iwas siya ng tingin. "Sino? Lalaki ba?" "I didn't ask his name." Napailing si Carly at natampal ang noo. Paano kaya niya maibabalik ang damit ng lalaking 'yon? "Gwapo ba?" Patuloy ni Adele. Hinila pa ang isang monoblock at naupo paharap sa kaniya. "He has a nice tan skin... and well built body." Kinagat ni Carly ang daliri. "Does it makes him gwapo?" Tumili si Adele sabay hinampas ang braso niya. "Shuta oo!!! Bakit naman di mo tinanong ang pangalan! Jowa na, naging abo pa!" "Jowa? Sinong may jowa?" Napalingon ang dalawang babae sa biglang pagdating ni Vince. "Oh, nothing!" Kaagad na sagot ni Carly. May kadaldalan si Vince at close sa magulang ni Carly. Hindi naman siya pinagbabawalan ng parents niya na mag-boyfriend. But knowing them— medyo over protective sa nag-iisang anak. Inabot ni Vince ang hawak na paper bag ng Forever 21 kay Carly. "Bakit mo 'ko binilhan ng damit?" Nagtatakang tanong niya pagkatapos ilabas ang isang pastel lavender na tshirt mula roon. "Nasalubong ko sila Chichi. Natapunan raw ng drinks ang damit mo. Kaya binilhan kita bago pumunta rito," sagot nitong nagkibit ng balikat. Subalit kumunot ang noo nang matuon ang tingin sa suot niya. "Kanino 'yang suot mo?" "Oh... someone let me borrow his shirt." "His? Lalaki? Sino?" Nagkatinginan si Carly at Adele. Parehong pinagtataka ang eagerness ng lalaki na malaman kung sinong nagpahiram sa kaniya ng shirt. Pero bago pa siya makasagot dumating si Llana na may dala ring paper bag. "Oh, nabilhan ka na pala ni Vince?" "Uh, yeah..." pero kinuha pa rin niya ang damit rito. Hindi naman matampuhin si Llana. She just didn't want to waste her effort. "Anyway, hindi pa kayo nag-lunch? Sabay-sabay na tayo!" Tumalikod si Carly at naglakad papuntang canteen para matigil na sa pag-iinterogate ang mga kaibigan sa kaniya. Bakit kasi ba ang big deal sa mga ito ng tungkol sa lalaking nag-magandang loob lang naman tumulong sa kaniya? *** THE week went not-so-well for Carly. Wala silang nahikayat na maging bagong miyembro sa org. nila. Paparating na ang isa sa mga event na inaabangan niya sa kanilang department— ang fashion week. Each organization under their department will have a mini runway. Ang mga damit, props at models ay mga miyembro ang dapat na mag-provide. Walang problema, financially. Ang malaking problema konti lang sila sa org. at hindi biro ang preparation na dapat gawin para doon. At ang isa pa niyang pinoproblema— ay kung saang lupalop ba niya hahanapin ang lalaking nagpahiram ng tshirt sa kaniya para isauli ‘yon. Araw-araw niyang dala ang damit para sakaling makasalubong niya nga ito. Pero kahit anino ng lalaking ‘yon di niya nakita. Well, malaki ang Priceton. At malamang magkaiba sila ng department. Napahinto sa paglalakad si Carly nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone sa bag. Nasa harapan siya ng soccer field at natatanaw ang kumpulan ng mga babae roon. Napakunot ang noo niya. Ano kayang meron doon? Tapos na kaya ang practice ni Vince? Usapan nilang magkita after class. Well, palagi namang sabay sila umawi. Kung hindi ito ang maghihintay sa kaniya, siya naman ang pinipilit nitong maghintay. Si Llana madalas maunang umalis dahil may part time job. “Hello, Ari?” Bungad ni Carly sa kabilang linya. “Nandito ako sa may gilid ng soccer field. Katatapos lang ng meeting namin Wait, kasama mo sila Heather? Now na?Okay, see you!” It’s was Ariella Vizconde. One of her closest friend. Nagkakikilala sila last year sa party ng isang common friend. She was kind. And they both loves branded clothes and bags. Nag-click kaagad ang ugali nila. Later on, she introduced her to Zaraha, Heather, Bia and Maxine. And It’s the start of their friendship. Hindi man sila madalas na magkakasama dahil may iba’t iba silang circle of friends, but they created a solid bond. Kinawayan ni Carly si Ariella nang matanaw itong palinga-linga sa paligid. Lumapit ito nang makita siyang nakatayo sa may gilid ng fences. “Hey!” Bumeso ito sa kaniya. Yumakap naman siya rito. “Long time no see! Sumali ba kayo last week sa opening mga booth? How’s your org?” May sariling org. si Ariella. She’s taking up, mass communication. “Marami kaming bagong member na freshman. How bout you?” Ngumuso si Carly. “Same old. Same old. Wala na na naman sumali sa amin.” “Aw…” Nakikisimpatyang tinapik nito ang balikat niya. “You know what.. Sumama ka na lang sa amin. May small get together kami over coffee. Nauna na sila Zaraha sa Starbucks. Do you wanna come?” “I would loved too! Pero hihintayin ko pa si Vince—“ “Hey! You two!” Sabay na mabilis na napabaling ang dalawa nang bigla na lang may bumulyaw sa kanila. “Ano pang ginagawa niyo diyan! Pumasok na kayo sa loob! Magsisimula na ang game!” Nagkatinginan si Carly at Ariella na parehong clueless sa sinasabi ng middle age na babae. Nakasuot ito ng ternong pula at puting jacket and jogging pants. May suot ring puting cap. “Get in!” Pinandilatan sila nito ng mata. Parehong natataranta at naguguluhang pumasok sa loob ng soccer field si Carly at Ariella. Hindi malaman kung anong gagawin at saan pupunta. Lumingon sila sa babae. “Aba, ano! Hindi niyo alam! Doon kayo!” Tinuro nito ang kumpol ng mga kababaihan. Nakagrupo sila sa dalawa. “Ikaw na maikling buhok at nakasuot ng pink!” “M-Me?” Nauutal na tinuro ni Carly ang mukha. “Sino pa nga ba?! Ikaw lang naman ang nakapink dito! Pumunta ka sa team sa kaliwa! At Ikaw, sa kanan!” Mabibilis ang hakbang na pupwesto sana siya sa likuran pero tinulak siya ng mga babae sa paunahan. “Alam niyo namang terror si coach! Kabago-bago niyo! Tatanga kayo roon sa labas!” Bulong babaeng tinabihan ni Carly. “C-Coach?” “Kanina ka pa. Bingi ka ba? Try outs ito ng soccer players for girls! Di mo alam?” Namilog ang mata ni Carly. Hindi pa siya nakakapag-react nang magtakbuhan ang mga kasama niya pagkatapos marinig ang malakas pito. “Hoy! Wag kang tumanga riyan!” Bulyaw ng isang kasama niya sa grupo. “Eyes on the ball!” Sa buong buhay niya hindi pa siya sumali sa kahit anong sports! Geez! She’s too feminine and clumsy for this! Tumakbo si Carly papunta sa direksyon ng babaeng maliksing sinisipa-sipa sa bola habang umiiwas sa mga nagtatakang umagaw niyon. Subalit natigilan siya at sinundan ng tingin ang bagong dating na grupo ng mga lalaking nakasuot ng soccer uniform. Naupo sila sa gilid at nakinood sa mga nagtatry-outs. She then saw Vince! Nagulat pa ito nang makita siya roon. Pero mas nagulat siya nang mapabaling sa lalaking katabi nito at nakatingin rin si kaniya! The guy who lent her his shirt! Dahil nakatanga lang roon, hindi napansin ni Carly ang bolang sinipa ng kalaban ay lumilipad na sa ere at papapunta sa direksyon niya. “Hoy, tanga!! Iwas!” Sigaw ng isang player sa gilid niya dahilan para mapalingon ng mabilis si Carly. Nanlaki ang mga mata niya. Huli na para maiwasan ang bola! Sumalpok ‘yon sa mukha niya. Sa lakas ng impact, nawalan siya ng balanse at bumagsak sa bermuda grass! Kaagad na pinalibutan at pinagkaguluhan ang dalaga ng ibang players. “She’s bleeding!” Nagpapanic na sigaw ng isang player. Umiikot ang paningin at parang may mga umiikot na stars sa ulunan niya— kinapa ni Carly ilong at pinagmasdan ang kamay na may dugo. Oh, no… “Excuse me! Excuse! Carly!” Hawi ni Vince sa mga nakapaligid kay Carly. Lumuhod ito sa gilid ng dalaga kasama si Ariella na mangiyak-ngiyak pa. “Dadalhin kita sa ospital!” Bubuhatin na sana siya ni Vince nang bigla namang sumulpot ang lalaking nagpahiram ng tshirt sa kaniya. Marahan nitong tinapik si Vince braso. “May injury ka sa balikat di ba, Pre?” Mahinang napamura si Vince. It was just a mild injury. Subalit sinabihan ito ng doctor na huwag pupwersahin at lalo na ang magbuhat ng mabibigat. “s**t! But I need to take her to the hospital!” “Ako na magbubuhat sa kaniya.” Hindi pa man sumasagot si Vince. Lumuhod ang lalaki sa kabilang gilid ni Carly at maingat binuhat ang dalawa. “Can you wrap your arms around may neck? So, you wont fall.” Marahan siyang tumango at iniyakap ang mga braso sa leeg ng lalaki. Isinandal pa niya ang ulo sa dibdib nito… She was concious. Medyo nahihilo lang siya at nanlalambot sa nakitang dugo pero alam niya ang nangyayari sa paligid. And damn… he smells so good!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD