Chapter 2

2345 Words
KASALUKUYANG sinusuklay ni Carly ang hanggang balikat na buhok sa harapan ng salamin nang marinig ang malakas na boses ng Mommy niya sa ibaba. "Carly, Are you done? Vince is waiting for you outside!" Sumungaw Carly sa nakabukas na pinto at natanaw ang ina sa ibaba ng hagdanan. "I'm almost done, Mum!" "Better be hurry! Mahuhuli na kayo sa klase!" "Yeah! Be there in a bit!" Muling bumalik sa loob ng silid si Carly at mabilis na pinasadahan ang sarili sa salamin. Suot niya ang paboritong lilac cardigan, na may panloob na puting runched top. Tinernohan niya ‘yon ng floral pleated plaid skirt na kulay lavander at lowcut na converse. She can mixed and matcher her outfits dahil walang uniform at dress code sa university na pinapasukan. Dinampot na ni Carly sa study table ang shoulder bag kasama ng dalawang libro at lumabas ng silid. Halos takbuhin niya ang hagdan pababa. Tuloy-tuloy siya sa dining at hindi niya napansin ang inang si Lynette na lumabas galing sa kusina. Ang atenyon kasi ni Carly ay nakatuon sa nakaparadang ford ranger sa harapan ng driveway. Bumaba ang salamin niyon at sumungaw ang nakasimangot na si Vince. Inip na tinuro nito ang suot na wrist watch. "We're late, Carly Rose!" "I know. Sorry!" Papalabas na sana si Carly ng pinto nang marinig niya ang ina. "Carly!" Nagpreno ang dalaga at nilingon ang mommy niyang naglalakad papalapit hawak ang sandwich na nakalagay zip lock clear plastic bag. "Mum!" Hinalikan niya sa pisngi at kinuha ang inabot nitong pagkain tsaka nagmamadaling inilagay 'yon sa loob ng bag. "Where is dad?" "He left early." Hinalikan siya nito sa noo at binigyan ng nanenermong tingin. "You haven't eaten your breakfast yet. What did I tell you? Kalimutan mo na ang lahat huwag lang ang pag-kain ng wala sa oras..." Napangiwi si Carly. Her mom is a doctor kaya naman health concious. "I know.. I know.. Mummy." Itinaas niya ang kamay at humahakbang na lumakad paatras. "I promise tomorrow I'll wake up extra early para makasabay kayo ni daddy mag-breakfast! But now I really need to go!" Mabilis niyang sinabi sabay tumakbo sa sasakyan. Napailing na lang si Lynette. "Kainin mo 'yang pinabaon ko sa 'yo!" Sumungaw si Carly sa bintana pagkaupo sa front passenger seat. "Yes, Mum! Love you!" Sabay nag-flying kiss. "Tita, we gotta go!" Paalam rin ni Vince. "Okay! Take care you two!" Kumaway pa ito sa kanila bago pinaandar na ng kaibigan ang sasakyan. *** "WHAT took you so long? I reminded you last night. Matulog ka ng maaga. Para tumangkad ka naman!" Mapang-asar ang ngiting sumulyap si Vince sa kaniya mula sa pagmamaneho. Hindi niya ito pinansin. Abala siya sa pagtipa sa cellphone niya. Sanay na siya sa ugali ni Vince. Cause basically, they were friends since he was a just sperm and she was an egg cell. Magkaklase ang mga magulang nila sa med school. BFF rin ang mga mommies nila. At nang magtayo ng private hospital ang parents ni Carly na parehong respetadong doctor sa kanila-kanilang field— Neurologist ang daddy niya. OB Gyne naman ang Mommy niya. Naging resident doctor naman roon ang magulang ni Vince at bumili ng stock. So, yeah that's how they grew up together. Halos para na silang magkapatid. Matanda lang ito ng isang taon sa kaniya. "Inaano ka ng height ko? Wait, huminto ka nga diyan sa Starbucks." Utos ni Carly na tumanaw sa labas ng windshield hawak ang cellphone. "Out na ni Llana. Sabay na raw siya sa atin papuntang Priceton. Hindi napansin ni Carly ang pagsimangot ni Vince. "Tss. Wala pa naman siya. Oorder muna ako." Umikot ito sa drive through. In-order-an siya ng Java chip. Nagreklamo pa ng sabihin niyang bilhan rin si Llana. "Alam mo, hindi ko pa rin maintindihan bakit mo kinaibigan ang weirdo na 'yan." Ngitngit na sabi ni Vince habang umiinom sa frappe niya. Pumarada muna sila dito sa harapan ng Starbucks para hinintay si Llana. Highschool nang maging kaibigan nila si Llana. Galing sa public school na naging scholar sa foundation ng Priceton. Tahimik ito at madalas na pagbulungan ng mga kaklase nila. And being the bubbly and friendly nature of Carly, nilapit-lapitan niya ang babae at kinaibigan. Madalas niyang isinasama sa kanila ni Vince. And eversince vocal na ang lalaki sa pagsasabing hindi nito gusto ang babae. Well, at least not in front of Llana. "We've been friends with her since highschool days. What's wrong with you? Okay naman si L, ah?" "Ha! Ikaw lang ang may kaibigan doon." Maktol nitong ngumuso at sumulyap sa labas. Napairap pa ito. "Oh, ayan na ang BFF mo." Nang matanaw ni Carly si Llana na lumabas ng Starbucks. Binuksan niya ang bintana at kinawayan ang kaibigan. "Kabisado naman niyan ang sasakyan ko, kinawayan mo pa." "Ssh! Shut up." Pinandilatan niya ito. Bubulong-bulong pa rin si Vince sa tabi niya nang sumakay si Llana sa backseat. "Thank you for picking me up, guys." "No problem!" Kinuha ni Carly ang frappe sa tabi niya at ibinigay 'yon kay Llana. "Oh, palamig ka raw muna sabi ni Vince. Libra niya 'yan.." Napangisi na lang si Carly nang maramdaman ang masamang titig ng lalaki sa kaniya. DUMIRETSO na sila sa university. At dahil first week of school year— dagsaan ang mga estudyanteng inaalam ang schedule nila. Ang iba ngayon pa lang nagpapa-enroll. Idagdag pang nag-bukas na rin ang mga organization para manghikat ng mga transferee at freshmen na sumali sa kanila. Bumaba sila sa sasakyan pagkaparada niyon sa parking lot. At magkakasamang naglakad sa pathway papuntang gynasium kung saan tabi-tabi ang mga booth roon. Kabilaan ang malakas na music. Palinga-linga si Carly nang mangibabaw ang malakas na tili. Paglingon nila, nakita niya si Adele ang treasurer nila na tumatakbo papalapit. Medyo chubby ito at maliit na babae. Mas maliit pa sa height niyang 5'2. "Pres! Kanina ka pa namin hinihintay!" Hingal nitong inayos ang bulaklaking headband na medyo nagulo. "Doon ang booth natin!" Sabay turo sa kabilang panig ng malawak na field. Pero natigilan rin nang mapalingon sa tabi niya. "Ay, kasama mo pala si Papa Vince!" Inipit nito ang buhok sa likod ng tainga at nagpa-cute. "Hi! Ehe." Ilang taon nang nagpapansin si Adele kay Vince. Pero palaging deadma ang lalaki rito. Hindi rin niya maintindihan. Sa buong nilang pagiging magkaibigan wala man lang itong nilagawan. "Daanan kita mamayang lunch," ani Vince na hindi man lang sinulyapan si Adele bago umalis. Hindi niya alam saan na ang punto nito. Wala naman kasing sinalihang organization si Vince except sa member ito ng soccer team. "Ang suplado talaga..." ngumuso si Adele at sinundan ng tingin ang papalayong lalaki. "Gwapo pa naman!" Pumunta na sila sa booth. Wala siya kahapon nang ayusan ng mga kasama niya ang booth kaya naman namilog ang mata ni Carly pagkakita roon. One word lang ang pumasok sa isip niya. Outstanding! Kumikitang ang glitters sa ilalim ng sikat ng araw. Sabi na nga ba! Effective ang naisip nilang motif na hot pink! Napapalingon sa gawi nila ang ibang estudyante. "This so pretty!" She loves everthing sparkling and colorful! "Sa true, Pres! Ang galing mo talaga! Effective ang glitters!" Nagyakapan sila ni Adele at tumatalon-talon na parang mga bata. Natigilan lang sila nang magsalita si Llana na kunot noong pinagmamasdan ang booth nilang parang inubos ang lahat ng glitters sa National Bookstore. "Teka, hindi ba parang masakit sa mata?" "You think so?" Lingon ni Carly sa kaibigan. Importante sa kaniya ang opinyon ng bawat member ng grupo lalo na ni Llana. She's her bestfriend. At ito rin ang nakaisip na bumuo sila ng organization two years ago. "Medyo," sagot nito. Lumapit ang secretary nilang si Eva na parang kabuteng pasulpot-sulpot lang pero most the time ay MIA. Strict kasi ang parents nito tapos hatid sunod pa ng nanay. Tumabi ito kay Carly at Adele. "Para sa akin okay na okay naman, Pres! Ang dami ngang napapahinto at lumilingon! Di ba, Berns!" "Oo, Pre!" Patango-tango sang-ayon ni Berna habang inaayos ang suot nitong cap. "Malakas nga makakuha ng attention. And it's our main goal, di ba?" Sabay-sabay silang lumingon kay Llana at hinintay ang opinyon nito. Imbes na sumagot ay nagkibit lang ng balikat ang babae tsaka naupo sa monoblock na nasa gilid. "Okay..." pabalewala pa nitong sagot habang nagce-cellphone. Nagkatinginan ang mga member at pasimpleng nagsisikuhan at nagbulungan habang sinusulyapan si Llana. Karamihan sa mga ito ang tingin sa babae ay mataray, masungit at suplada. Umiimik lang si Llana kapag, hindi sang-ayon sa mga plano nila para sa org. But she know her so well. She came from a broken family. Self supporting student pa. And She had a hard life. Kaya naman uptight at palagi itong seryoso. "Hey, back to work, girls!" Pumapalakpak na agaw ni Carly sa atensyon ng mga ito. "Sino ngang nakatoka sa pagbibigay ng flyers?" "Si Chichi at Kipay!" Sagot ni Adele na ang tinutukoy ay ang dalawang badet na bagong miyembro nila. "Lagari ang mga 'yon, Pres! Ang daming nahatak kanina." "Oh..." Namimilog ang matang umangat ang tingin ni Carly mula sa pag-scan sa ipad. "May mga sumali na ba?" She was hopeful na madagdagan ang member ng org nila. Para naman makasali sila sa mga major events na magaganap this year. Lilima lang kasi sila at nadagdagan nga ng dalawa. Kulang na kulang sila kumpara sa kakumpetensyang grupo. Ang Powder Puff Girls na ang booth ay pinuwesto sa mismong tabi nila. Pasimpleng sumulyap roon si Carly at nakita si Marga na pangiti-ngiting kumakaway sa mga dumadaan. Nakasuot pa ng pulang headband na may nakasulat na President. "Wala pa, Pres! Babalik raw sila after ng lunch. Pero nafefeel ko na sasali sila sa atin. Huwag lang bubulungan ng mga langaw—" lumingon si Adele kabilang booth. "Sa tabi-tabi!" Malakas nito 'yong sinabi kaya narinig ng kabilang grupo. Sabay-sabay na tumaas ang kilay at lumingon sa booth nila ang powder puff girls. "Langaw? Tayo ba ang langaw? O ang booth nila ang nilalangaw!" Sinundan ng mga ito 'yon ng malakas na tawa. "Aba—" aktong susugod si Adele pero kaagad inawat ni Carly. "Hey, let's focus our energy to more worthy things. Okay?" Umirap si Adele sa kabilang booth. "Hah! Ang papanget niyo!" "Ganda ka, girl? Tabachoy!" Nagtawanan ang grupo. "Inaano kayo ng taba ko!" Insecurity ni Adele ang katabaan kaya ayaw na ayaw nitong kinukutya ng dahil doon. "Hey!" Hinila na ni Carly ang nagwawalang kasama pabalik sa booth. *** NAGING war zone ang mga sumunod na oras. Hindi na tumigil ang kabilang grupo sa pang-iinis sa kanila. Lantaran pang inaagaw ang mga estudyanteng nahahatak ni Chichi at Kipay papunta sa booth ng mga ito. "Sasali ka mga 'yan? Look at them, ang cheap! Dito sa org. namin may sarili kaming lounging area!" Sinadyang lakasan ng alagad ni Marga ang boses para iparinig sa kanila ang sinabi sa estudyanteng kausap ni Chichi kanina. Ngumisi pa ito sa kanila bago inakbayan at niyaya ang estudyante sa booth ng mga ito. "Sobra na talaga ang mga 'to, Mhie!" Naiiritang tili ni Chichi. Hindi na nito nakayanan at sumugod na sa kabilang booth. Hinabol ni Carly si Chichi kasunod ang ibang kasamahan sa booth except Llana na kunot noo lang nakatingin sa kanila. "Oh, bakit napunta ang mga langaw rito?" Mataray na sabi ni Marga, hawak ang frappe. Sa likod nakapwesto ang isang barangay na alagad nito. "Kasi mga tae kayo!" Galit na sagot ni Chichi na dinuro-duro Marga. "Chi, wag mo nang patulan!" Saway ni Carly rito. Kilala niya si Marga dahil kindergarden pa lang magkaklase na sila. Hindi ito marunong tumanggap ng pagkatalo at lalong hindi ito nagpapatalo! "What the hell!" Naningkit ang mga mata may false lashes na hinawi ni Marag ang kamay ni Chichi. "No one ever pointed a finger on me!" "Oh, bakit sino ka ba sa tingin mo? Retokadang nagmamaganda!" Kitang-kita ni Carly nang mamula sa galit ang mukha ni Marga. "Anong sinabi mo?" Mapanganib nitong tanong sabay inalis ang takip ng frappe. Sakto namang nakalapit si Carly para awatin si Chichi at hilahin pabalik sa booth nang isaboy ni Marga ang laman ng baso. Namilog ang mata ng mga kasama niya kasabay ng nawiwindang na tili. "Pres!!" And yeah... It went straight to her clothes! Great! The dark mocha frappe! *** LUMINGA-LINGA sa paligid si Carly. Nang masigurong walang tao, kinalas niya ang butones ng suot na cardigan. She was soaking wet from the frappe that Marga accidentally poured at her. Dumiretso siya rito sa likod ng gym. This was the nearest place na mayroong gripo. Nakakahiya naman kasing lumakad sa university na marumi ang damit niya. "Pres!" Kamuntikan mapatalon si Carly nang marinig ang boses ni Adele. Sumilip siya mula sa pinagkukublihang puno. "Ginulat mo ako! Anong ginagawa mo diyan? Dala mo Sinabihan niya itong bumalik na booth nila. At hintayin roon si Llana na nagprisintang ibili siya ng damit na pamalit. "Dala mo ba na yung damit?" Tanong ni Carly rito habang hinuhubad ang cardigan. "Hindi. Wala pa si Vice. Sinilip lang kita kung may kailangan ka." "I'm fine. Sige na. Hindi pa ako tapos rito." "Okay. Chat ka lang, Pres! Kapag may kailangan ka." Pahabol nito bago naglakad papalayo. Frustrated na bumuntong hininga si Carly nang makitang tumagos na pala sa puting runched top ang kulay tsokolateng mantsa! Naiiling siyang naglakad papunta sa hilera ng mga gripo at itinapat doon ang damit saka kinusot-kusot pagkatapos isinampay niya 'yon sa gilid ng lababo. Bumaba ang tingin ni Carly damit. She had no choice but to take it off too. Luminga siya sa paligid bago hinawakan ang hem ng damit at dahan-dahan na itinaas. She was left with her n****e tape when she heard foot steps. Startled, she looked on her left side and found nothing. Nakahinga siya ng maluwang. Abala ang lahat at hindi pa nagsisimula ang training kaya imposibleng may mapadpad na varsity dito— "Excuse me, Miss." Mabilis na napalingon si Carly sa nagsalitang buo at malamig na boses mula sa likuran niya. Namimilog ang mga matang tiningala niya ang matangkad at gwapong lalaking nakatayo sa harapan niya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD