"Bakit kasi hindi mo ako ginising, Pipay!" Reklamong ipinadyak ni Carly ang paa sa ilalim ng mesa na noo'y nasa harap hapag kainan para mag-almusal s***h tanghalian. Tinanghali siya ng gising kaya hindi niya tuloy inabutan si River na mag-deliver ng kesong puti. Ang nakakainis pa, ilang beses niyang ibinilin kay Pipay na gisingin siya ng maaga! Balak niyang kausap ang binata at linawin ano bang dahilan ng pagpapalit nito ng mood kahapon. Hindi kasi siya sigurado kung magrereply ba ito kapag idinaan niya lang sa text. "Ha? Anong kasalanan ko doon? Ginising naman kita! Pero ikaw 'tong puro 5 minutes! 5 minutes!" "Sabi ko sa 'yo hampasin mo ako ng unan di ba, kapag hindi ako magising!" "Edi, nilumpo ako ng Lola mo na ni ayaw kang padapuan ng lamok! Tsaka bakit ba 'di mo na lang itext y

