Chapter 5

806 Words
◾◾?◾◾ CHAPTER 5 ANGEL OR DEMON? "She is neither an angel nor a demon." D Mafia Main HQ Sora~ Closing the door behind me I immediately took a seat at the long white sofa. Gayon na lamang din ang paghinto ng aking kamay sa pag-abot ng bagong release na magazine nang hanginin ang mahabang kurtina ng kwarto. "Hays." Buntong hininga ko, marahan ko namang isinandal ang aking ulo bago itinaas ang dalawang paa sa katapat na lamesa. Tirik na tirik pa ang araw sa labas ngunit mukhang hindi na makapaghintay ang bagong dating sa paglubog nito. "Anong kailangan mo?" Lumipad ang aking tingin sa direksyon ng bintana, malumanay ko lamang tinitigan ang babaeng nakatayo roon. "Piper." "Nandito lang naman ako para sabihing pinapatawag ka ni Master D. Di ko akalaing papalpak ka sa pagpatay kay Mr Sy, Goldie." Ngisi niya bago nawala sa sariling kinatatayuan. Iiling akong tumayo upang dumiretso sa opisina ni Master D. Kailangan kong makumpirma kung talaga bang alam na nila ang totoo o gumagawa na naman ng ingay ang tinatawag nilang legendary reaper. Pagkarating palang sa opisina ni Master D ay dire-diretso lang ako nang pasok at di na nag-abala pang kumatok. Binigyan ko lamang ng isang tango ang matandang lalaki na nakaupo sa kaniyang swivel chair, tumango pabalik sa Master D bago ibinaba ang hawak niyang folder. "Take a seat." Utos niya. Imbes na maupo sa upuan sa tapat ng kaniyang lamesa ay pinili ko ang sofa na malapit sa floor to ceiling glass wall. Calmly looking at the busy street outside the glass, I waited for his next words. "Isa sa mga tauhan ko ang nakakita kay Mr Sy, Sora. I hope you didn't fail your mission for the first time." Panimula niya ngunit nanatili akong tahimik. "May nakapagsabi rin na lalabas ng bansa si Mr Sy ngayong gabi." "You think I failed?" Marahan kong tanong nang hindi siya nililingon. "Mr Sy died in my hands." "Pero paanong may nakakita sa kaniya?" Bumagtas ang maliit na ngiti sa aking labi, "At sino naman ang taong iyon?" Tanong ko. "Piper." Iyon lang ang kailangan kong kumpirmahin. Piper has always been trying to pick a fight with me eversince I came to D mafia. Siya ang laging unang kumokontra sa lahat ng ginagawa ko, at talagang nagpaalab ng kaniyang apoy nang kuhanin ko ang misyon na pagpatay sa traydor ng D mafia, si Mr Sy. Muling bumalik ang malumanay na ekspresyon sa aking mukha nang harapin ko ang pinuno ng D mafia. "Alam mo naman na hindi kami nagkakasundo ng iyong reaper." Saad ko. "Hindi nabubuhay ang patay, Master D." Hindi na siya na nagsalita pa kaya kinuha ko iyong pagkakataon upang lumabas. Pagkasara ng pinto ay saktong lumitaw sa kabilang hallway ang isa sa mga miyembro ng Dark team. Sinundan ko ng tingin ang babaeng iyon at nang mag-angat ang kaniyang ulo ay doon ako nagsalita. "Layla." Tawag ko rito, tumigil ang babae sa paglalakad at yumuko. "Tell the Dark team to meet me tomorrow morning at the practice hall. 7:00 ante meridiem. Sharp." Hindi ko na narinig ang reply niya dahil agad akong umalis sa lugar na iyon. Airport 9:47 pm Mr Sy~ Nagmamadali akong bumaba ng sasakyan at iniwan ang drayber nang nagtataka. Kaninang umaga ko lang naibook ang aking ticket palabas ng bansa, gaya ng napag-usapan namin ng babaeng may malagintong buhok. Madilim sa lugar na aking pinagbabaan, parte ng plano ang dumaan ako rito upang walang makakita o makakilala sa akin. Agad ko namang hinila ang malaking maleta papasok ng airport ng may tumawag sa aking pangalan. Kusa akong nabato sa aking kinatatayuan nang marinig ang pamilyar na boses na iyon-- ang malumanay ngunit mapagbantang boses ng isang anghel. Tanging buntong hininga ang aking nagawa bago lingunin ang pinanggalingan ng boses, ngunit gayon na lamang din ang paggapang ng takot sa buo kong katawan. Nanlalaking mata ay napatitig ako sa dalawang pares na asul na malumanay na mga mata, bumuka naman ang aking bibig upang kumuha ng hangin dahil sa kamay na siyang may hawak ng aking leeg. "S-sandali..." "Hindi ka naging maingat sa mga kilos mo, Mr Sy." Para bang bored nitong sabi, humigpit naman ang kapit sa aking leeg. "I told them that you already died in my hands, don't make that sentence a fact." "S-sorry! H-hindi na mauulit to! Mas mag... Iingat ako!" Desperado kong paliwanag dahilan para bitawan niya ako. This girl... I don't know what her motives are. She was sent to kill me yet she spared my life. "Okay." Yun lang at nawala na siya sa madilim na lugar na iyon. Nilibot ko ng tingin ang paligid upang masiguradong wala na nga siya bago dumiretso sa loob ng airport. Sora. She is neither an angel nor a demon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD