Chapter 6

977 Words
◾◾?◾◾ CHAPTER 6 SHOWING SUPERIORITY "Make sure that there won't be a next time." D Mafia Main HQ Practice Hall 7:35 am Sora~ Prente lang akong nakaupo, magkakrus ang dalawang binti, habang isa-isang tinitignan ang kulay pula kong mga kuko sa kamay. Matapos ang dalawang minutong pananahimik ay nag-angat naman ako ng tingin upang suriin ang doseng subordinates. Diretsong mga nakatayo, isa-isang nag-iwas ng tingin ang aking mga subordinates. Ni hindi man lang magawang magpaliwanag kung bakit wala pa walo sa kwartong ito. Dark team consists of 20 members. They are the best team according to Master D, ngunit sabi-sabi lang ata ang mga iyon. "I didn't know your team is good at disobeying orders." Dumagundong ang mahinahon kong boses sa buong practice hall dahil sa nakakabinging katahimikan, lahat naman sila ay kusang nagsiyuko. "Ayokong takutin kayong lahat pero... kapag hindi niyo dinala rito ang walong tao na kulang sa grupong ito malulunod ang buong Dark team sa sarili nilang mga dugo." Agad na lumabas ang lahat. Kung ano mang method ang gagawin nila para dalhin ang mga nawawala, wala na akong pakielam roon. I just need those eight to show up then I can reveal that I am not someone to be messed up with. Kalahating oras pa ang lumipas, I was just calmly sipping on my red wine like any ordinary day when the door bursted open with a loud 'thud'. Sumilay ang ngisi sa aking labi habang dahan-dahang iininom ang laman ng baso. "C-captain, we brought the eight others." Rinig kong saad ng isa. "Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" "Kapag ayaw naming pumunta wag mo kaming pipilitin! Si Avory lang ang captain para sa amin at siya lang susundin namin!" Muli akong nagsalin ng wine sa aking baso bago hinarap ang buong dark team. "Avory." Tawag ko. Hinarap rin naman ako ng dating captain at tinaasan ng kaniyang kilay. "What? Simula palang ito. Patuloy ka naming iboboycott dahil hindi mo deserved maging captain ng team na ito!" Matigas na sabi ni Avory, hindi ako natinag sa narinig bagkus ay nginitian pa siya. "True." Bored kong sabi. "I don't deserve this team. I deserve something better." "Sinasabi mo bang mahina ang grupo ko o naiinggit ka lang dahil loyal sa akin ang pito sa kanila?" "Ah, you turned them into your dogs. It's a pity their master is just all barks but no bite." Gamit ang isa pang kamay ay isinuklay ko iyon sa aking buhok, hindi pa man nakakarating sa dulo ng buhok ang mga daliri ay lumikha ng ingay ang baso sa isa ko pang kamay, sinipa ni Avory ang wine glass na siyang dahilan ng pagkabasag nito sa mismong palad ko. I looked at my bleeding palm and boredly stared at it, dahil sa naghalo ang alak sa sugat ay ramdam ko ang kirot sa bahaging iyon. "Sino sa atin ngayon ang puro salita lang?!" Lumipat naman ang aking tingin sa nanggagalaiting babae sa aking harapan. Isang malawak na ngisi ang kaniyang binigay sa akin nang magtama ang aming tingin, bagay na ginantihan ko rin ng maliit na ngisi. Mula sa aking pwesto ay mabilis akong nawala at di pa man din nagproprocess sa kanila ang nangyari, nasa nagdurugo ko nang kamay ang maputing leeg ni Avory. "Ack!" Dumiin ang hawak ko sa kaniyang leeg dahilan para mas bumaon ang ilang mga bubog sa pareho naming balat. "You think you can threathen me?" Nagpupumiglas mula sa aking kamay si Avory, ang namumula niyang mukha ay unti-unting nangingitim. Sa pagkakataong iyon ay sumugod ang isa sa kaniyang alagad sa aking likuran, ngunit mabilis akong umikot ang inihagis sa direksyong iyon ang dati nilang captain. Sumubsob ang dalawa sa sahig. Sapo ang dibdib ay naluluhang lumingon sa akin si Avory, her eyes met my blue pair of orbs that is boredly staring back at her. "I don't need dogs that are loyal on their former master." Saad ko habang hinuhugot ang baril sa aking likuran. Lahat naman sila ay nanlalaking matang napatitig sa aking pigura. "I kill them along with their master before they can become too troublesome." No weapons are allowed at the practice hall, since everyone is entitled to train physically without it. At ako lang ang naglakas ng loob na magdala ng isa. Raising the gun at the level of Avory's head, the defeaning sound of gunshot echoed at the whole hall. Practice hall Yannah~ Namuo ang malamig na pawis sa aking likuran habang nakatitig sa malumanay na asul na mga mata ng babaeng may malagintong buhok. Ang kaniyang mga titig ay tila ba pagod na sa mga nakikita-- like a God who has forsaken its people. Kusang pumikit ang aking mga mata nang kalabitin niya ang gatilya ng baril, ilang segundo ang lumipas habang nageecho ang putok ng baril ay dumagundong ang mahina ngunit nakakapangilabot na boses ni Sora. "Oh." Saad niya sa bored na boses. "The gun is empty." Dagdag pa nito habang pinapaikot ang baril sa kaniyang palad. "Sa susunod bala na ang lalabas rito at hindi hangin. Make sure that there won't be a next time." Iniwan na kami ni Sora sa practice hall na nakatulala, ngunit bago pa man tuluyang makaalis ay pinasadahan niya kami ng kaniyang malumanay na titig, isa -isa ay kaniyang tinitigan hanggang sa tumigil iyon sa nanginginig na si Avory. "Let's meet again tomorrow." Pinanood ko lang ang papalayo niyang pigura, ang dugo ay patuloy na tumutulo mula sa kaniyang kamay pababa sa bawat nadadaanan nito at ng tuluyan nang makalabas nga siya ng kwarto ay doon lamang ako nakahinga ng maluwag. "Yannah, okay ka lang?" Siko sa akin ni Layla. "Oo naman. Nabato lang talaga ako kanina." Tumango naman ang aking kaibigan. "She may look fragile but her presence suggests otherwise." Bulong niya na nagpataas ng aking balahibo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD