◾◾?◾◾
CHAPTER 7
SORA IN DISGUISE
"I won't tell you, instead I will show you, Piper. Just wait."
Sora~
Matapos ang maikling engkwentro sa loob ng practice hall ay dumiretso ako sa aking kwarto, inihagis ko ang baril sa kama bago kuhanin ang duffel bag sa ilalim nito. Dahil walang binigay na misyon si Mr D ngayon ay lalabas na muna ako upang makipagkita sa dating kaibigan.
Dala-dala ang duffel bag ay dumiretso ako sa parking lot at lumabas ng Main HQ, tumigil naman ang aking kotse sa tapat ng maliit na coffee shop kung saan malimit lamang ang nagpupunta rito. Mula sa aking kotse ay tanaw ko naman ang taong kanina pa naghihintay sa akin kaya agad akong bumaba at naupo sa bakanteng upuan sa kaniyang harapan.
Nagtaas siya ng tingin at nangunot ang noo. "Sir, that seat is taken."
Sumilay ang ngisi sa aking labi sa naturan ng dalaga. Sitting in front of her is not a lady but a guy-- me wearing a loose T-shirt and faded jeans, to complete the disguise I even wore a cropped hair black wig and tinted sunglasses. Ipinagkrus ko ang aking binti at bored na sumandal.
"I know. Pinareserve mo ito para sa akin, hindi ba?" Mula sa labas ay lumipat sa kaniya ang aking tingin.
"So-"
"Call me Soren." Muling bumalik sa labas ang aking tingin, sa bagong dating na motor at sa babaeng sakay nito-- Piper. "Anong balita?"
Humigop muna siya ng kape at ang kaninang maaliwalas niyang mukha ay sandaling nagdilim.
"Kumalat na sa underground ang tuluyang pagbagsak ng Royal mafia. Everyone is in a chaos." Mahina niyang sabi. "Kahit ang iba ay nagdedemand ng proof of death ng Queen ng Royal mafia."
Tumango ako habang sinusundan ng tingin si Piper na papasok ng coffee shop, panigurado ay sinundan niya ang kotse ko at ngayo'y hinahanap ako. But she will never find Sora, not with my disguise.
"With the news spreading, others will take advantage of the situation." Mahina pero walang buhay kong sabi. "Hahanapin nila ang main base ng Royal at susubukang magtake over, gamitin rin natin iyong opportunity para malaman kung sino ang tunay na kakampi."
Kita ko kung paano libutin ng tingin ni Piper ang kabuuan ng coffee shop, hinahanap ang babaeng may malagintong buhok. Lihim akong napangiti bago kuhanin ang menu sa lamesa.
"Kamusta na siya?" Isa-isa kong tinignan ang dishes pero wala akong nagustuhan.
"Nilipat na ulit siya rito at nasa hospital sa South."
"Spies?"
"Tatlo ang spies ayon kay Thyme."
Tumango ako at inabot sa kaniya ang menu. "Wala akong mapili. Mauuna na akong umalis."
"Okay po, sir Soren."
"Make sure everything is in order, River."
Kinuha ko ang aking bag bago dumiretso sa female cr, nadaanan ko pa si Piper na nagtatanong sa cashier tungkol sa may-ari ng kotse. Sa cr ay tinanggal ko ang aking disguise at nagpalit ng itim na turtle neck. Matapos suklayin ang ginto kong buhok ay doon lamang ako lumabas. Unang hinanap ng aking mata si River at mukhang nakaalis na siya, sunod naman si Piper na dinidescribe sa cashier ang hitsura ko.
"Madali niyo lang siyang makikita dahil sa buhok. Sigurado ka bang wala ditong pumasok?"
"S-siya po ba tinutukoy niyo, ma'am?" Turo ng kahera sa likuran ni Piper.
"Sora..." Masamang titig niya sa akin na ginantihan ko lang ng malumanay na tingin.
"Kung hinahanap mo ako dapat nagtext ka na lang." Bored kong sabi. "One chocolate frappe with kisses." Baling ko sa kahera.
"I saw your car outside." Taas kilay na sambit ni Piper. "That's why I came to check you out."
You mean you followed me all the way here. Watching my every move.
"Sorry but your presence is not welcome." Kinuha ko ang aking frappe at iniabot ang bayad sa babae. "Mauna na ako."
"Such arrogance coming from the fallen queen." Rinig kong sambit niya na siya namang ikinatigil ng aking mga paa. "Mukhang wala ka nang babalikang mafia, Sora. Isa ka na lang tauhan ni Mr D. Masakit ba ang pagkakabagsak ng isang queen?"
Hinarap ko ang legendary reaper ng D mafia, ang malumanay kong asul na mga mata ay kalmadong tinitigan lamang siya. Kung meron man kinakatakutan sa akin ay yun ang pagiging kalmado ko. No one knows what I'm thinking nor what I am capable of doing. Not even this girl has seen my true colors yet.
Lumapit ako at hinawi ang kaniyang buhok bago iipit ito sa likod ng maliit niyang tenga. Doon ay binulong ko ang hinihintay niyang sagot. "I won't tell you, instead I will show you, Piper. Just wait."
Nilisan ko ang coffee shop at agarang sumakay ng aking kotse. Yes, I am a fallen queen. That's what they all think, but my name is not Solemn Raina Salvatore Woldart if I can't rise up on my throne again. A royal will always be a royal.